Part 9

331 22 0
                                        


IT WAS a weekend pero nasa coffee shop lang ako ni Jaja, nagkakape sa isa sa tables sa sulok. Kung may boyfriend ako ay wala ako rito ngayon. Baka nasa Tagaytay ako ngayon for a quick weekend trip o kaya ay nasa mall at nagsa-shopping dahil may taga-bitbit ako. Instead I was here sipping a caramel macchiato all alone.

Ni wala nga si Jaja dito ngayon dahil namasyal raw kasama ang asawa at anak. Ang assistant niyang si Tere lang ang nag-asikaso sa akin. Kape at cellphone ko lang ang kaulayaw ko ngayon. I felt so pathetic.

Habang nanonood ako ng YouTube videos sa cellphone ay nag-pop up ang chat head ni Lottie.

Ate, pupunta ka sa kasal ko, ha.

Kasal na ni Lottie next week. Civing wedding lang daw muna. Kapag nakapanganak na si Lottie ay saka lang raw magpapakasal sa simbahan.

Bumuntonghininga ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ang little sister ko. Close naman kami ni Lottie kahit half-siblings lang kami dahil wala siyang choice—ako lang ang nag-iisa niyang kapatid. Pero dahil magkaiba kami ng personality at wavelength at magkalayo ang edad namin, hindi ako ganoon kabukas sa kanya at ganoon din siya sa akin. Hindi nga niya sinabi sa akin na three months na pala siyang buntis. Kung hindi pa nabuking ng mommy niya, wala pang makakaalam sa amin.

Kahit hindi sabihin ni Lottie, alam kong ayaw pa niyang mag-asawa at hindi pa handang maging ina dahil medyo isip-bata pa siya. Normally, an older sister would comfort her little sis in this kind of situation. Dapat ay pinalalakas ko ang loob ni Lottie at binibigyan ng advice pero hindi ko magawa iyon. Wala ako sa posisyong gawin iyon dahil pakiramdam ko ay mas down pa ako sa kanya. Nakadagdag pa sa pagka-down ko ang ginawa nila ni Andre. Lalo kong naramdaman na napag-iiwanan na ako. Lalo kong naramdaman na mag-isa lang ako.

Nag-like lang ako sa message ni Lottie at isinara na ang chat namin. I used to love attending weddings but now it burdened me that I had to attend another wedding. Kaka-attend ko lang ng kasal last week. Isang linggo na pala ang nakakalipas simula noong nagyaya ako ng isang lalaking hindi ko kakilala at nagpakalasing kasama siya. Mabuti na lang at hindi ko na nakita pa ang lalaking iyon. Why, sinabi ko lang naman kay Kenzo ang himutok ko sa buhay sa ngayon. Nakakahiya!

No wonder, he did not even try to flirt with me or get my number, at least. Well, not that I wanted to be in contact with him. Idagdag pa na napakataklesa ko nang gabing iyon at ipinahiwatig ko talagang isa siyang male prostitute. Nakainom ako kaya siguro hindi siya nagalit pero nakakahiya pa rin ang ginawa ko.

Binuksan ko ang gallery sa cellphone ko at tinitigan ang picture ni Kenzo. Who was this guy? Wala siya sa Facebook. Nakakapagtaka. Naisip ko na baka ibang pangalan ang gamit niya sa Facebook kaya hindi ko ma-search. Nang tingnan ko naman ang Facebook ni Rey ay naka-private iyon at hindi kami friends kaya hindi ko rin makita ang laman ng account nito at miski sana friends list lang.

Curious lang ako kung saang fitness gym nagtatrabaho si Kenzo at kung bakit mukhang malaki ang kinikita niya dahil ang high-maintenance niyang lalaki. I remembered his watch. Hindi ako puwedeng magkamali. It was an Audemars Piguet. Pero baka naman first class imitation lang iyon.

"Hi!"

Buti na lang at wala pa sa bibig ko ang hawak kong baso ng kape kundi ay baka napaso ko ang bibig ko sa pagkagulat sa mukhang bumulaga sa akin.

Si Sonny! Kuntodo ngiti ang bruho.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Nagbakasakali ang ako na nandito ka. Suwerte. Nandito ka nga." Inilabas niya mula sa likod ang isang bouquet of flowers at inabot sa akin.

