Whelve • 4

482 28 57
                                    

~ Rafaela ~

"Rafa umayos ka naman! Nakakapagod kaya mag turo ng sayaw dito!" sermon ni ate niyo Scarlet, dancerist kase siya kaya nung namili si Ms.Peters ng mag tuturo ng sayaw siya yung pinili.





"umaayos naman ako ah?" rebat ko at inirapan ako nito sabay sigaw ng 'from the top'. Lahat kami napahinga ng malalim dahil kanina pa niya pinapaulit samin yung ikot na sayaw, hilong hilo na ako at konti nalang tuluyan ng iikot ang mundo ko sakanya, joke.





"Rafa umayos ka ng tayo ano ba wala ka sa linya!" sigaw nanaman ni Scarlet at napairap na ako sa inis, pansin ko kanina niya pa ako sinisita eh nilagay na nga niya ako sa pinaka likod kahit hindi naman ako ganon katangkad tapos ako parin yung pinapansin niya eh kung tutuusin nga itong si Wendy mas panget pa sumayaw sakin pero hindi niya sinita kahit isang beses, ano to favoritsim?!





Kaya mainit dugo sakin ni Scarlet dahil dinalhan nanaman ako ni Austin ng Mcdo and this time hindi ko na binigay sakanya, hindi ko naman kasalanan na gutom ako no? Saka hindi din naman ako obligadong ibigay sakanya lahat ng binibigay sakin ni Austin, kung ako kase sakanya mag demand na siya mismo kay Austin Abel hindi yung ako yung pinag iinitan niya che!





"masasabunutan ko na tong si Geronimo ng wala sa oras" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin kay Scarlet ng masama, dinedma ako nito at pinaulit niya ulit yung sayaw and this time si Denise naman yung nag kamali at si Denise nakatayo sa harap ko pero alam niyo kung anong ngyare? hindi niya sinita. putangina.





"hayaan mo nalang si Scar alam mo naman nag seselos lang yun dahil hindi siya yung gusto ni Austin" sabi sakin ni Denise at napairap nalang ako ng madiin, parang kasalanan ko pa kase na ako yung gusto jusko.





Tuloy tuloy yung practice ng cotillion at kahit hindi ka aattend ng Prom kailangan mo parin mag practice. Sa wakas natapos na din, agad akong umupo sa sahig at wala na akong pakielam kung makita ng mga lalakeng studyante dito yung cyclings ko, nakasimangot akong nakaupo habang yakap ang mga binti ko, nakatulala lang ako sa kawalan ng biglang may jacket na tumakip sa exposed kong legs.





"kitang kita kaluluwa Rafa" sabi ni Austin, tinidnan ko lang siya at gustong gusto ko siyang tampalin dahil siya ang may kasalanan kung bakit pagod ako ngayon pero syempre joke lang mabait ako, kung hindi niya binigay sakin yung Mcdo kanina edi sana good mood si Scarlet.





"okay ka lang? Bakit ganyan muka mo?" tanong ni Connor, kaklase niya at ka-teammate niya sa soccer.





"muka bang okay ako Connor Daniel? tara nga dito pasapak lang kahit isa lang" sabi ko ata agad silang tumawa ni Austin.





"sunget mo naman" sagot nito.





"ay oo nga pala bago ko makalimutan" sabi ni Austin, binuksan niya yung duffle bag niya at may kinuha siya sa loob at bumungad sakin ang tatlong white roses at naka wrap ito sa baby blue na papel, inabot niya sakin to at agad kong tinanggap. Baby blue is my favorite color and white roses is my favorite flower.





"thank you Austin" masaya kong sinabi at inamoy ko ito, pagtingin ko kay Austin ang ganda ng ngiti niya habang nakatingin sakin.





"always welcome Rafa im glad you like it" sabi niya then showing me his million dollar smile, ang gwapo talaga nito ni Austin kung hindi lang tropa tingin ko sakaya matagal ko na siya pinatos, no wonder kung bakit deadz na deadz sakanya si Scarlet. Tumayo na ako sa kinakaupuan ko at binalik ko yung jacket ni Austin at umiling ito.





Whelve | Ricci RiveroWhere stories live. Discover now