Whelve • 2

584 22 30
                                    

~ Rafaela ~







Nakatulala ako ngayon at hindi ko marinig yung lecture ni Miss Peters, hanggang ngayon hindi parin kase ako makapaniwala na may boyfriend na ulit ako kahit fake lang ito, after kase namin mag break ni Marco i promised myself na hindi muna ako papasok sa relasyon hanggang hindi ako nakakagraduate ng highschool.







Tapos itong Ricci Rivero na to nung sinearch ko siya sa social media halos mahimatay ako sa mga nakita at nalaman ko, siya pala yung kinakabaliwan ng mga kaklase ko lalo na si Scarlet at isa pala siyang sikat na basketball player ng UP na galing sa DLSU, for sure kilala to ni Sixto. Sobrang dami niyang followers and all, in short sikat talaga siya at parang Marco Guerrero lang ampeg niya.







Napairap ako sa inis ng maalala ko ulit siya, hindi man lang niya hiningi number ko tapos nung finollow ko siya sa Instagram hindi man lang niya ako finollow back, syempre inunfollow ko siya agad no! Alam ko naman na hindi ako famous katulad niya pero dapat finollow back niya ako dahil im his fake jowa kaya grr.







"announcement! Prom na natin next month at Masquerade Theme daw ito and i suggest na you should start to look for your partners na dahil ang walang partner hindi daw makakasayaw sa cotillion" sabi nung president namin, hindi ko na namalayan na tapos na pala mag lecture si Miss Peters at wala na siya dito sa room.







"prom amp, pass!" bulong ko sa sarili ko sabay yuko sa desk ko.







"shems na-eexcite na ako, mala-50 shades ang getup ko nito" narinig kong sabi ni Scarlet.







"si Kent partner ko matic" sabi ni Jules, inangat ko yung ulo ko at tinidnan sila. Obvious naman na excited sila, except for me. Si Marco yung partner ko last year at nung dinala ko siya dito sa school namin pinagkaguluhan lang siya at ginawa akong photographer ng mga hayop kong kaklase tapos ang kapal pa ng tinga nung iba, talagang sakin pa nag pareto diba? well hindi naman kase nila alam na jowa ko si Marco at pwede kase outsider dito sa school namin pag prom.







"i wont be attending" sabi ni Denise.







"huh? bakit?!" tanong ni Scarlet.







"pupunta kaming Japan next month for Mommy's birthday" sabi niya at tumango lang yung dalawa. "besides ayokong mag gown kaya out talaga ako dyan, ikaw Rafa? aattend ka?"







"hell no, damayan kita sis" agad kong sinabi at tumawa itong bestfriend ko.







"bakit?" tanong naman ni Jules.







"hindi ko feel saka hindi din pupunta si Dee kaya wag nalang"







"baka naman wala ka lang ka-partner kaya ayaw mo umattend" sabi ni Scarlet at napairap naman ako sa sinabi niya dahil kahit naman may partner in mind ako hindi parin ako aattend dahil ayoko din gumastos sa gown.







"meron pero ayoko parin umattend" i said in a bore tone and her and Jules looks surprise.







"kayo ulit ni Marco?" tanong niya at agad naman akong umiling. "edi sino?"







si Ricci.







JOKENING.







"secret walang clue" sabi ko at napairap naman to, i just smiled at her sabay sandal sa upuan ko at humikab. Hindi ko alam kung bakit curious sila, kayo guys alam niyo ba? chos.







Whelve | Ricci RiveroDove le storie prendono vita. Scoprilo ora