Napahumindig ako. Kamukhang-kamukha iyon ng nasa picture na ipinadala niya sa akin kaya natakot ako na baka bigla siyang maglabas ng engagement ring at mag-propose doon. May mangilan-ngilang tao sa Delica Cofee kaya may makakasaksi sa kalokohan ni Sony kapag nagkataon.

Noong nakaraan lang ay naghahangad ako ng bulaklak. Heto at may nagbibigay pero hindi ako masaya na mabigyan.

"Sabi ko sa 'yo, 'wag mo na akong bibigyan ng bulaklak, 'di ba?"

Inilapag na lang niya sa mesa ang bulaklak dahil hindi ko tinanggap. "Ang tagal na simula noong huli kitang binigyan ng bulaklak. Na-miss ko lang."

I rolled eyes. "Sonny, hindi ka pa ba napapagod? Ilang beses mo bang gustong bastedin ki—?"

"Bakit mo ako b-in-lock?" putol niya sa sinasabi ko.

"Kailangan mo pa bang itanong 'yon? Sinong baliw ang magpo-propose ng kasal sa hindi niya girlfriend?"

"Baliw lang naman sa 'yo," nakangising sabi niya. "Hindi mo pa rin ba nare-realize hanggang ngayon na para sa 'kin ka talaga?"

Naggirian ang mga ngipin ko. "Leave me alone, Sonny. 'Wag mong hintaying magdilim ang paningin ko sa 'yo."

"Hindi ako bumiyahe papunta rito para lang umalis nang gano'n-gano'n lang." Umakma siyang uupo sa silyang katapat ko pero pinigilan ko siya.

"Don't you dare sit there!"

Nahinto sa akmang pag-upo si Sonny. "Bakit? May kasama ka ba?"

"Oo!" sabi ko na lang para umalis na siya. "May hinihintay ako kaya umalis ka na." Itinulak ko ang bulaklak pabalik sa kanya. "Isama mo na 'yan."

Nagsalubong ang mga kilay ni Sonny. "Bakit? Lalaki ba 'yong ka-meet mo rito ngayon?"

"Oo!"

"Sino siya? 'Wag mong sabihing..."

"Oo, boyfriend ko. Bago kong boyfriend." Mabilis ko ring pinagsisihan ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko dapat sinabi iyon dahil wala naman akong dyowa. Siguradong magpupumilit si Sonny na makilala ang "boyfriend" ko tulad ng dating gawi. Nilulubayan lang niya ako kapag nakita niyang may nagmamay-ari na naman sa akin.

Tinitigan ako ni Sonny habang nakatayo sa tabi ng table. May pagduda sa mga mata niya.

"What?" I hissed.

"Bakit hindi ka pa nagpapalit ng status sa Facebook?"

Natigilan ako. Hindi ko akalaing marunong nang mag-isip si Sonny ngayon.

"At saka wala kang pino-post na picture n'yong dalawa."

"Kailangan ba lagi kong ipa-publicize ang relationship ko?"

"Lagi mo kasing pina-publicize ang relationships mo sa Facebook kaya nakakapagtaka kapag hindi."

Kailangan ko na lang munang panindigan ang sinabi kong kasinungalingan kahit ngayon lang kundi ay hindi talaga ako lulubayan ni Sonny. Siguradong hindi niya ako iiwan dito. Tumunog ang notification sa cellphone ko at nang buksan ko iyon ay tumambad ang nakabukas na picture ni Kenzo na tinititigan ko kanina. Mabilis ang pagpasok ng ideya sa isip ko. Itinaas ko ang cellphone ko kay Sonny.

"Heto siya. He's my new boyfriend."

Tiningnan ni Sonny ang picture at lumarawan ang disappointment sa mukha niya. Disappointed siguro hindi lang dahil may boyfriend na ako kundi dahil nakita niyang mas guwapo si Kenzo sa kanya at wala siyang binatbat.

Ibinaba ko na ang cellphone. "Umalis ka na, Sonny. Ayokong maabutan ka niya rito."

Marahas ang ginawang pagbuntonghininga ni Sonny.

"Take that with you," tukoy ko sa bulaklak. "Ibigay mo na lang sa mama mo."

Akmang kukunin na ni Sonny ang bulaklak nang tumigil siya. Nakatingin ang lalaki sa labas ng glass wall. Nang sundan ko ng tingin ang tinitingnan niya ay nanlaki ang mga mata ko.

Sa labas ng coffee shop ay naglalakad si Kenzo!

Status: Single (But Not For Too Long)Where stories live. Discover now