Part 2

504 24 2
                                        


NAGPALIT lang ako ng relationship status sa Facebook, bumulwak na ang comments sa life event ko. Ano, artista lang? Na kapag nag-announce ng breakup o nag-switch back to single ang status, dumog na ng reactions and comments?

In-scroll ko ang comments at nakita ko ang pangalan ng old classmates and schoolmates, mga dating barkada, dating manliligaw, officemates at mga kamag-anak.

OMG. Nag-break na kayo? Akala ko kayo na ang magkakatuluyan kasi nakita ko parang sobra ka niyang love, sabi ng classmate ko noong college na laging naka-like sa tuwing may post ako about Wendell kaya updated siya sa love life ko kahit hindi naman kami talaga close.

Sayang. Rich kid pa naman 'yon, sabi ng tita kong mukhang pera.

Okay lang 'yan, Zoey. It's his loss, sabi ng officemate ko.

Wow! Single ka uli? Baka naman...

Umiling ako nang makita ang smiley emoticon sa sinabi ni Sonny na sa tuwing single ako ay nagpaparamdam kahit ilang beses ko nang binasted. Kung puwede akong mag-reply, sasabihin ko sa kanya na "No, Sonny, marupok nga siguro ako pero hindi desperada."

It's okay, Z. He's just not the right one for you, sabi ng dati kong ka-barkada noong high school na nasa States na ngayon.

You're too pretty for that guy, anyway, sabi ng pinsan kong nagtatrabaho sa Canada.

Single again? But I guess it won't be for too long.

Binalikan ko ang pangalan ng huling comment na binasa ko. Leah Dimaano? Automatic na naningkit ang mga mata ko. Hindi ko naman ito friend pero bakit nag-comment sa timeline ko? Ito iyong coursemate kong classy kontrabida ala-Cherie Gil ang aura noong college. Simula nang dumating kami sa isang school gathering nang accidentally ay pareho ng outfit, ang tingin na yata sa akin ay second-rate trying hard copycat.

Ang sabi sa akin ni Jaja, insecure lang sa akin si Leah dahil ligawin ako at ito ay hindi. In fact, sa pagkakaalam ko, isa lang ang naging boyfriend ni Leah na nakilala nito noong nagtatrabaho na ito. Last year, sinabi sa akin ni Jaja na break na raw si Leah at ang boyfriend kahit hindi naman ako interesadong malaman. Hindi na nagka-boyfriend pa ang babae pagkatapos niyon. In fact, single siya ngayon.

Kung hindi ko kilala si Leah, iisipin ko na tiwala siya sa beauty ko kaya sinabi niya iyon. Pero dahil alam kong hindi niya ako bet, insult 'yong sinabi niya. Siguradong updated siya sa akin kahit hindi kami friends dahil tsismosa ang mga tao sa Facebook. Kaya alam ko, isa siya sa negatibo ang tingin sa pagiging serial monogamist ko.

Malamang, isa rin siya sa masama ang tingin sa akin dahil mabilis akong mag-move on. Mabilis akong makahanap ng kapalit. Hindi ako naggi-grieve nang matagal over a failed relationship. Hindi ako makatagal nang walang boyfriend. Malandi siguro ang tingin nila sa akin. Kung malandi ako, sana hindi nagtatagal ang relationships ko. Serial dater dapat ako at hindi isang serial monogamist.

How dare she try to mock me just because I could easily find a new relationship. What was the use of prolonging the grief over something that was over? If you had the chance to start over with another love, why wouldn't you grab that chance? Not everything could be replaced. So if you could replace it, why not do it?

Bumuntunghininga ako nang maalala ang nanay kong nag-abandona sa akin noong bata pa ako. Sa tuwing natatapos ang relasyon ko, naaalala ko siya. Five years old ako noong dalhin ako ng mama ko sa isang bahay na hindi pamilyar sa akin. Ang sabi niya sa akin, ipapakilala niya ako sa biological father ko. Hindi niya sinabi sa akin na iiwan na niya ako sa bahay na iyon.

Apparently, hindi alam ng daddy ko na nagkaanak ito kay Lilian Galvez na dating girlfriend kaya nagulat din ito sa existence ko. That same day, ibinigay ako ng mama ko sa daddy ko. Araw-araw ay umiiyak ako noon sa paghihintay sa pagbabalik ni Mama pero hindi niya ako binalikan. Dahil walang alam si Daddy sa pag-aalaga sa bata, kumuha si Lolo Teo ng yaya na mag-aalaga sa akin.

After two years, nag-asawa ang daddy ko. Fortunately, hindi wicked stepmother si Tita Sandy pero dahil ayokong maging istorbo sa kanilang mag-asawa at maging pabigat kay Tita Sandy, hindi ako sumama sa kanila nang bumukod sila. Nanatili ako sa bahay ng lolo ko. Walang nagawa si Daddy kundi ang iwan ako kay Lolo dahil ayaw ko talagang sumama.

Noong eleven years old ako, saka ko lang nalaman na namatay na pala ang mama ko isang taon matapos akong iwan sa daddy ko. Hit and run ang ikinamatay. Pero hindi ko na nalaman pa kung bakit iniwan niya ako sa ama ko. Ang sabi sa akin ni Lolo Teo, hindi ako dapat magtanim ng sama ng loob sa mama ko dahil obligasyon din naman talaga ako ng daddy ko. Huwag ko raw isiping iniwan ako dahil karapatan din ng ama ko na makasama ako. Hindi lang sila puwedeng magkasama dahil hiwalay na sila.

Still, hindi ko pa rin maisip kung paano nakaya ng mama ko na malayo sa akin. Actually, hindi ko na maalala kung paano niya ako inalagaan o kung minahal ba talaga niya ako. Ang alam ko lang, siya lang ang mundo ko noon. Kaya nang iwan niya ako sa isang taong hindi pamilyar sa akin, parang nagunaw ang mundo ko. I felt devastated and alone.

I wished I could get myself another biological mother when she left me but that would be impossible. Kaya siguro hanggang ngayon, sa tuwing naalala ko siya, nasasaktan pa rin ako. Kasi alam kong irreplaceable siya. Hindi katulad ng boyfriend na puwedeng palitan kapag iniwan ako. Puwedeng magsimulang muli at magmahal muli.

Tumayo ako mula sa kama at lumabas sa balcony ng condo unit ko para lumanghap ng hangin. Nang mamatay ang lolo ko noong twenty years old ako, ginamit ko ang perang minana ko sa kanya para makabili ng condo unit. I had been alone in this place for eight years. Kahit na may daddy ako, hindi ko naman siya nakasama sa iisang bahay habang lumalaki ako. Madalas ko man siyang nakikita at nakakausap at hindi ako pinabayaan sa lahat ng mga pangangailangan ko, pakiramdam ko ay mag-isa pa rin ako. Alam ko kasi na kahit kailan, hindi ako magiging parte ng pamilya niya.

Anak pa rin ako sa labas kahit alam kong ayaw nilang iparamdam sa akin iyon. I did not have a family of my own. I was alone.

And I was literally alone right now. No one wasbeside me at all. Hindi bale. Love would soon knock at my door once more. And Iknew it would not be long until I was not alone again.  

Status: Single (But Not For Too Long)Where stories live. Discover now