Prologue

18K 291 17
                                    

N/N:


Merry Christmas to all of you. Ito naman ang official na gagawin ko for Christmas Break. Lahat naman tayo nararanasan ito, may mga naalala tayong tao na naging significant sa buhay natin at nagbigay ng napalaking influence sa kung paano tayo ngayon.


Ang kwentong ito ay hango lamang sa aking imahinasyon. Ang mga pangalan dito ay slight na sinadya ng author, ang mga lugar naman ay depende pa rin sa'kin. Again, lahat tayo ay mayroong naalalang tao, but this story is about him.


Prologue:


Lahat tayo mayroong kwento.  Pero alam naman natin na kwentong tungkol sa pag-ibig ang laging gustong nating mabasa o kahit marinig kung kanino, sabi nga nila na love is very natural - isang maikling statement pero napakarami na pwedeng maging kahulugan.  


Kapag nagmamahal rin tayo, natututo tayo sa  mga bagay na alam nating makakasakit sa atin pwedeng selos, inggit, o kahit paghahanap ng individuality sa isang relasyon - love is complicated.  Minsan akala mo naka-move on ka na pero ang totoo kapag kaharap mo ang taong nanakit sa'yo hindi mo pa rin maiiwasan na isipin na paano kung nag-work ang relasyon namin?  O kaya minsan kinakabahan ka, pinagpapawisan sa kaba, at mabilis ang tibok ng puso mo dahil alam mong mahal mo pa siya. 


Bilang isang writer, naranasan ko na rin ang umibig at isulat ang mga nararanasan ko.  Naging hobby ko na yata ang pagsusulat dahil dito ko naiintindihan ang nararamdaman ko at kung ano ang pinagdadaanan ko.


Ang ike-kwento ko rito ay ang relasyon ko sa isang lalaki na hindi ko maipaliwanag kung ano ang mayroon sa akin.  Pero kailangan kong gawin 'to para malaman kung nasa puso ko pa ba siya o dala lang 'to ng pag-ibig na hindi ko nabuhos sa kanya. 


Siya ang lalaking alam na sa unang tingin pa lang na loyal.  He got me first with his looks pero nung nakilala ko siya ng todo ay doon ko naramdaman na sobrang swerte ng taong mamahalin niya.. and ako 'yon! 


Yes, tama kayo nang nabasa... ako ang minahal niya.  Pero wala ngang forever ika nga nila, suddenly things have changed.  Alam ko na natatandaan niya pa 'yung mga bulaklak na itinanim namin, yung mga gabi na hindi kami makatulog dahil magkausap kami, yung mga panahon na nauutal ako kapag kaharap ko siya.  Tanda mo rin ba yung mga ganito mong kwento?


I admit that my relationship with him was a game changer.  Natuto ako ng malala at hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit na iniwan niya sa puso ko.  Handa ka na ba?  Ito ang kwentong hindi mawala sa isip at puso ko.


//COMMENTS//

*edited

Remembering Him (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt