Part 11

1K 29 1
                                        


Napatingin ako sa matangkad na lalaking lumapit sa bar counter at umupo sa bar stool sa di-kalayuan. Pamilyar sa akin ang bultong iyon. That hair... That sexy, curly hair... Kenzo!

Humingi siya ng alak sa bartender. Mukhang naramdaman ng lalaki na may nakatingin dito kaya pumaling ang ulo niya sa direksiyon ko. Saglit kaming nagtitigan bago ko namataan ang recognition sa mga mata niya.

Ngumiti si Kenzo. Hindi ko magawang gantihan ang ngiti niya kaya itinaas ko na lang ang baso ko para yayain siyang uminom. Although somehow I felt relieved that I saw him because I was not alone in that unfamiliar place anymore.

Bitbit ang basong ibinigay ng bartender ay umalis si Kenzo sa kinauupuan para lumapit sa akin.

"I didn't expect to see you here," imbes na bumati ay sabi ng lalaki.

"I didn't expect I'd see you again."

"Are you alone?"

Alone. I hated hearing that word over and over again.

Nagpakawala ako ng buntonghininga. "Still alone."

Tumitig sa akin si Kenzo at pagkatapos ay tinapunan niya ng tingin ang baso ko sa bar counter. Natunugan yata niyang hindi iyon ang unang baso ko.

"Were you stood up by your date or what?" tanong niya nang makaupo sa stool sa tabi ko.

Nagbuga ako ng hangin. "You have no idea."

"Is it something personal? Kung oo, 'wag mo nang sabihin. I'm just surprised to see you here. Dito ako madalas pumunta kaya alam kong first time mo rito. Tama ba?"

Tumango ako. Namalayan ko na lang na ikinukuwento ko na kay Kenzo ang nangyari sa akin sa gabing iyon at miski ang tungkol sa magaganap na reunion.

Nakita ko sa mukha niya ang struggle kung makikisimpatya ba sa kamalasan ko o maaaliw sa pagkadesperada ko.

"On the bright side," komento ni Kenzo, "nalaman mo agad na ex siya ng malditang schoolmate mo noon bago mo pa masagot at madala sa reunion."

Buti na nga lang talaga at nakaugalian kong i-message kay Jaja ang pangalan at picture ng lalaking makaka-date ko. Namukhaan nito ang lalaki at pamilyar ang pangalan. Nagkataong ka-Facebook ni Jaja ang pinsan ni Denny at doon nito nabasa dati ang tungkol sa stalker ex ni Denny.

"Why is this happening with me?" tanong ko, sabay lagok ng alak.

"Baka kasi hindi pa ito ang oras para magmahal ka uli."

Napanganga ako sa sinabi ni Kenzo. "Hindi pa? Seven months na akong walang boyfriend!"

"Mahabang panahon na ba 'yon?"

"For someone like me, napakahabang panahon na 'yon."

"Because you're a serial monogamist?"

"I always find new love easily. Bakit ngayon, hindi na? Por que ba malapit na akong mag-thirty? Dahil ba hindi na ako fresh? Dahil ba hindi ako kasing ganda ng dati?"

"You don't look old. And I think you're beautiful."

Natigil ako sa balak na pagdadala sa bibig ng baso at tinitigan ko si Kenzo. Did he really think so? Did a man with good looks like him really think I still looked young and beautiful? "Do you mean that?"

"Yes. So, sa palagay ko, hindi sa looks mo ang problema."

Naglaho ang sayang naramdaman ko nang ma-realize ang mga huling sinabi ng lalaki. Kung sa tingin niya ay hindi sa looks ang problema kung bakit wala pa rin akong bagong boyfriend, iniisip ba ni Kenzo na sa personality ako may problema?

Status: Single (But Not For Too Long)Место, где живут истории. Откройте их для себя