CHAPTER 10

1.5K 23 2
                                    

Biglang nag-ring yung phone ko.

Alain Calling...

Huh? Bakit kaya dis-oras ng madaling araw kung tumawag to? May problema kaya?

"H-hello?"

(Kanina pa ako tumatawag pero busy, sino ba kausap mo?)

"Ahh, si Madison"

(S-si Madison?)

"Oo."

(Ano naman ang pinag-usapan nyo?)

"Nangamusta lang sya. Tapos... Kinwento nya yung tungkol sa inyo... P-pero wag kang mag-alala, hin----"

(So ano? Pinapaniwala ka nya sa mga kasinungalingan nya? Para magmukhang hindi sila masama?)

"Hindi naman sa ganun, pero Alain, na-try mo na ba syang kausapin? Tungkol sa nang----"

(Kakausapin? Bakit ko pa sya kakausapin? Hindi pa ba sapat na niloko nila ako? Kung sabagay, hindi mo alam kung gaano kasakit lokohin ng dalawang taong importante sayo. Kaya wag na wag mong ipamumukha sa akin na ako ang mali! Kasi wala kang alam!)

At that point, naging malinaw na sa akin ang lahat.

"Ano bang nangyayari sayo Alain? I'm just explaining. Bakit ba galit na galit ka?"

"Kasi napakadali mong mag jump sa mga conclusions eh wala ka namang alam!"

"Fine! Hindi ko nga alam kung ano ang naramdaman mo dati, pero alam mo ang masakit? Na sinasabi mong gusto mo ako pero dahil kay Madison nagkakaganyan ka! Wag mo naman ipamukha sakin na ginagawa mo lang akong rebound!"

Tuluyan na akong umiyak. I just can't...

"Siguro nga, mali na nag assume ako na magugustuhan mo rin ako. Tama na Alain. Itigil na natin 'to."

I dropped the call.

Pinatay ko ang cellphone ko.

Naiintindihan ko na si Madison kung bakit mas pinili nyang itago kay Alain lahat. Ang bilis nyang magalit at mag assume na lahat ay against sa kanya.

Though a part of me, parang gusto ko syang tawagan ulit para mag sorry.

Kaso ano na lang iisipin nya? Sobrang hahabol habol ako sa kanya? Na kahit anong gawin nya, okay lang sakin?

Oo, gusto ko sya, pero hindi pa rin tama ang ginawa nya.

Peroooooooooo...

Anna! Gumising ka nga! Kung hanggang dun nalang talaga, tanggapin mo na lang. Kesa naman ganito na nagiging parang rebound ka!

Haaaaay! Pero masyado yata akong nagpadala sa emosyon ko kanina sa mga nasabi ko.

Ang daming pero. Ang daming sanaaaaaa. T____T

Natatakot ako.

I don't know what to feel.

Di ko namalayan na nakatulog na ako.

"Sorry..."

"Hindi ko sinasadya..."

"Sana mapatawad mo ako..."

Puro iyak at hikbi ng isang babae ang naririnig ko...

Naawa ako sa kanya...

Ano kayang nangyari?

Dahan dahan kong nilapitan yung babae...

Iyak lang sya ng iyak. Nakamukmok yung mukha nya sa kanyang palad kaya hindi ko makita kung sino ito...

My Fake Dreamboy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon