UMABOT uli ako ng glass of wine mula sa roving waiter sa reception ng kasal ni Stella. Sa akin na nakatingin ang lahat ng kasama ko sa mesa. Pang-apat na baso ko na kasi iyon simula nang maupo kami roon sa reception.
Hindi kasi nila naiintindihan na alak lang ang puwede kong makapiling sa gabing iyon dahil lahat sila, may kasamang dyowa o asawa. Ako lang ang nag-iisa sa table na iyon. Ako lang ang single and lonely. Kung alam ko lang na pupunta ang officemates ko na may dalang kasama, pumunta sana ako roon na karay-karay si Jaja para kahit paano ay may kasama ako at hindi ma-OP sa magkakaparehang ito.
"Baka malasing ka niyan, Zoey," malumanay na sabi sa akin ni Tina na nasa kaliwa ko at katabi ang boyfriend. Halata ang worry sa mukha ng junior accountant.
Nginitian ko si Tina. "Hindi 'yan. Mataas ang alcohol tolerance ko, don't worry."
Actually, sa next ikot ng waiter sa gawi namin, baka manghingi na ako ng isang buong bote. I could not stand this. The wedding alone was distressing. Pagkatapos ay ako lang ang single sa grupo ko. Kung hindi lang baka magtampo si Stella ay baka kanina pa lang sa wedding ceremony nang makita na lahat ng officemates ko ay may partner ay umeskapo na ako. Gusto ko nang bumilis ang oras at matapos na ang gabing ito.
"Last mo na 'yan, ha," bilin sa akin ni Lani na nasa kanan ko. "Alalahanin mo, magda-drive ka pa pauwi."
Right. Magda-drive pa ako pauwi. Nobody would drive me home. Wala akong boyfriend na puwede nilang tawagan kung sakali para ipag-drive ako pauwi. Nobody would look after me if I got drunk tonight. I would die alone and lonely in a car crash if I would not stop drinking. Malungkot na inilapag ko ang baso.
Mukhang nakita ni Lani ang lungkot sa mga mata ko kaya hinawakan niya ako sa braso.
"Are you okay, Zoey? Pero kanina ko pa napansin na parang mababa ang energy mo."
Ngumiti ako. "I'm okay."
"You look sad."
Nahalata siguro ni Lani na ang pag-agos ng mga luha ko kanina habang nakikipagpalitan ng wedding vows si Stella sa groom nito ay hindi dahil masayang-masaya ako for the bride. Hindi naman kami super close friends ni Stella pero parang dinaig ko pa yata ang mother of the bride sa pagluha kanina.
"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa ex mo? Mahal mo pa rin siya?" sympathetic na tanong ni Lani.
Mahal ko pa ba si Wendell? Was I still grieving for him? Actually, it was more like I was grieving for my being alone, not specifically because Wendell was not with me anymore. I was mourning about the fact that I had lived alone for the past seven months.
Tumingin lang ako kay Lani. Mas matanda siya sa akin ng three years. Kasal na siya sa lalaking nasa tabi niya. He was Lani's first and last love. Kaya sa tingin ko, gaya ni Jaja ay hindi niya ako maiintindihan. Hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ko. She had never experienced to be alone.
Tumango lang si Lani na parang nakaunawa na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon sa lugar at oras na iyon. Hinagod niya ang braso ko. "If you need anyone to talk to, you can talk to me about it anytime."
Gusto ko sanang mag-open up kay Lani pero naalala ko iyong isang incident na itsinismis niya sa amin na nagkaroon ng affair ang marketing head sa isang dating empleyado sa department namin. Mabait naman si Lani pero ayoko siyang pagkatiwalaan tungkol sa mga sensitibong bagay dahil baka kumalat na sa buong kompanya ang bitterness ko sa buhay.
Tinanguan at nginitian ko si Lani. "Thanks."
"Cheer up na muna. Maya-maya, ibabato na ni Stella 'yong bouquet niya. Dapat ikaw ang makasalo n'yon, ha."
YOU ARE READING
Status: Single (But Not For Too Long)
ChickLitNOW AVAILABLE! VISIT MY FACEBOOK PAGE HTTPS://FACEBOOK.COM/HEARTYNGRID TO ORDER! A story of a serial monogamist and her journey to finding the one who would break the chain.
