HABANG gumagawa ng draft for balance sheets sa desk ko sa office, makailang beses na nag-flash sa isip ko ang kinang ng engagement ring ni Leah. Ilang beses ko nang pinangarap na makapag-suot niyon. I had always dreamed of starting my own family and be a good wife and the best mother. Lahat ng naging boyfriend ko, pinangarap kong maging asawa. Pero lahat sila, nawala lang sa buhay ko.
And now, it seemed like fate was mocking me. Ako iyong ligawin at hindi nawawalan ng love life pero si Leah na hindi ligawin at madalas na single ang engaged na ngayon at malapit nang ikasal. And here I was, single at twenty-nine. Six months nang tigang sa pag-ibig.
This was unbearable.
"Flowers!"
Napatingin ako kay Lani na may hawak na isang malaking bouquet of flowers. Bumangon ang antisipasyon sa dibdib ko. Sino ba ang madalas na nakakatanggap ng flowers sa accounting department? Ako, 'di ba? Kahit noong mga panahong brokenhearted ako ay may dumadating na flowers galing sa suitor o secret admirer. Napatayo ako nang wala sa loob pero nilagpasan lang ako ni Lani. Nakita ko kung kanino niya inabot ang bouquet—kay Tina.
Si Tina ang pinaka-hindi kagandahan sa amin sa department. Just two weeks ago, nalaman ng lahat na may boyfriend na ang no-boyfriend-since-birth na si Tina. Isa ako sa mga masaya para sa junior accountant dahil kahit hindi man physically attractive si Tina ay mabait ito at deserving na lumigaya. Pero ngayong nakita ko na inabot dito ni Lani ang bouquet na madalas ay ako ang nakakatanggap sa office, bumigat ang dibdib ko. Hanggang tainga ang ngiti ni Tina habang tinutudyo ni Lani at ng ibang mga kalapit na officemates. Halatang kilig na kilig ito.
Mabilis akong umupo at bumalik sa ginagawa. Hindi ako makapaniwalang darating ang panahon na maiinggit ako kay Tina. Buti pa siya, nakakangiti nang ganoon. Kinikilig nang ganoon. Samantalang ako, nagdurugo ang puso for the past six months.
"Magli-leave ka raw?" nakarating sa pandinig ko ang sinabi ni Kara na nasa kabilang cubicle. "So, approved na 'yong visa n'yo?"
"Yup." Boses ni Maggie iyon. "Gagamitin ko ang max ng VL ko."
Hindi personal na sinabi sa akin ni Maggie na may balak siyang mag-Switzerland kasama ang boyfriend pero dahil nasa kabila lang sila ni Kara, naririnig ko ang tsismisan nila.
"Mauuna ang honeymoon kaysa kasal?" biro ni Kara.
Humagikgik si Maggie. Napasibi ako. Buti pa si Maggie, makakapunta na sa Switzerland. Ang tagal ko nang gustong pumunta roon pero pinu-put off ko lang dahil iyon ang gusto kong honeymoon destination. Akala ko kasi, hindi ako aabot ng twenty-nine nang hindi pa kasal. Kaya naman ng savings ko na pumunta roon ngayon pero hindi kaya ng feelings ko na mag-isang pumunta roon. That place was not meant to be enjoyed alone.
"Kayo ng hubby mo, kailan ang second honeymoon?" tanong ni Maggie kay Kara.
"Baka next year. Medyo nagi-guilty pa ako na iiwan si Junior para kaming dalawa lang ng asawa ko ang magbabakasyon. At least next year, seven years old na siya. Medyo big boy na kaya mas maiintindihan na niya na need din namin ng papa niya na magbakasyon nang kami lang."
Buti pa si Kara, may Junior na. Samantalang ako, egg cell pa rin hanggang ngayon si Junior na ilang beses nang nag-mature at naging menstruation.
Napalingon ako nang tawagin ako ni Anna. Inabot niya sa akin ang mga dokumentong hinihingi ko sa kanya.
"Ang bilis mo naman," puna ko.
"Mag-e-early out kasi ako." Inilapit niya ang bibig sa tainga ko para bumulong. "May date ako with my boyfie."
Wala sa loob na napahigpit ang hawak ko sa folder. Sana all malakas ang loob na mag-early out para lang makipag-date sa boyfriend. Sana rin all may boyfie.
Actually, lahat naman doon ay may boyfriend, girlfriend o asawa na, ngayong may boyfriend na si Tina. Ako lang ang loveless sa department na ito. Ako lang. The irony.
Nang umalis na si Anna ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatunganga sa computer screen at nag-e-emote. How did I end up like this? How did I end up being alone?
Wala nang nagbibigay ng flowers sa akin. Wala na akong kasamang kumain at mag-food trip sa favorite restaurants ko, manood ng sine with the movie of my choice, pumunta sa concerts na ako lang ang nag-e-enjoy at magbakasyon sa malalayong lugar na gusto kong puntahan.
You know, only a boyfriend would accompany a woman anywhere she liked and let her do anything she desired while with him. A mere friend would not do that. Jaja would seldom let me take the wheel unless she would enjoy, too. A boyfriend was someone who would make a woman felt special and good about herself. That was why I loved having one. But now I had none and it sucked.
Wala nang nagpapakilig sa akin. Wala nang nagte-text o tumatawag sa akin para itanong kung kumain na ako. Wala nang humahalik sa mga labi ko. Wala nang yumayakap sa akin. Nobody was making me feel desired. I was not used to this.
I felt so miserable.
Napatingin ako sa royal blue envelope na yari sa specialty paper na inilapag ng kung sino sa table ko. Tiningala ko ang may-ari ng kamay at nakita ko ang nakangiting si Stella.
"Wedding invitation ko."
Right. Stella was getting married in less than three weeks. Ibinalik ko ang paningin sa envelope at dinampot iyon. Tinitigan ko ang print ng initials ni Stella at groom nito sa seal ng envelope. Bakit ganoon? Hindi ko naman ex ang pakakasalan ni Stella pero parang kumirot ang dibdib ko.
Everyone around was happy and in love and had someone who loved them. Ako lang ang hindi. Ako lang ang walang nagmamahal.
"Are you okay, Zoey?" tanong ni Stella na halatang nagtataka.
I realized I was teary-eyed. Ngumiti ako. "I'm just happy for you."
YOU ARE READING
Status: Single (But Not For Too Long)
ChickLitNOW AVAILABLE! VISIT MY FACEBOOK PAGE HTTPS://FACEBOOK.COM/HEARTYNGRID TO ORDER! A story of a serial monogamist and her journey to finding the one who would break the chain.
