Chapter 22. Chasing Waterfalls..

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos nito, maghahanap agad ako ng trabaho habang hinihintay yung diploma at Transcript of Records ko.. Magiipon muna ako para may magamit ako papunta kina Ria..


Denise's POV..

Graduation.. Naiiyak ako.. Umuwi sina mama at kuya.. Buti nauna yung graduation rites nina Pao at Danni kaya nandito sila ngayon..

Pero may epal.. Dumating si Lance.. May bouquet na naman.. Kairitaaaa.. Pero syempre, feeling close siya.. Kilala siya ni mama e.. So hanggang paguwi sa bahay, nakabuntot siya..

Hindi sumama si Chad sa graduation ko.. Naghintay na lang siya sa bahay.. May handaan din kasi sa bahay.. Invited yung buong barangay..

But here's the problem.. Pano ko ipapakilala si Chad kina Mama? Sa totoo lang, ayoko din siyang ipakilala.. Unlike nung si Lorenz, na parang proud ako, si Chad, hindi ko alam.. Promise, hindi ko alam gagawin ko..

Kaya pag dating namen sa bahay, nataranta ako.. Naka-abang na saken si Chad.. Nakasakay kaming apat sa kotse ni Papa, kaya napatanong agad si Mama kung sino yung lalaking bihis na bihis sa may veranda..

"Sino yan?" tanong ni Mama..

"Uhmm.. Si Chad po.. Bestfriend ko dito.." sagot ko..

"Anak ni Lando.. Yung trabahador ko.." sabat ni Papa.. Nakakainis.. Alam kong kakalkalin na naman ni Mama 'to..

"Denise, I know nageenjoy ka dito sa province, pero sana wag namang kung sinu-sino na lang ang kina-kaibigan mo.." si Mama.. Hindi na lang ako umimik.. Ayokong sirain 'tong araw na 'to..

Pagbaba namen sa car, sumalubong agad si Chad.. Niyakap ako..

"Congrats ba--" pero inawat ko agad siya at mabilis na sumenyas na kasama ko sina Mama.. Buti na lang na-gets nia agad..

"Hello po tita.." bati nia kay Mama.. Nagtayuan balahibo ko.. Ok na e.. Kala ko na-gets na nia e.. Humabol pa.. Ayun, napahiya tuloy.. Hindi man lang siya pinansin ni Mama..

Then dumating na din yung convoy namen.. Nakasakay sina Pao at Danni sa kotse ni Lance..

Dumerecho na muna ako sa room para magpalit.. Pinaplano kung pano ko mapaplantsa 'tong situation.. Kailangan mapauwi ko na yung dalawa, si Chad at si Lance.. Sumasakit talaga ulo ko dito sa dalawa.. Ganda ko e..

Nagkainan na.. Hindi ako sumabay.. Hindi naman ako gutom.. Kasama ko lang sa room sina Pao at Danni..

"Huii.. Kayo na ba ni Chad? Bihis na bihis ah.." tanong ni Danni..

"Hindi no.." maiksi kong sagot.. Ayokong sabihin sa kanila.. And i feel so guilty.. Napaka-unfair ko kay Chad..

"E si Lance.. Mukhang seryoso na siya this time, girl.. Ayaw mo?" si Pao..

"Magbigti na lang siya.. Ayoko na.." sagot ko..

"Ok.. Si Lorenz?" dugtong nia..

"Wala na.. Pero umuwi siya dito nung sem break.."

"Nagkita kayo? OmGeeeee.. Kwento mo please.." hirit ni Danni..

"Wala.. Hindi kami nag-usap.."

"Bakit hindi kayo nag-usap? As in walang pansinan?" si Danni pa rin..

"Uhmm.. Wala.. Wala talaga.. Wala na rin naman siya saken.."

"How was he? Gwapo pa rin?"

"Uhmm.. Sakto lang.."

"What do you mean sakto lang? Bakit kinikilig ka?" grabe.. Ang kulit ni Danni..

"Oo na.. Gwapo pa rin.. Pero hindi na ko attracted sa kania.." sagot ko..

Crush Mo Mukha Mo.. Where stories live. Discover now