May kung ano sa sistema ko ang hinahanap ang lalaking magulo ang buhok at masungit. Napaka challenging nito sakin kasi ngayon, masakit man aminin pero mukhang ako pa ata ang maghahabol.

Halos araw araw na yata akong um-order sa jollibee, inaasahan kong si Raffe ang magdedeliver pero nadidismaya lang ako pag bubuksan ko na ang pinto.

Madalas ay yung 'Roy' na unang nagdeliver ang nadadatnan ko sa pinto. Pag tinatanong ko siya kung nasan si Raffe ay tanging kibitbalikat lang ang sagot. Im losing my patience here! Pag nilayasan ako ng katinuan ko ay susugurin ko siya sa fastfood na yon!

Gabi na ng umalis si Serendipity, may duty daw kasi siya ng madaling araw. Ako naman ay naiwang nanonood ng t.v sa sala.

Mejo late na pero di pa ako nadalaw ng antok, pano ba naman kasi puro tulog lang ang ginawa ko maghapon. Ngayon ay bumabawi ang katawan ko sa pagtamasa sa gising.

Tumayo ako sa sofa at sinipat ang ref. Uh-oh! Walang pagkain. Hindi naman kasi nag gogrocery si Seren dahil lagi syang on duty. Pag uwi niya ay matutulog nalang sya kaya halos hindi na sya nakain dito. Ako naman ay panay order, sa pagbabaka sakali ngang may milagro at makita ko ulit ang lalaking yon.

Ngayon, wala na kong pakielam kung sya ang magdeliver o hindi, basta gutom ako at kailangan ko ng pagkain. Period.

Tumawag nalang ako sa customer service nila, isang beses ko lang ginawa ang pagtawag ko sa kanya dahil nung pumangalawa ay binagsakan lang niya ko ng telepono.

May kinse minutos bago dumating ang order, kabisado ko na dahil nga sa dalas kong pag order.

Inaabot ko ang blender sa ibabaw ng cabinet. Dahil may kaliitan ang lola nyo ay kailangan ko pang tumingkayad. Gusto ko ng mango shake!

"Ang hirap maging maliit" bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko yata namana ang pagiging matangkad ng mga Villamonte. Mabuti pa si Seren, pang model ang height ako hindi pa yata papasa sa saleslady ang height kong 5'2.

"Shit!" Mura ko, hindi ko kasi mahawakan ang tenga ng blender dahil nakaharang itong kahon ng microwave.

Umiba ako ng pwesto at ang isang kamay ko na ang ginamit kong pang abot. Ngunit mali yata ang ginawa ko, naabot ko nga ang tenga ng blender kasabay naman noon ay ang pagkahulog ng microve. Iiwas sana ako pero huli na. Tuluyan ng nahulog ang microwave sa binti ko.

Naiiyak na ako sa sakit. "Ahhh! Shit!" Wala pa naman si Seren na maaring umalalay sakin. Ako lang mag isa at wala akong aasahan. HUHU

May mainit nalikido ang lumandas sa pisngi ko. Masakit talaga, masakit na masakit.

Pinunasan ko ang mga luha ko, saka ako may narinig na katok mula sa labas. Nakalimutan ko na ang pagdating ng order ko.

Akma akong tatayo para pagbuksan pero hindi ko kayang maglakad ng diretso.

"Sandali lang!" Sigaw ko.

Ginawa kong alalay ang mga bagay na madadaanan ko, tulad ng mga mesa at upuan. Nilingon ko ang kawawang microwave, may mga bubog ng nakakalat roon.

Humilig ako sa pader upang kumuha ng suporta at binuksan ang pinto.

UN-FREAKING-BELIEVABLE!

Nalaglag ang panga ko pagbukas ko ng pinto. Di kaya naghahalucinate lang ako? Paano naman kasi for the first time in forever, ngayon lang na si Raffe ang nagdeliver. Sa hindi ko pa inaasahang pagkakataon, at kung kailan naman ika ika pa ang lakad ko.

Niluwagan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya, ako naman nanatiling nakahilig lang sa pader sa sakit.

Pinanood ko ang pagpasok nya at ang pagbaba nya ng order ko sa coffee table, hindi man lang yata nya pinansin ang namumula kong binti na mamaya ay magkukulay talong na sa pasa.

