Chapter 28 : Julz in Trouble. Omo!

1.3K 17 3
                                    

Chapter 28

Sana lagi na lang ganito. One week na kami ni Apolo ngayon. Masaya kasi legal na kami kina Mama. Hindi pa nya ako napapakilala sa parents nya kasi nasa Korea daw kasi dun ang Main office ng business nila.

Si bespren? Ayun laging busy. Punong abala bilang isang presidente ng klase.

Si Apolo nga pala kasali sa basketball. Si Cristine naman sa props ng gagawing theatre play. Lahat kami ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Busy din ako sa pagrereview, pero lagi nga kami hindi nag-aabot ni Julian eh, tuwing dadating ako, aalis naman sya. Paano kaya kami neto sa quizbee? Dapat mabuo yung partnership samin diba?

Haaay. Magre-review na nga lang ako. Ayokong mai-stress ngayon. Hahaha. Kailangan kong pagbutihin to, sinisingit ko na din yung review ko para dun sa scholarship sa Paris.

Nagtext nga pala sakin si Apolo, hindi nya ako masusundo kasi may mini-reunion silang magkakabarkada. Hindi naman ako makakasama kasi kailangan kong mag-review. Haaay pasakit naman nito. Aagahan ko na nga yung pag-uwi ko kasi wala sila Mama at Kuya dahil pumunta ulit kay Lola.

Habang naglalakad ako pauwi, biglang may kamay na pumatong sa balikat ko. Tumingin ako sa paligid. Walang katao-tao sa nadaanan ko. Uwaaaa! Bakit sa lahat naman ng pagkakataon ngayon pa nawalan ng tao dito. Natatakot ako, hindi ako makatingin sa likod ko baka mamaya snatcher at bigla akong saksakin.

Hindi sya naimik. Feeling ko maiihi na ako sa takot. Apolo help me! >.<

“A-ano pong kailangan nila?” medyo utal kong sabi pero lalong dumiin ang hawak nya sa balikat ko.

“I-ibibigay ko po. T-teka lang” bubunutin ko na sana yung pitaka ko sa bulsa ng biglang. . .

“Avril, ako to” Nabosesan ko sya. Medyo husky lang ang boses pero sigurado akong sya to.

“Julian?” tumalikod ako at nabigla ako sa nakita ko.

“Hala! Anong nangyari sa’yo! Uyy!” eto ngayon si Julian, sugatan napaupo sa gilid ng bakod na malapit sa kalsada.

Lumapit ako sa kanya at inalog alog sya.

“Uy! Anong nangyari sayo? Sinong may gawa sayo nyan?” Ang dami nyang dugo. Uwaaaa! Pumutok yung kilay nya, may cut din yung lower lip nya.

“Huy! Sagutin moko! Gangster kaba? Huy! Gising! Magagalit si Ted Failon sayo nyan eh! Hoy! Gising!” then I poke his fluffy chicks. Loko ka talaga Avril! Sugatan na nga pinagkakatuwaan mo pa.

“H-hey. . .Wag mo akong kurutin. . .Ahh. . .”

“Ano nga kasing nangyari sayo? Teka teka, nagpapanic nako dito eh. Kaya mo bang tumayo? Aalalayan kita ha.”

Nilagay ko yung braso nya sa balikat ko. Hangbigat! Tyinaga ko syang buhatin hanggang sa bahay. T.T

“Teka lang ha. Bubuksan ko lang yung pinto. Hinanap ko sa bag ko yung susi ko. Tadah! Ayun nabuksan ko nadin yung pinto.

Inalalayan ko sya papasok. Nung nasa loob na kami eh biglang. . .

“Ang lambot”

Uwaaaaa! Gago to ah!

Blaaaaaaggg!

“Aray!”

Naibagsak ko tuloy sya sa sofa namin na medyo matigas. Nagulat ako ng sa pagkakaakbay nya sakin eh hinawakan nya yung. . .Hinaharap ko?! What the!

“Ang manyak mo!! Hetyu!!!”

“Di ko naman sadya. . .Ahh. . .Pasensya na”

Sinarado ko na yung pinto at kumuha ng first aid kit, pati narin basin na may lukewarm water at bimpo panglinis sa gangster na to.

My Fake Dreamboy (Editing)Where stories live. Discover now