Whelve • 5

466 22 50
                                    

~ Rafaela ~





Hinatak ko siya palabas ng club at sa parking lot kami tumigil, inalis niya yung pagkahawak ko sakanya kaya agad ko siyang nilingon at ang sama ng tingin sakin ni Ricci, huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.




"bakit mo sinapak si Austin?"




"kilala mo yung gagong yun?" seryoso niyang tanong at diretso siyang nakatingin sa mga mata ko, napalunok ako ng madiin at sabay iwas ng tingin.




"oo, schoolmate ko siya" sagot ko at napamura siya sa inis. "we're actually good friends Ricci, lasing lang talaga siya kaya ako na mag so-sorry para sakanya"




"kaibigan tawag mo dun? may nag hahalikan bang magkaibigan lang?"




"hoy hindi kami nag halikan ni Austin!" depensa ko, inirapan ako nito at hinawi niya ang buhok niya.




"hahalikan ka niya Faela and its obvious na may gusto siya sayo" sabi niya at hindi naman siya mali, may gusto naman talaga sakin si Austin. "kung mag kaibigan lang talaga kayo dapat hindi niya yun ginawa"




"alam ko" mahina kong sinabi habang nakatulala sa sahig, natahimik kaming dalawa at napatalon ako sa gulat at sakit ng hawakan ni Ricci yung braso ko agad niyang binitawan ito habang naka kunot ang noo niya, lumayo ako sakanya habang naka hawak sa braso kong kumikirot sa sakit at napaupo ako sa curb.




"patingin ako"




Hindi na ako nag salita at hinayaan ko siyang i-angat yung right sleeve ng dress ko, napapikit ako sa inis ng makita ko yung braso ko na namamasa na, after a few seconds binaba na din ni Ricci yung sleeve at naramdaman ko siyang nakatingin sakin kaya tinidnan ko din siya, his eyes held so much anger and annoyance.




"tara na"




"saan?" tanong ko, hindi siya nag salita at tinulungan niya akong tumayo at kinuha niya yung bag ko at siya yung nag buhat, nilagay niya yung kamay niya sa lower back ko and he guided me towards his car, he opened the door for me and i hop inside. Nang makapasok na din siya tahimik lang kaming dalawa at inabot niya yung bag ko, sinandal ko yung ulo ko sa binatana at pinikit ang aking mga mata at hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako.




* * *




"sino yung boyfriend mo ha?!" tanong ni Denise, Monday nanaman and that means haharapin ko nanaman sila.




After that night hindi na nag paramdam sakin si Ricci at hindi ko din naman siya kinulit, ang panget nung bruise sa braso ko at buti nalang long sleeves ang blouse ng uniform namin dahil kung hindi iisipin ng mga kaklase ko binubugbog ako ng mga kapatid ko kahit hindi naman talaga, si Austin ang may kasalanan pero ayoko naman sirain ang image niya.




Speaking of Austin, kung si Ricci walang paramdam siya naman ramdam na ramdam ko dahil tawag siya ng tawag at text ng text, hindi ko sinasagot ang mga tawag niya pero binabasa ko yung mga text niya, sorry siya ng sorry at puro ganun lang saka hindi din ako nag re-reply dahil galit parin ako sa ginawa niya.




"wala akong boyfriend baliw" sagot ko habang nakatingin sa sapatos ko, asa grounds kase kami ngayon nag pra-practice kami ng cotillion at naka 10 minutes break lang kami ngayon.




"edi sino yung umupak kay Abel? multo? grabeng multo naman yun mars apaka lakas"




"kaibigan ko lang yun Dee" i lied, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon dine-deny ko parin si Ricci.




Whelve | Ricci RiveroWhere stories live. Discover now