"Do you think I don't have attractive personality?"
"Hindi naman kita masyadong kilala para malaman ko ang buong personality mo. All I know is that you can't stand being loveless." Tinapunan niya ng tingin ang baso ko. "And you like alcohol so much."
Nagbuga ako ng hangin. "I can't stand being loveless," pasibing gagad ko. "Palibhasa, hindi ka marunong magmahal."
"Sinong may sabi sa 'yo?"
Oo nga naman. Wala naman pala akong alam tungkol sa lalaking ito bukod sa pangalan at trabaho. Actually, gustuhin ko mang tanungin si Stella tungkol kay Kenzo ay hindi ko magawa dahil baka isipin ni Stella na interesado ako sa lalaki at sabihin iyon kay Rey at pagkatapos ay sabihin ni Rey sa kaibigan. Kaya isinantabi ko na lang ang curiosity ko sa lalaki.
"So, nagmahal ka na?"
Halatang nag-isip ang lalaki bago tumango. "I did."
Hindi ko itinago ang interes. "Anong nangyari?"
"We broke up."
Mukha namang balewala na kay Kenzo ang tungkol sa past relationship dahil baka matagal na iyon at naka-move na siya.
"Why?"
"Kasi hindi ko siya mapakasalan."
Naalala ko ang sinabi ng lalaki noon sa wedding reception ni Stella at Rey. Hindi siya naniniwala sa kasal. Kahit mahal ni Kenzo ang babae ay hinayaan niyang mawala sa kanya dahil sa paniniwalang iyon. Strange, pero naramdaman ko na naman ang panghihinayang sa dibdib ko.
"Ibig sabihin, naghahanap ka ngayon ng babaeng hindi rin interesado sa kasal?"
Ngumisi ang lalaki. "May babae bang hindi interesado sa kasal?"
"Mayroon naman. Pero hindi rin sila lifetime kung magmahal. At usually, hindi sila faithful. So, malaki ang chance na maging alone ka forever."
He exhaled a laugh. "And you have a lesser chance to be alone forever because you wanted to get married?"
Natameme ako. Ipinapahiya ba ako ng lalaking ito sa sarili ko? Imbes na sagutin siya ay lumagok na lang ako ng alak.
"Do you plan to get drunk again?"
"Ihahatid mo naman ako kina Jaja, 'di ba? Don't worry, ako ang magbabayad ng drinks mo at pang-taxi pabalik dito."
Halata ang pagkalibang sa mukha ni Kenzo.
"Na-aamuse ka ba kasi wala akong boyfriend na susundo sa 'kin at maghahatid sa bahay ko?"
"Haven't it occurred to you na baka may dahilan kung bakit despite having the looks and an interesting personality, hindi ka pa rin nagkakaroon ng boyfriend after seven months of trying to have one?"
"Ano sa tingin mo ang dahilan?"
"Baka hindi pa panahon para magka-boyfriend ka ulit. Baka gusto ng tadhana na ipahinga mo muna ang puso mo."
"Pahinga? Ang haba na nga ng pahinga ko. Seven months!"
"I've been single for two years."
"Weh? As in wala kang nakaka-date na babae at all? Iba sa inyong mga lalaki. Hindi n'yo kailangang makipagrelasyon para may makasama. You can do casual dating. Ako, hindi. I want a relationship. A long one. One that could lead to marriage."
"Maybe you need to relax and try to enjoy the perks of being single in the meantime."
I snorted. "Pareho kayo ni Jaja. Gusto n'yong ma-appreciate ko ang pagiging single. But how can I appreciate something that makes me sad? Hindi ako sanay na mag-isa. I hate being alone. I always need someone who would make me feel beautiful and loved. That makes me happy. I want to be happy."
Nakatitig lang sa akin si Kenzo.
Nagpakawala ako ng buntonghininga. "Lalo na ngayon. Paano ko matutunang i-appreciate ang pagiging single kung ganitong kailangan ko talagang magkaroon ng boyfriend na madadala sa reunion? Ayokong magmukhang kawawa sa party na 'yon."
Hindi sumagot ang lalaki.
"Bakit nakatitig ka lang? Siguro iniisip mo na ang pathetic ko."
Imbes na sumagot at uminom ng alak si Kenzo.
Napabuntonghininga na lang ako. Of course, I looked pathetic to him. Alam niya ang mga hinaing at pagdurusa ko. Mukha na siguro akong desperada sa paningin niya. Bakit kasi kailangang lasing ako o kaya naman ay nangangailangan ng tulong sa tuwing nakikita ko siya?
"Alam mo kung bakit negative 'yong tingin ng iba sa serial monogamists?" tanong ni Kenzo pagkatapos magpasalin ng alak sa bartender. "Because they believe that a person must be completely over her last relationship before she enters a new one. Naturally, kapag kagagaling lang sa isang failed long-term relationship, hindi ganoon kadaling maka-move on ang isang tao. It takes time for a wound to heal on its own. And there is this rule that one must not enter a relationship if one is still broken. Dapat buo ka na ulit kapag pumasok ka sa bagong relationship bilang respeto sa taong susunod mong mamahalin. You know, every new couple should start with a clean slate."
Nagbuga ako ng hangin. "May rule ba talagang ganyan? Ang alam ko lang 'yong three-month rule nina Popoy at Basha."
Tumawa si Kenzo. "'Yon ba 'yong reason kung bakit nakasanayan mong after three months, may bago ka na agad?"
"Why should you prolong the agony when you can start again with someone new? Instead of crying over that person who hurt you, why won't you aspire to smile again with someone else?"
"It's not fun to be a rebound."
"Pero ginusto nilang maging rebound. Kasalanan ko ba 'yon?"
"You shouldn't let anyone fix you when you are broken," seryosong sabi ni Kenzo. "Fix yourself. Ikaw lang ang dapat na umayos sa sarili mo."
ANNOUNCEMENT: This novel is now available! First self-published novel ko po ito kaya sana po ay suportahan n'yo. :) Please PM me on my Facebook page: www.facebook.com/heartyngrid to order. Thank you! :)
DU LIEST GERADE
Status: Single (But Not For Too Long)
ChickLitNOW AVAILABLE! VISIT MY FACEBOOK PAGE HTTPS://FACEBOOK.COM/HEARTYNGRID TO ORDER! A story of a serial monogamist and her journey to finding the one who would break the chain.
Part 11
Beginne am Anfang
