Chapter 15

6 0 0
                                    

Araw ng linggo. Nagbihis lang ako ng casual na jeans at pink na tank top. Nag heels din ako na kulay pink din. I grabbed my pouch at umupo sa sofa.

"Serendipity! Were late!" Sigaw ko.

Lumabas siya na nagsusuot ng hikaw, she also wears jeans litaw na litaw ang ganda ng hita nya sa soot nyang jeans, simpleng oversized tshirt at accesories lang. Ang sexy!

"You know what? I always admire those legs" ani ko.

"Let's go!"

Sinundo kami ng driver namin, nasa harap na ito ng building ng makalabas kami. Pumasok ang kotse sa isang magarang villa at huminto sa napakalaking puti na gate.

This was our grandparents house, ang daddy ni Serendipity ang nagmana dahil siya ang panganay, but lahat ng miyembro ng pamilya ay welcome dito.

Bumukas ang automatic na gate at pumasok ang sasakyan. May ilang metro pa kasi ang layo ng gate sa mismong bahay, dito madadaanan mo ang malaking fountain sa kanan at ang malawak na garden, sa kaliwa naman ang bakanteng lote kung saan minsan nagaganap ang mga party, luma ang design ng bahay pero naalagaan ito. It was one of the classic houses around the metro.

Bumaba kami at sinalubong ng tatlong kasamabahay.

"Dito po mam" ani ng isa.

Tinaasan ni Serendipity ito ng kilay. "Bago ka lang ano? Dito ako nakatira kaya alam ko ang pasikot sikot" siniko ko sya.

Yumuko naman ang batang kasambahay. "Sorry po"

Pumasok kami sa malawak na sala, wala ang pamilya roon. Umalingawngaw ang tawanan na nanggagaling sa dining.

"Oh look the bitches are here" ani ni Sonya.

Pareho kaming umirap sa ere ni Serendipity. Si Sonya ay anak ng bunsong kapatid nila daddy at kahit kailan ay hindi namin nagustuhan ang ugali nito.

"Ren, Arny! Have a seat, you too are late" ani ng dad ni Serendipity.

Nilibot ko ang paningin sa bawat miyembro ng pamilya, halos kompleto na ang mga naroon maliban nalang sa ibang kaanak namin na nasa amerika. Nakaupo sila sa isang mahabang dining table, nahinto ang pag ikot ng paningin sa isang hindi pamilyar na kaanak.

"Arny.." tinuro ni Mom ang upuan sa tabi at umupo roon, umupo naman si Serendipity sa tabi ng hindi pamilyar na kaanak.

I eye him curiously, gwapo sya. He has a perfect jaw malalim ang mga mata at matangos ang kanyang ilong.

Tito Romualdo cleared his throat. "By the way, Javi" he refers to the guy beside Serendipity.

"That woman on your right is my daughter, Serendipity" they exchange glances.

Tinuro ako ni Tito. "And she is Arny, ang paborito kong pamangkin" nag init ang pisngi ko ng dumako ang tingin niya sakin.

"Girls, he is Javi Evans"

I nodded, yun lang naman kasi ang magagawa ko. Nagsimula na ihain ang mga pagkain sa lamesa, paminsan ay napipinsan ko ang panakaw na sulyap ni 'Javi' sa akin. Hindi naman ako makakilos ng maayos dahil sa pagka ilang.

I should bring Raffe here, ito naang tamang panahon para iharapko siya sa pamilya ko. Kaya lang natakot ako sa babalang binigay ni Serendipity.

"Wag muna, formal dinner yon..meaning there must be something important na iaannounce, wag mong agawin ang spotlight sayo, there must be some other time" aniya.

Napuno ng tawanan ang buong lamesa, paminsan ay naguusap rin sila tungkol sa business. Nalaman ko na si Javi pala ang acting COO ng kanilang kompanya, he is young yet super successful, hindi naman nakatakas kay Sonya ang paglandi rito. Panay ang parinig ng kanyang pagiging single.

Roughed and SweetWhere stories live. Discover now