HABANG nakaupo kami ni Jaja sa couch sa sala ng condo unit ko at patuloy ako sa pagngalngal ay panay naman ang hagod niya sa likod ko. Hinahagod nga ng best friend ko ang likod ko para aluin pero nakatuon naman ang mga mata sa cellphone niya, naghahanap ng best deals sa Lazada.
"I hate him," sabi ko sa gumagaralgal na tinig habang nakasapo ang mga palad sa mukha kong basang-basa ng luha.
"Okay lang 'yan, Zoey," pag-alo ni Jaja na walang tigil sa paghagod sa likod ko at pag-scroll sa Lazada app.
"Sabi niya, he could see us together standing in front of the altar. Pero ngayon, iniwan ako ng gago."
I was talking about my ex-boyfriend, Wendell. Three years ding naging kami. I met him while I was nursing a broken heart. I fell for him instantly. He was such a sweet guy... and rich but eventually, he started to change. Nanlamig na siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Ang sabi niya, na-fall out of love lang siya.
He said, not all romantic feelings were bound to last forever. And we were all in search of a love that would last a lifetime. Unfortunately, we did not find it with each other. Buwisit siya.
"Okay lang 'yan, bes."
"Bumuo na kami ng pangalan ng future children namin. Ang dami na naming pinlanong magkasama. Kulang na lang, proposal niya. Wala pala akong hinihintay. Pinaasa lang ako ng hayup na 'yon..."
"Okay lang 'yan, bes..."
"Ano ka ba?" I snapped at Jaja. Natigil tuloy siya sa paglalagay sa cart ng item na tinitingnan. "Bakit puro ka 'okay lang 'yan?' At saka bakit parang mas binibigyan mo pa ng atensiyon 'yang flash sale ng Lazada kaysa sa 'kin? Hindi kita tinawag dito para mag-online shopping."
Wala man lang guilt sa mukha ni Jaja nang ibaba ang phone. "Kasi after three to four months, may bago ka na ulit love life kaya okay lang 'yan. Mabilis ka namang maka-move on, eh." Tinapik niya ako sa likod. "Makakalimutan mo rin agad 'yang ex mo."
Natigil ako sa pag-akmang pagsinga at napatitig sa kawalan. Hindi ko alam kung maiinsulto o mare-relieve ako sa sinabi ng best friend ko.
I had one brief and three long-term relationships before Wendell. Sixteen years old pa lang ako, may boyfriend na ako. Tumagal kami ni Justin ng six months. Nang mag-break kami ng first boyfriend, nakilala ko agad ang naging second one ko. Almost four years kaming nagtagal ni TJ. Three months lang akong nag-grieve kay TJ dahil nakipag-date na agad ako kay Erick. Tumagal ang relationship namin ng six years.
Akala ko si Erick na ang makakatuluyan ko dahil mas tumagal kami kaysa sa previous relationship ko pero nagkamali ako. Four months after our breakup, sinagot ko si Wendell na nang malaman na single na ulit ako ay niligawan agad ako. Actually, kahit noong boyfriend ko pa si Erick ay nagpaparamdam na sa akin si Wendell pero dine-deadma ko lang siya. I only entertained him when Erick and I broke up. Ang sabi sa akin ni Wendell, gagamutin daw nito ang sugat sa puso ko. Pero ang walanghiya, susugatan rin pala ako after three years.
Kaya nasabi ni Jaja na madali lang akong maka-move on ay dahil hindi ko nga naman naranasan ang mag-grieve nang matagal over a failed relationship. Hindi ko naranasan ang mabakante. After a breakup, I would soon date someone new and fall in love again.
It was not like I asked for a new love to come along that fast. Sila naman ang nagsidatingan agad, tinanggap ko lang. I must be resilient but that was because a new guy would always help me pick up my pieces every time I was brokenhearted. But people around would look at it negatively. Ang feeling nila, mabilis lang talaga akong maka-move on.
They said I was a serial monogamist. Maybe it was true because I felt uncomfortable being alone. I could not stand being loveless. Kaya rin siguro hindi ko natatanggihan ang maagang pagpasok ng bagong pag-ibig. Maybe I was hopeless romantic. I always wanted to love and be loved. Pakiramdam ko, hindi kompleto ang buhay ko kung walang lalaking nagmamahal sa akin.
YOU ARE READING
Status: Single (But Not For Too Long)
ChickLitNOW AVAILABLE! VISIT MY FACEBOOK PAGE HTTPS://FACEBOOK.COM/HEARTYNGRID TO ORDER! A story of a serial monogamist and her journey to finding the one who would break the chain.
