Chapter 11

15 0 0
                                    

San ka?

Ayun, simpleng tanong pero pinapakilig na naman ang buong sistema ko na umaabot na sa buto. Nagtype ako ng reply.

Ako: Condo :)

Ilang minuto lang ay nagreply na sya.

Pwede ba akong pumunta jan? Gusto lang kitang makita.

Niyakap ko ang sarili kong nakaupo sa sofa, mag isa lang ako dahil nasa medical mission ang pinsan ko. Parang hindi yata lilipas ang isang araw na hindi ko siya makikita, kahit busy sya minsan sa part time nya ay gumagawa parin sya ng paraan para lang makita ako. Ako naman ay ganun din sa kanya.

I think were madly crazy inlove with each other that when were not together it feels like suffocating. He is like a drug that I need to take every single day.

Nagreply ako.

Ako: Sure!

Tumayo ako para sana ayusin ang sala ng may biglang kumatok. Pinihit ko ang doorknob at voala! Andun na sya!

"Kanina ka pa?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay inamba na nya ako ng yakap.

Nasa leeg ko ang ulo nya at humihinga sya sa may leeg ko. "I miss you" aniya.

Napangiti ako, mukhang ang lalaking ito ay ganon din katindi ang pagmamahal sa akin. Its too good to be true, but he is in my arms now, he is here hugging me.

Tinapik ko ang braso nya. "Kagabi lang ay hinatid mo ko, miss mo na ako kaagad?" Ani ko.

Lalong humigpit ang pagkakayakap niya.

"Hindi ko yata kakayanin ang isang araw na hindi ka nakikita" napangiti ako sa sinabi niya.

Pinipigilan ko ang bumungisngis "Bakit ba naglalambing ka?"

Kumalas na sya sa pagkakayakap at hinarap ako, nanatiling nakahawak ang kanyang kamay sa aking balikat, dahil nga sa maliit ako ay kailangan pa nyang yumuko.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa nagniningning nyang mga mata, mukang kahit anong oras ay tatakas ang ngiti at tili sa labi ko. Ikaw ba naman ang may kaharap na ganito ka-gwapong lalaki? Di kaya lumabas ang buto mo sa kilig?

"Sama ka" aniya.

Nagkunot ako ng noo "Saan?"

Ngumiti sya sya at binasa na naman ang labi nya. Haay kailan kaya ako masasanay sa lalaking ito?

Minwestra nya akong maupo sa sofa at pinaharap muli ako sa kanya. "May outing kami..sa dagat..sabi ni Nanay isama kita, kung gusto mo lang"

Bibiguin ko ba ang lalaking ito? Tutal ay wala naman ang mga magulang ko ay pumayag na ako. Hindi ko pa nga sya napapakilala sa kanila, pero iniisip ko na pagdating nila sa bakasyon ay sasabihin ko na ang tungkol sa amin. Medyo kinakabahan ako dahil ang mga naging nobyo ko ay sila naman ang pumili, at lahat iyon ay kilala ng pamilya. Ngayon lang ako magpapakilala ng lalaking tunay kong nagustuhan.

Biyernes ng hapon ay sinundo nya ako. Three days and two nights daw kaming magstay doon. Kaya naman isang malaking bag ang dala ko, syempre nagdala din ako ng bikini dagat eh.

Nag arkila si Nanay Linda ng van na sasakyan namin papuntang Bataan, hindi naman malayo iyon sa Maynila. Sa may dulong upuan kami naupo, si Aaron ay sa tabi ng driver si Nanay at Tatay naman ay sa likod ng mga ito. Masaya ang pamilya niya, hindi mo madarama ang lungkot dahil laging nakasilay sa kanila ang ngiti. Ngiti na kahit anong bagay ay walang katumbas.

Humilig ako sa balikat niya at pinaubaya naman niya iyon. Hinahaplos haplos pa nya ang aking buhok hanggang sa ako ay makatulog.

