Chapter 47 : Approved!

1.1K 19 2
                                    

Chapter 47

Avril’s POV

Dinala kami ni Apolo sa Mall. Pinamili nya ng mga gamit si Dylan tapos ayun konting pasyal at foodtrip. Enjoy na enjoy ako kasi lahat ng mga paghihirap namin eh eto’t nasusuklian na. Masaya talaga akong makita na halos lahat ay nagiging ayos na.

“Avril”

“Oh?”

Nandito kami sa DQ(Dairy Queen) at kumakain kami ni Apolo ng Icecream habang nasa stroller si Dylan.

“Sasama ako papunta sa inyo”

Muntikan ko pang mabuga yung ice cream na kinakain ko. Alam kong dapat maging masaya ako pero nakakabigla naman. Galit pa naman sila kay Apolo. Gusto ko muna sanang maihanda sila para hindi naman nakakagulat diba?

“Eh. . .Kasi. . .Baka. . .Alam mo na. . .Galit sila. . .Tapos. . .”

“Okay lang sakin. Gusto ko ng maging formal tayo sa kanila. Just let me, okay? I’ll be alright” then he smiles at me. Hay! Paano ba naman akong hindi makakatanggi dito oh. Ngingiti ngiti pa. Ako naman tong inlove na inlove sa kanya at napapapayag ako.

“Sige na nga, pero pakiss muna”

“Hahaha. Kiss lang pala eh. Tara”

“Para kung sakaling di kana makalabas ng buhay sa bahay namin eh nakapag paalam na ako”

“Hahaha. Loko ka talaga” tapos ayun kumain kami tapos pasyal at bili ng kung ano ano pa. Mga 5pm na namin napag desisyunan na umuwi. Tyak nandun sila Mama at Kuya ngayon. Kinakabahan ako na ewan. Tss.

Nakahinto na yung sasakyan ni Apolo sa tapat ng bahay namin.

“Sigurado ka na ba talaga Apolo? Pwede ko muna silang kausapin”

“Oo” tapos ayun bumaba na sya at pumunta sa side ko para buksan yung pintuan para makababa ako. Binaba namin yung mga pinamili namin. Nag doorbell na ako tapos maya maya ayun bumukas yung pintuan namin at lumabas si Mama.

Nakatingin lang sya samin. Napapalunok na lang ako sa kaba kasi hindi nagsasalita si Mama. Binuksan nya lang yung pintuan. Tapos ayun buhat buhat ni Apolo lahat ng mgapinamili namin. Nauna akong pumasok. Tapos nakita ako ni Kuya Vlad.

“Bunso! San ka galing. . .” yung tone ng boses nya nag-iba nung nakita nya si Apolo. Nilapag ni Apolo yung mga gamit. Nag-iiba na yung expression ni Kuya. Tumingin sya kay Apolo tapos balik ang tingin sakin na nakakunot ang noo.

“Anong ginagawa ng lalaking yan dito?” tanong sakin ni Kuya. Nakayuko lang ako. Hindi ko alam kung paano o ano ang gagawin.

“Vlad, itigil mo na yan” pumasok na si Mama at ayun nag walk out si Kuya kong masungit paano walang lovelife.

“Apolo, dito kana kumain”

Sumunod naman kami sa dining area ng maliit naming bahay. Pero bago yun ay inihiga ko muna ang natutulog kong anghel. Mukhang napagod. Tapos ayun dumiretso ako sa hapag kainan. Nakaupo na si Mama at Apolo. Umupo nadin ako sa tabi ni Apolo.

Maya maya ay bumaba nadin si Kuya na sobrang sungit ngayon. Habang kumakain kami walang umiimik. Walang masyadong ingay kundi ang mga kutsara at tinidor lang.

“Uhm. . .” napatingin ako kay Apolo dahil mukhang di na sya makatiis sa katahimikan. Tumingin din naman sa kanya si Mama at Kuya

“Kaya nga po pala ako pumunta dito ay may gusto po sana akong sabihin.” tapos ayun medyo bumebwelo siguro ng sasabihin.

“Gusto ko po sanang mag-sorry sa lahat ng mga nagawa ko pong kasalanan, hindi lang po kay Avril pero para narin po sana sa inyo” he’s so sincere on his apology.

My Fake Dreamboy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon