Chapter 43: Happiest

10K 333 31
                                    

OMG! OMG! OMG! OMG!

This is my chant as he slids the beautiful silver and diamond ring on my left ring-finger. It's so pretty, I'm gonna die! I can't explain what I'm feeling right now.

Parang sasabog ang dibdib ko sa saya, sa kaba at sa kilig. Naiiyak tuloy ako! Ito yata 'yong totoong tears of joy na sinasabi nila. Kasi naman...

I am now engaged!

This is all for real and this ring is the proof. I stare once more at the ring that is shining on my finger. Ang ganda! Ang ganda! Ang ganda!  Paulit-ulit na sinasabi ng isip ko. Alam kong isa  lang itong bagay pero napalaki ng sinisimbolo nito.

He cupped my chin and he gave me a pout when he saw my face. "Tahan na, bakit ka ba umiiyak? Hindi ka ba masaya?" Nag-aalalang tanong niya sa akin habang pinupunasan niya ang mga luha sa mukha ko.

"Masaya. Masayang masaya nga eh." Sagot ko at hinila ko siya palapit sa akin para yakapin. Niyakap ko siya ng mahigpit pero mas lalo lang akong naiyak. Sa sobrang saya ko parang-- ewan, basta, hindi ko kasi maipaliwanag. Ngayon lang naman kasi may nagpasaya sa akin ng ganito. Hindi ko ini-expect ito at mas lalong hindi ko inakala na aabot kami sa ganito. All this time kasi inisip ko na mawawala lang siya sa akin. Naging nega ako para hindi ako umasa. Pero heto siya, nandito pa rin sa tabi ko at pinapaiyak ako sa saya.

"Tahan na." Sabi niya sa akin habang marahang hinahaplos ang likod ko. Parang ayaw ko nang umalis sa pagkakayakap sa kanya. Siniyasat ko ang singsing at napakaganda nito sa kamay ko. This is the most beautiful accessory I've ever had in my life.

"Saan mo nga pala nakuha ang singsing na 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba natatandaan iyong isa sa mga singsing ko?" Kinuha niya ang kamay ko at hinaplos ito. "Pinakita ko ito kay tiya Venezia noong pumunta siya rito. Sabi ko sa kanya na gusto kitang bigyan ng singsing. Tuwang-tuwa siya. Sabi niya ay siya na ang bahala. " Paliwanag niya habang pareho kaming nakatingin sa singsing. "Sukat na sukat ito sa iyo dahil kinuha ko 'yong singsing mo sa kwarto." Napangisi siya.

"Hmm.. Kaya pala nawawala 'yong isa kong singsing sa lalagyan. Pero okay lang fake lang naman 'yon." Tripipty lang sa Divisoria. Haha. Tiningnan ko si Axel na kasalukuyan ay nginangatngat niya ang box ng singsing. "Teka, alam ni Lady V?" Tanong ko.

Tumango lang siya at ngumiti.

"Kayo talaga. Pinagsesekretohan niyo akong dalawa." Marahan ko siyang kinurot sa pisngi at nagkatitigan kami. Hay. His face looks like a dream. I suddenly want to kiss him so I leaned over to him and kissed him. After all, fiancé ko na siya. I can do whatever I want. Hmm... Hahaha! Hindi rin.

He kissed me back fervently and I felt warm all over my body. Oh, the Pio effect. Suddenly, my head is spinning and I feel so light headed. This man or whatever he is, has the ability to make me feel a thousand feelings with one kiss and right now I can't help myself. To my surprise, I bit his lower lip but he didn't stop. I felt his hand lower his caress on my back and my hand unconsciously found his chest. His heart is pounding; My heart is racing as well.

I can't... I can't handle this feeling.

For a moment parang gusto ko na...

Gusto ko na...

Gusto ko nang isuko ang Bataan!

Isusuko ko na ang Luzon, Visayas at Mindanao! Pati ang Spratly Islands!

Pero...

Pero...

Pero...

Ang kulit kasi ni Axel!

Nginangatngat niya na ngayon ang wire ng TV! Waah! Baka makuryente siya!

Agad akong bumitaw sa pagkakapulupot kay Pio at pinuntahan ko si Axel. "Axel, No! Bad dog!" Saway ko sa aso. Dinampot ko ang makulit na aso at pinanggigilan ito. Ang cu-lit! Cute na makulit.

"Kabago-bago mo lang dito gusto mo na agad magpakamatay?" Pinagalitan ko ang aso na para bang maiintindihan niya ako. I looked at Pio and he gave me a boyish grin while slightly shaking his head. I grinned at him too and giggled. Nakisali naman si Axel at tumahol-tahol na parang alam niya ang pinaggagagawa namin ni Pio.

It was a reminder for both of us.

Tumabi ako kay Pio at hinalikan ko siya sa pisngi. "Sabi ni Axel hindi pa raw pwede. Okay?"

We both nod in agreement. His grin widened and for some reason we both burst into laughter.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Where stories live. Discover now