Chapter 21. Missing Her..

Start from the beginning
                                    

Eto namang si Chad, sobrang sweet.. Dinadalhan ako ng mga lutong meryenda.. Mga luto nung nanay nia.. Kinukuha ako ng buko.. Mga fruits..

Oo, hindi ko din feel 'to si Chad.. Pero parang gusto kong i-try.. Mabait naman siya e.. Harmless.. Kung makikilala ko pa siya ng husto, who knows, baka siya na pala yung Mr.Right for me..

At isa pa, gusto ko din, pagbalik ni Lorenz dito, malaman nia na naka-move on na ko.. And what better way to show it than to have his cousin as his replacement.. Right?

Celebrity na ko dito samen.. Hindi lang sa school.. Madami ding nagtatanong kung bakit hindi daw ako nag-aartista.. Hindi lang nila alam, ilang beses ko ng sinubukan, pero palaging thumbs down.. Ewan ko, everytime na may nagtatanong saken ng ganun, magkahalong pagka-flattered at pagka-down ang nararamdaman ko.. Bakit yung mga judges sa audition hindi nila makita yung nakikita saken nitong mga 'to..?

Time and time again, parang napapaisip akong bumalik sa Manila para mag-try ulet.. Kaso narealize ko, medio too late na e.. Usually yung mga nagsstart sa showbiz mga 15 or 16 years old.. E 20 na ko e.. Hahaha.. Ok lang.. Masaya na ko na kahit papaano, may nakaka-appreciate saken dito..

Pero over the course of my stay here, feel ko tumanda ako.. Tumanda in the sense na nagmature ako.. I mean, hindi na gaanong hinahanap ng katawan ko yung gimik.. Pag gusto kong magmall which happens once a month lang halos, pumupunta ako ng Dagupan.. Minsan kasama ko pa si Chad.. Para may bodyguard ako..

Lorenzo's POV..

Ewan ko.. Parang masisiraan ako ng bait.. Hindi ko alam kung pano ko nairaos 'tong buong sem na wala si Ria.. Two weeks na siyang hindi nagpaparamdam.. Kasalanan ko din.. Hindi ko kasi siya tinigilan sa kakangawa.. Inaaway ko siya kasi hindi siya nagenroll.. Ayun nagtampo.. Pero 2weeks na yun.. 2weeks.. Namimiss ko lang naman siya e.. Sana naintindihan nia yun.. Pero mukhang nagpalit pa ng SIM..

Nawawalan ako ng ganang mag-aral.. Pero isang sem na lang e.. Iniisip ko kung pupuntahan ko ba siya dun sa kanila.. Or hintayin ko na lang hanggang makagraduate ako..

Pero ang iniisip ko kasi baka may nakilala na siyang iba dun e.. Napapraning ako.. Kasi hindi malabong mangyari yun.. Maganda siya.. Mabait.. Pano na lang kung may pumorma sa kania dun..? Yung mayaman.. Yung may maipagmamalaki.. Ayan.. Pati self-esteem ko bumababa na.. Ang dami ko nang naiisip.. Pano nga?? Pano nga kung pinagpalit nia ako..?

Sige lang.. Hahayaan ko lang na mamiss ko siya.. After ko talagang makuha yung diploma ko, pupunta ako sa kanila.. Kung may boyfriend na siya, or asawa, wala akong pake.. Aagawin ko siya.. Akin lang siya.. Akin lang si Ria..

For now, uuwi muna ako sa Pangasinan.. Magpapalipas ng sama ng loob..

Denise's POV..

3pm.. Magdadala ako ng meryenda sa mga trabahador.. Mula nung pinahawak saken ni Papa itong palayan sa likod, binebeybi ko yung mga tao dito.. Palagi kong dinadalhan ng pagkain.. Tinaasan ko pati yung sweldo nila.. Yung dating 280 per day, ginawa kong 300.. Mas ginanahan silang magwork.. Yung iba nga daw na naiwan dun sa palayan ni papa, gustong magpalipat saken e.. Hehehe..

"Prinsesa ko, wag ka nang magdala ng meryenda sa kanila.. Ako na lang.. Medio mainit pa e.. Baka mapagod ka.." text ni Chad.. Oo, "Prinsesa ko" ang tawag nia saken.. Kinikilabutan ako dun sa tawag na yun.. Pero hindi ko na lang kinontra.. Baka magtampo e.. Mawawalan ako ng bodyguard..

"Baket? E paalis na ko e.. Magmomotor naman ako.." reply ko..

Then tumawag siya..

"Prinsesa ko.. Wag ka ng pumunta.. Ako na lang.. Papunta na ko jan.." si Chad..

Crush Mo Mukha Mo.. Where stories live. Discover now