Minsan iniisip na natin na natatakot tayong maging masaya dahil baka may pait na kapalit. Natatakot tayong magmahal dahil baka sa huli ay sakit lang ang idudulot. Ngunit paano mo nga ba malalaman kung ang mga bagay na ito ay may sakit na kapalit kung hindi mo susubukan? Kung ang kasiyahang ito ay may kapalit na hindi maganda ay pipiliin ko parin na mangyari ang lahat ng ito. Dahil ang makasama sya ay wala sa pait na kapalit nito.

Pinilig ko ang ulo at mataman syang tinitigan, nakasandal ang kanyang ulo at tulog na rin. Bumaba ang tingin ko sa kanyang adams apple na hindi gumagalaw. Naisip ko na nangangawit na siya kaya napagpasyahaan kong ipilig naman ang ulo nya sa balikat ko.

Nakarating kami ng alas otso ng gabi, pagod na ang lahat.

Hinawakan nya ang braso ko ng papasok na kami sa inupahang bahay. "S..Sa tabi ako ni Aaron matutulog, dun ka na sa kwarto sa dulo" aniya.

Tumango ako. Iniisip ba niya na magtabi kamo sa pagtulog? I dont mind..but..argh! Erase erase! Ang laswa ng naiisip ko! Mabuti pa nga na wag kaming magtabi dahil baka kung anong kahalayan ang gawin ko!

"Arny, anak. Ayos lang ba sa iyo itong kwarto mo? Pasensya ka na ha" sabi ni Nanay Linda habang iniinspeksyon ang loob.

Hinawakan ko ang kamay nya "Nay, wag po kayong mag alala..ayos lang po ako rito" ningitian ko siya.

"O sya, pag may kailangan ka ay nasa kabilang kwarto lang kami ha? Magpahinga ka na" aniya at lumabas ng kwarto.

Maliit lang ang kwarto, may kama na kakasya lang ang dalawa at may isang ceiling fan at isang aparador. Inayos ko ang gamit ko sa aparador at naghanda na sa pagtulog.

Kakapikit palang ng mga mata ko ay binulabog na ako ng mahinahong katok. Tumayo ako at binuksan ito, laking gulat ko nang makita ko ang pigura niya sa hamba ng pintuan.

"What are you doing here?"

Nagkibit balikat sya. "Wala, gusto lang kita icheck" aniya. Lumapit sya ng kaunti at naliwanagan ng liwanag ng buwan ang kanyang napakagwapong mukha.

The first time I saw this man was one of the best days of my life. I didn't know that our first encounter would lead to this kind of affection. Its almost a bliss, yet my feelings to this man is nothing compare to what I felt for some boys before. Ayokong magsalita ng tapos, pero ang lalaking ito ang gusto kong maiharap sa Diyos balang araw. Mabilis ang lahat ngunit wala naman sa oras o araw ang importante, as long as you have this mutual feelings towards each other ay walang makakapigil hadlangan man ng panghuhusga.

Tumango ako. "Hmmm..ayos naman ako"

Sinalubong ko ang kanyang titig ngunit sinalubong niya ako ng halik. This time mas mapangahas, mas madiin, mas mainit hinawakan ko ang batok nya dahilan para mapatingkayad ako. Humalakhak siya sa gitna ng aming paghahalikan at iniyuko ng bahagya ang kanyang ulo, yumakap naman ang kaliwa nyang kamay sa aking likod ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa likod ng ulo ko.

The kiss was deep, passionate and needy bago pa man lumalim ay bumitaw na ako sa halik. Pareho pa kaming humihingal ng naghiwalay kami, pabulong naman kaming humalakhak.

"That was a very goodnight kiss" Ani ko. Ningitian niya ako at pinisil ang aking pisngi.

"That was close" kinindatan niya ako sabay talikod. Pinamulahaan ako ng muka! Oo nga that was close!

Roughed and SweetOù les histoires vivent. Découvrez maintenant