Nakapasok na kami sa isang gate at ipinarada niya ang kotse sa isang garahe.
Pansin ko ang isang garden na may fountain, sa gilid lamang ng kanilang garahe.  'Ni hindi ko namalayan ang pag- ikot ni Garret upang pagbuksan ako ng pinto dahil sa paggala ng aking mga mata.

Malamig na singot ng hangin ang bumungad sa akin. I inhaled, fresh air... dulot ata iyon ng mga halaman mula sa kanilang hardin. Tinutulungan ko si Garret  sa pagkuha ng mga gamit ngunit nang nahagip ko ang tingin ng isang hindi gaanong matandang lalake.

"Ahh, magandang gabi po," sabi ko sabay yuko, nautal pa ako dahil sa kahihiyan. Napatingin sa akin si Garret at palihim na tinuro ko ang lalake.

"Magandang gabi rin iha," nakangiti ito sa akin bago inilipat ang tingin sa kasama ko. "Oh, Garret. Akala ko ba ay maraming kaibigan ang dadalhin mo? Isang magadang dilag pala..." hindi ko alam pero may bahid na panunukso ang tinig niya na mas lalong nakapag- bigay sa akin ng kahihiyan.

"Opo, kuya Anton. Si Margarret po, isa sa nga kaibigan ko. Nasa biyahe pa po ang iba." pinasadahan niya ako muli ng tingin.

I pursed my lips.

"Ahh, ganun ba? sige tulungan na kita riyan..." nauna sa paglalakad ang lalake na tinawag ni Garret na kuya Anton. Dala- dala niya na ang bag ko habang si Garret ang may hawak ng mga pagkaing dinala ko.
Gusto ko nga sanang tumulong ngunit sabi ni kuya Anton ay sila na bahala ni Garret.

Nadaanan lamang namin ang hardin. Hindi pa man nakakapasok ay mukhang moderno ang istilyo ng bahay. Halatang may ibubuga sa buhay. Malaki ang pinto na amin pinasok at mas lalo akong nakaramdam ng hiya.

The house is freaking big! I looked around and it's so neat. Mas maputi pa ata ang sahig kesa sa suot kong sapatos. I don't want to to leave a stain!

Ang eleganteng tingnan ng bahay dahil sa puting kulay ng pintura na pinaghalo ng mga kulay kremang mga gamit. I can feel Garret's starring at me. He's watching my reaction!

"Follow me..." he guided me with the directions. Napunta kami sa kanilang living room at pinaupo niya ako. Hindi ko rin napansin ang pagkawala ni kuya Anton.

Nagpaalam si Garret na ilalagay niya muna ang mga pagkain sa kusina. Pagbalik ay may kasama na siyang dalawang babae. Isang matanda at isa na sa tingin tingin ko'y hindi nagkakalayo sa edad namin. Nahagip ko ang tingin ni Garret kaya napatayo ako para bumati ngunit naunahan niya ako.

"Manang, si Margarret po pala. Isa sa mga kaibigan ko. Nauna na kami, susunod pa ang iba. Shahzarah, si manang..."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihiya ako! magmamano ba ako? where are my friends? 'Di ko na rin magawang punain ang pagtawag niya sa akin sa aking pangalawang pangalan.

Tumungo ako at napatingin kay Garret bago sa matanda. "Magandang gabi po..." I went near her to show some respect, lumayo rin agad pagkatapos kong magmano.

"Magandang gabi rin sayo, iha. Napakagalang mo naman. 'Wag kang mahiya dahil kaibigan ka naman nitong alaga ko..." nakangiti na ito sa akin. I equaled her smile and at the lady beside her.

Nagpaalam na ito dahil may aasikasuhin pa raw. I glanced at the picture frames on the side table.

"That's my parents..." he said, reffering to the pictures.

Kinuha niya ito at umupo sa katabing sofa. I didn't ask more question about his family cause I don't like being asked about mine.

If someone would ask me about my family, I remain silent for a few seconds. I always give myself a time to think kung paano ko sasagotin na hindi sila maaawa.

Little Do We Know || slow updateWhere stories live. Discover now