Chapter 19: Simon

18.4K 545 7
                                    

Nagsimula kaming mag-date ni Simon. Noong una ay masaya pero hindi nagtagal ay nagsimula akong makonsensya. Nagi-guilty ako dahil wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya. Hanggang ngayon, si Pio pa rin ang gusto ko. Akala ko kasi magugustuhan ko sya but all I can offer him is friendship. On our way to my new apartment, I decided to tell him the truth.

"Simon?" Tinawag ko siya habang naglalakad kami.

"Hmm?"

Hinarap ko siya.

"I... I'm sorry Simon."

"For what?"

"Ano kasi.. Ayokong umasa ka. Pero.. hanggang pagiging kaibigan lang ang mabibigay ko sayo."

"Ha? Pero Alex, I love you." He answered but he looks hurt.

"I know and I'm sorry.."

"At least give me a chance." Pakiusap niya.

"I'm sorry, I already tried. Hindi kita kayang mahalin dahil may mahal akong iba." Napapikit na lang ako at naghintay sa isasagot niya pero iba ang naging reaksyon niya. Hinila nya ako papunta sa madilim na parte ng iskinita at isinandal sa pader. He held both of my wrists so tight, it hurts.

"May mahal kang iba? Gano'n? Gano'n na lang ba 'yon, ha?" Bigla na lang nag-iba ang ugali niya.

"I'm sorry Simon. Bitawan mo ako please." Sagot ko.

"Sorry? Anong sorry!? Ginago mo 'ko Alex. Akala mo ganon lang 'yon kadali? Magso-sorry ka tapos wala na?" Galit na galit niyang sabi. Nakakatakot ang mukha niya. Para syang baliw. Hindi ko akalaing ganito pala sya.

"A-akala ko kasi..." Nagsimula akong mangatwiran.

"Akala mo ano? Ha? Ano bang gusto mo ha? Ito? Ito?!" Hinalikan nya ako sa labi ng napakadiin at hinawakan sa baywang nang napalakas.

"Aray! Simon, please!" Sigaw ko sa kanya.

"Matagal ko nang gustong gawin 'to sayo. Alam mo ba 'yon?" Hinalikan niya ulit ako at ngayon mas malakas pa.

"Tul-" Bago pa ako makasigaw ng 'tulong' ay may humila kay Simon at sinuntok ito sa mukha. Agad na nawalan ng malay si Simon. Tiningnan ko kung sino ang taong tumulong sa 'kin. Naka-hood ito at madilim kaya hindi ko agad namukhaan. Nang tumapat ang ilaw sa mukha niya do'n ko sya nakilala.

"Pio?" Siya nga ba? Pero imposible.

"Oo, Alex." Inalis niya ang hood at siya nga, si Pio.

"Oh my god! Ikaw nga!" Sabi ko at napatakip ako ng mukha. "Sa ganitong sitwasyon na naman ba tayo magkikita?" Napaiyak ako dahil sa nangyari at pati na rin sa hiya na ganito na naman ang nangyari sa 'kin.

"Shhh.. Ang mahalaga ligtas ka." Niyakap niya ako nang mahigpit.

Bumitaw ako sa yakap niya nang maalala ko si Simon.

"Si Simon. Tulungan mo ako. Dalhin natin sya sa apartment ko."

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Where stories live. Discover now