"234.00 lahat--" Natigilan sya ng bumaling sakin.

Nakaupong sandal na kasi ako, walling lang ang peg. Hindi ko na kasi talaga kayang tumayo, dahil para bang bali na ang mga buto ko sa binti.

Dinaluhan nya ako at akmang tutulungan tumayo ngunit hinawi ko ang kamay nya.

"Kaya ko na tum--Ahh!" Napa aray ako dahil sa pagpipilit kong tumayo, lalong sumakit ang natamaang bahagi sa binti ko.

Narinig ko syang nag "Tsk." At kasunod noon ay naramdaman ko na ang mga bisig nya sa katawan ko, buhat buhat nya ko! Parang nagslowmo yata ang lahat sa paligid at tila parang puso ko nalang ang mabilis na tumitibok. Ito ba ang sinasabi nilang butterfly in my stomach? Masarap sa pakiramdam pero may halong nakakatakot, takot dahil sa oras na ibaba na nya ko ay tapos na ang kilig na ito.

Naramdaman ko na ang sofa sa likod, hudyat na naibaba na nya ako. Nagpasalamat nalang ako sa itaas dahil tinapos na nya ang sandaling iyon, dahil sa oras na magtagal pa kami sa ganoon posisyon ay baka hilingin ko ng wag na niya akong ibaba.

Nag init ang muka ko ng magtama ang paningin namin. Pakiramdam ko ay parang kamatis na sa pula ang mga pisngi ko, gosh! Wala pang lalaki na ganito ang epekto sakin!

Mabilis naman syang nag iwas ng tingin at umayos ng pagkakatayo.

He cleared his throat "Ehem, wala ka bang kasama dito?" tanong nya.

Bakit? Ano naman kung wala? May masama ba syang gagawin sakin? Rape? Oh no! Rape??! Sige lang!

Natawa naman ako sa sinabi ng isip ko. Kung nababasa nya lang ang naisip ko ay baka pagtawanan pa nya ko.

"W-wala eh, buhkit?" Pagpapacute ko.

Nakita kong umirap sya sa kawalan, bakit di ba ko cute?

Nilinga linga nya ang kabuuan ng unit na para bang may hinahanap. "May first aid kayo?" baling nya muli sakin.

"Ah..dyan sa may kusina, sa 3rd cabinet"

Nawala sya sa paningin ko at pagbalik nya ay may dala na syang first aid.

Gagamutin nya ako?

Tila napaso ang balat ko ng magdikit ang mga balat namin, pati na yata pisngi ko ay napaso narin sa sobrang init.

"Baka, nabalian ka..kaya lalagyan muna kita ng bandage at splint, gusto sana kitang dalhin sa ospital kaya lang hindi naman tayo kakasya sa motor na dala ko" aniya.

Gusto kong maiyak, hes concern.

"Saka kung isasakay naman kita sa taxi wala ka naman makakasama..pwede sana ako kaya lang may trabaho pa ko sa madaling araw"

Naiiyak na ko. Concern talaga sya!

Ilang minuto lang dapat ang ilalagi nya dito pero umabot na ng kalahating oras, hindi ba dapat ay umalis na sya?

"Di ba, may mga idedeliver ka pa?" Pagbasag ko ng katahimikan.

Tinaas nya ang paningin nya sakin habang nagtatali ng bandage at agad namang iniwas muli ito.

"Last delivery ko na yan..kaya ayos lang.." sagot nya.

Ng matapos ang paglalagay nya ng bandage ay tumayo na sya at inilapag ang order ko sa mesa.

"Heto na ang bayad ko" iniabot ko sa kanya ang 500 pesos.

Tinitigan nya lang ito. "Wala ka bang barya? Wala akong panukli"

Ningitian ko sya, my sweetest smile na may halong pagpapacute. "Keep the change na" pinungayan ko pa sya ng mata. Pag ito hindi pa umubra ewan ko nalang!

Nagulat ata sya sa ginawa ko dahil nanlaki ang mata nya, matapos non ay umirap. Peste! Di makuha sa pagpapacute!

"Ok. Bago pala ko umalis, aayusin komuna yung bubog sa may kusina mo. Baka mapano ka pa" aniya.

Siyet! Parang nagsibalikan ang paru-paro sa tiyan ko.


Roughed and SweetWhere stories live. Discover now