Whelve • 8

407 21 45
                                    

~ Rafaela ~







"ew lumayo ka nga sakin!" inis kong sinabi sabay tulak sakanya, tumawa to ng malakas at habang pinapanood ko siya sa isip ko sinasakal ko na tong kumag na to.







"any girl would kill to be in your place right now Faela" sabi niya habang tumatawa parin.







"presko masyado amputa tabi nga" sabi ko sabay tulak sakanya palayo sa pinto at agad ko tong sinara at ni-lock, sinandal ko yung ulo ko sa bintana at pinikit ko ang aking mga mata.







"so i was thinking" he started, i groaned and look at him. Kung dati ako yung madaldal tapos ngayon siya naman, namiss ko tuloy yung supladong Ricci.







"bukas mo na ituloy yan inaantok na ako" sabi ko sabay pikit ulit and i drifted to sleep, ayokong makipag usap sakanya ngayon dahil irita parin ako sa sinabi niya kanina at kahit nag sorry na siya ayoko parin bahala siya dyan.







Pag ka gising ko agad kumunot ang noo ko dahil asa kwarto ko na ako, tinidnan ko ang sout ko at yun parin yung sout ko kagabi, i sighed and pulled myself off the bed. Naligo ako and i did my skin care, nag white hoodie lang ako at gray dolphin shorts and i walk my way out of my room.







"hoy sabi ni Ricci wasted ka daw kagabi" sabi ni Sixto at agad naman ako napairap dahil talagang nag sumbong pa yung kumag na yon.







"pake mo" sagot ko.





"delikado po malasing sa mga club ma'am pano po pag may ngyare sayong masama ha? pasalamat ka sinundo ka ng boyfriend mo" sabi ni Sandro sabay gulo ng buhok ko.







"make sure na this wont happen again" seryosong sinabi ni Sergio, tumango lang ako at nag simula na akong kumain. "malapit na graduation niyo at malapit mo na din malaman yung result ng UPCET mo"







"kaya nga eh" sagot ko at may mga sinabi pa si Sergio at nakaramdam ulit ako ng kaba dahil dun, gustong gusto ko mag aral sa UP to the point na gagawin ko talaga lahat para lang makapasok sa sa University na yun at kung makapasok man ako mag aaral talaga ako ng mabuti.







Days past at tapos na din ang exams namin so that means practice na namin for graduation, for the past few days ang palagi ko ng kasama is si Micheal at sila Draco at Yukie, sumasama namin samin si Denise pero nahahatak siya samin nila Jules kaya most of the time kaming apat lang and as for Ricci, ghinost nanaman ako nung kumag na yon.







Last na nakita ko siya is nung birthday ni Yukie and after nun para siyang bula na bigla nalang nawala, nakikita ko sa stories niya na busy siya kaya hindi ko nalang din siya kinulet saka siya din naman yung hindi nag reply sa text ko kaya bakit pa ako mag te-text ulit diba? ekis sa seener.







"sure kana sa UP bes?" tanong ni Denise, asa auditorium kami ngayon.







"oo eh, ikaw ba?" tanong ko, umiling to at kumunot ang noo ko. "bakit?"







"gusto nila Mommy na sa Ateneo ako mag aral eh, so kahit pumasa ako sa UP sa ADMU parin bagsak ko" sabi niya sabay iwas ng tingin.







Whelve | Ricci RiveroWhere stories live. Discover now