RH: 7

4.4K 150 8
                                    

N/N:


Kailangan talagang magmadali dahil magpapasukan na! Hohoho. Baka lagyan ko 'to ng epilogue, baka lang naman para sumakto nang 10 chapters all in all. Wish ko lang dito na umabot din siya ng 10K reads katulad nang My Mr. Wrong hahaha. MAIKLI lang 'to kasi naman ito lang talagang scene na 'to ang nakalagay sa outline ko.


Dedicated kay MrDreamCatcher_, start na the new year right talaga ang banat eh no? hahahaha.


RH: 7


"I loved you from the very first day."


TRAVIS POV:


Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak, kumuha muna ako nang tubig at inilapag ito sa tabi ng laptop ko. Bakit kasi ganun? Uminom ako ng tubig at binuksan ko ulit ang laptop ko, kailangan ko 'tong gawin dahil ito rin naman ang ginusto ko.


Kung alam lang ng mga readers ang pinagdadaanan ko sa tuwing sumusulat ako ng mga ganitong kwento, except lang sa unang kwento kong ginawa noong bakasyon na tungkol sa lalaking ikinasal ulit sa lalaki, weird.


Sa pagsusulat ko lang nalalabas ang lahat ng emosyon na itinatago ko, yung ginawa ko nga nang sembreak na sinasabi nilang light lang ang kwento eh sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko habang sinusulat ko 'yun. Masaya naman ako pagkatapos dahil nawala ang 'bitterness' ko sa taong inalayan ko 'nun. That is the magic of writing.


Binuksan ko ulit ang file ng Remembering Him. Siguro kapag natapos ko ito ay hindi na ako babalikan nang mga alaala ni Toshiro. Siguro nga ito ang kailangan ko talaga at siya ang gawin kong inspirasyon dito.


Ngumiti ako at pinunasan ang luha sa aking mga mata.


**


(PAST)


"Ikaw ah?" Nagulat na lang ako sa biglaang pagyakap ni Toshiro sa'kin. Nandito kami sa terrace ng bahay nila, limang buwan na ang relasyon namin at masasabi kong wala akong pinagsisihan. As in, no regrets.


Sobrang sweet ni Toshiro pero sobrang seloso, sobrang possessive, sobrang dominant, laging nasa kanya ang last word palagi. Minsan lang kami kung magkaroon ng LQ pero sobrang tagal namin bago magkabati, masyado siyang ma-pride, at last ay minsan isip bata talaga ito.


"Bakit nanaman?" Tanong ko habang nakayakap siya sa'kin, ibinaba niya ang pandilig nang halaman na nagsisimula nang magkaroon ng bulaklak.


"Hindi mo sinabing pupunta ka, kung hindi pa sinabi ni Kuya hindi ko pa malalaman na nandito ka pala." Sabi sabay halik sa aking leeg.


"Gago ka Toshiro nakikiliti ako." Hinampas ko ang hita nito, nakasuot lang siya ng basketball shorts.

Remembering Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now