Chapter 32 : The bitter truth that will break your HEART

1.1K 16 3
                                    

Chapter 32

Avril’s POV

Nailipat na si Mama sa isang kwarto. Natutulog padin sya pero sabi ng Doctor may improvement naman daw. Intayin na lang daw namin na magising sya, kailangan daw lagi namin syang kakausapin dahil kahit nakapikit si Mama eh buhay padin ang diwa nya at aware sya sa mga nasa paligid nya.

Lagi lagi kong dinadalaw si Mama sa ospital, lagi ko syang kinakausap. Nagkekwento ako sa mga nangyayari sakin, saamin ni Kuya. Sinasabi ko din sa kanya na magkakaroon na sya ng apo.

“Apolo, nasabi mo na ba sa Mommy mo yung tungkol sa magiging baby natin?”

“Avril, pwede ba wag muna natin pag-usapan yan. Please lang, wag ngayon”

Tatlo't kalahating buwan na tong bata sa sinapupunan ko pero hindi nya padin sinasabi? Ano bang plano nya sakin? Anong plano nya samin ng magiging anak nya?

“Anong wag ngayon, anong plano mo samin ha? Wag mong sabihing hanggang ngayon issue padin sayo kung sino ang tatay nito. Ganyan kaba ka-manhid? Para hindi mo maramdaman ang lukso ng dugo?”

Pasensya na pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Ramdam ko na naging cold sya sakin, lalo na nung nalaman nyang buntis ako. mahigit isang buwan na ang nakalipas, madalas syang busy daw at walang panahon para samahan ako. Tuwing tinatawagan ko sya eh dinedeadma lang nya ako.

Tuwing pumupunta ako ng ospital para magpa check up, imbis na sya ang kasama ko, si Julian o kaya si Tristan ang kasama ko. Mahal ko sya, at ngayong magkakaanak kami, ayoko syang isuko. Pinipilit kong intindihin sya.

“Oo! Nagdududa ako! Masaya kana? Hindi mo ako masisisi! Bakit ka kasi nagpagalaw sa ibang lalaki. At ngayong nabuntis ka, sakin mo ipapaako? Buti kung alam kong ako talaga ang ama nyan!”

Sinampal ko sya. Masyado ng masakit ang mga sinabi nya, hindi na maatim ng pagkatao kong tanggapin pa ang lahat ng iyon.

“Oo! Alam ko mali ako sa ginawa ko nun! Pero hindi paba sapat ang paghihirap kong ibalik sakin ang tiwala mo? Kung tutuusin, sobra sobra na lahat ng pangmamaliit at panghahamak mo sa pagkatao ko, pero okay lang yun. Kaya kong tiisin yun, pero yung itanggi mo ang anak mo? Yun na siguro ang pinakamasakit sa lahat!”

“Kung nasasawa kana, bakit hindi pa tayo maghiwalay? Tapusin na natin to. Pati ako, nahihirapan ng pakisamahan ka! Sawang sawa na ako sayo! Itigil na natin ang kalokohang ito.”

Nagulat ako sa mga sinabi nya dahilan upang umiyak ako at habulin sya na ngayon ay naglalakad palayo sakin. Niyakap ko sya ng mahigpit mula sa likod.

“A-apolo! Sorry na. Pag-usapan natin to. Ayokong mawala ka. Mahal na mahal kita. Please Apolo. Pakinggan moko.” tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Tinanggal nya ang kamay ko na nakayakap sa kanya. At humarap sya sakin.

“We’re done Avril. Kalimutan mo na ako”

Napaupo na lang ako sa lapag habang tinitignan ko si Apolo na palayo sa akin. Ang sakit, sobrang sakit. Ganon lang kadali sa kanyang talikuran ako? Sa ganitong sitwasyon. Bakit ngayon pa.

Tunay nga talaga, na kapag nawala na ang tiwala, maaring mawala ang pagmamahal nya sayo. Pero bakit sya nagawa ko noong patawarin?

Ilang beses kong sinubukan kontakin si Apolo pero hindi nya ito pinapansin. Pumunta ako sa bahay nila pero wala daw doon si Apolo. Hindi na din sya pumapasok sa iskwelahan. Nawawalan na ako ng pag-asa.

Isang buwan na ang nakakalipas nung nakipaghiwalay sya sa akin. Apat na buwan ko nading dinadala ang magiging anak namin, pero kahit minsan, hinding hindi ko sya itatakwil. Bubuhayin ko sya ng mag-isa at hindi ko isisisi sa kanya ang nangyari sakin. Hindi ko padin sinasabi kay Kuya ang nangyari. Masakit para sa babae ang itakwil ng lalaking mahal mo. Ni wala akong balita mula kay Apolo. Hindi nadin ako pumasok dahil lumalaki na ang tyan ko.

My Fake Dreamboy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon