Chapter 38: Forever?

12.7K 389 18
                                    

Later that afternoon, lumabas kami ni Pio para manuod ng sine sa mall. Bagot na bagot na kasi kami sa apartment. Tsaka, hindi naman siguro papasok sa mall ang mga engkantong naghahanap kay Pio. Kung oo naman, madali naman namin silang makikilala dahil sa mga suot nila. Well, that is kung hindi sila naka-disguise as tao. Anyway, we took the risk. Pinagsuot ko na lang siya ng sunglasses. Which made him look even hotter, by the way.

Bumili ako ng dalawang tickets habang si Pio naman ay hawak-hawak ang popcorn at drinks at naghihintay sa akin. Tiningnan ko siya mula sa linya na pinipilahan ko at nginitian niya ako. Oh, my handsome Prince. Nakatayo lang siya habang nagmamasid sa mga taong dumadaan. May ilang babae pa ngang napapalingon at palihim na nagbubulungan 'pag nakikita siya. Well, gano'n talaga ang Pio effect. Ang swerte ko talaga at may hot akong boyfriend na tulad ni Pio. Kalurks!

Horror movie ang pinili kong panuorin namin dahil walang ibang magandang palabas ngayon. Tsaka wala lang, gusto ko lang testing-in 'yong tapang ko. Excited ako dahil napanuod ko 'yong trailer nito sa internet at parang nakakatakot talaga. And you know what they say about horror movies? Well, they are scary! Haha. Hindi, gusto ko lang talaga tsumansing kay Pio kapag sobrang nakakatakot na 'yong eksena. Paraparaan lang teh.

"Humawak ka sa akin Alex. Baka matapilok ka." Sabi ni Pio noong paakyat na kami sa hagdan. Aww, my Prince is such a gentleman. Kumapit naman ako sa kanya dahil madilim na nga at kakasimula pa lang ng sine. Nagsisimula na rin mag-MOMOL ang mag-jowang sabik na nadaanan namin. Duh? Get a room!

Naupo kami sa pinakadulo ng kaliwang bahagi ng balcony dahil 'yon na lang ang bakante. Naalala ko 'nong unang nuod namin ng sine sa sinehan, tinanong ni Pio kung bakit daw madilim. Gusto ko sanang isagot na: "para bwelong makapaglampungan ang mga mag-syota" pero ayokong magkaroon siya ng ganoong ideya. Kaso, bakit simula pa lang ng sine ay bed scene na agad? Ano ba 'yan! Hindi na naman ako na-inform.

"Alex, hindi ko makita!" Protesta niya nang tinakpan ko ang mga mata niya ng kamay ko. Ayoko siyang matuto ng kamunduhan.

"Shhss! 'Wag kang manuod!" Pabulong na sabi ko sa kanya. Ayokong mapanuod niya kasi, you know. Alam mo 'yong feeling na nanunuod ka ng gano'n kasama ang boyfriend mo. Ang awkward kya! Akala ko pa naman purong horror 'to.

"Bakit?"

"Basta! Sandali lang.." Sagot ko pero pagkatapos ng bed scene ay tinanggal ko na rin ang kamay ko.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

"Wala. May dumaan kasing multo." Sabay ngisi ako at alam kong nalilito siya sa akin.

Nagpatuloy kami sa panunood at doon ko lang nalaman na matatakutin pala talaga si Pio. Nang lumabas na kasi 'yong multo eh s'ya 'yong panay kalabit sa akin 'pag nagugulat siya at saka pawis na pawis na ang kamay niya. Napansin ko kasi no'ng ginawa niyang panangga 'yong kamay ko. Hahaha. Ang cute! Imbes na matakot din ako ay natatawa na lang ako sa kanya. Akala ko pa naman ako 'yon matatakutin sa aming dalawa. Ngayon alam ko na ang ipangtatakot ko sa kanya.

Pagkatapos namin manuod ng sine ay kumain kami at saka nagpa-body massage. Gusto ko lang mag-relax ngayon at makalimot. Sana nga pati 'yong mga naghahanap din kay Pio ay makalimot na rin para matapos na ang problema namin. Anyway, ang swerte no'ng babaeng nagmasahe kay Pio at nakahawak siya sa maganda niyang katawan!

Today, I woke up really early. Ngayon kasi 'yong Team Building namin sa Puerto Galera at maaga kaming aalis. Mag-o-overnight din kami doon and unfortunately, hindi ko pwedeng isama si Pio kaya maiiwan siyang mag-isa sa apartment. I'm worried about him but he promised he'd be careful. Alam kong tulog pa si Pio kaya ako muna ang naghanda ng agahan namin at ng tanghalian niya mamaya para hindi na siya magluto.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon