Chapter 3: Ang Misteryosong Lalake

29.2K 816 27
                                    

Pansamantalang tumigil ang pagbuhos ng mga luha ko dahil sa lalakeng kaharap ko. Pumalit naman ang pagtulo ng laway ko. Takte! Mas gwapo siya sa malapitan. Halos nakadungaw siya sa akin dahil sa tangkad niya, habang marahang pinupunas ang mga luha ko. Ang tangos ng ilong niya, maamo at makinis ang mukha, maganda ang buhok pero....

"Omaygad! Ang tenga mo!" Puna ko sa kakaiba niyang tenga. Mahaba ito at patulis. Sinubukan ko itong hawakan pero umayos siya ng tayo and again he towered over me. His expression changed from pure concern to an irritated look. He turned his back on me.

Ano bang ginawa ko? Naglakad siya palayo pero binuntutan ko siya. Baka na-offend ko. Mukha namang mabait 'yong tao pinunasan nga 'yong luha ko 'di ba? Kaso ang weird talaga ng tenga niya. Teka, baka costume niya lang kasi nakasuot din ng weird na damit. Halloween ba ngayon?

"Uhh, sir, nasa'n po ako?" Hindi siya kumibo at muling humakbang palayo. Nakakainis naman 'tong kausap.

Hinawakan ko siya sa braso dahil naiirita na ako pero tiningnan niya lang ang kamay ko na parang may germs ito. Binitawan ko siya at saka inulit ang tanong ko. "Asan nga po ako?" Hindi pa rin siya sumagot.

Ah ganon? Ayaw mong magsalita. I headed for the door. Teka, na 'san na 'yong pinto? Wtf? Kailangan ko na talagang makaalis dito- may sa demonyo yata ang lugar na 'to. Nilingon ko ang misteryosong lalake pero nakatingin lang siya sa akin. Kampon ba 'to ni Satanas? Wala na akong pakialam at sinugod ko na siya.

"Hoy, nasaan sabi ako?!" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at inalog-alog pa. Akalain mong hindi ko man lang siya natinag. Ayaw niya talagang sumagot. Grrrr! Napaupo na lang ako sa malaking higaan at nagkunwaring umiiyak.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Where stories live. Discover now