3

23 2 0
                                    

" Ka Mario, maraming salamat ho sa pagpapatuloy niyo sa akin dito."

"Ay naku! 'ayos lang sa akin Sael. Kung hindi rin dahil sa fishpond niyo ay hindi ko maipapatayo ang aking bahay. Kung dati, ang dingding at sahig namin ay puro kawayan maging ang aming bubong ay tagpi-tagpi noong nabubuhay pa ang aking asawa at hindi pa ako napapadpad sa fishpond niyo, pero ngayon kita mo naman na napaayos ko na. Sayang nga lang at hindi ito naabutan ng aking asawa."

Pababa na ako ng hagdanan nang marinig kong may kausap si Tatay sa sala. At pagdating ko...

" Gising ka na pala anak, kumain ka na ng almusal. Tapos na kaming kumain ni Sael dahil alam kong tanghali ka na gumising." wika ni Tatay sa akin.

"Okay Tay." sagot ko.

I saw Sael looking at me in my peripheral vision but I don't want to look at him too because of what happened yesterday. Agad akong tumalikod upang pumunta sa kusina para kumain at maiwasan ang mga titig niya.

" Nakakahiya talaga. Bakit kasi..." I talked to myself and then I heard a voice.

" Kung may buhay lang ang hotdog malamang nagreklamo na yan dahil sa pinaggagawa mo sa kanya." Napatingin ako sa hotdog na durog-durog na.

" Bakit may hotdog namang may buhay ah." I whispered. Tumawa ang taong nasa harapan ko at napatingin ako dito.

" I mean meron nga. Naughty kid." he said back.

"Paanong...teka nga, why are you talking to me? Are we close?". I glared at him

" 'Coz I have mouth and yes we're close right now." He sat on the chair infront of me.

" If your thinking about yesterday, don't worry." He laughed.

" Pinagtatawanan mo ba ako?."

" Hindi."

Tumayo na ako at inilapag ko na ang pinagkainan ko sa lababo para umalis na sa harapan niya pero natigilan ako nang nagtanong siya sa akin.

" May gagawin ka ba mamaya?. " He asked.

"Why?". I asked too.

" Yes we're not close. But If you're not busy, can you join me?."

" Anong join yan?" nanlalaki ang aking mata na nakatingin sa kanya. Umiling siya at napangisi.

" Sasamahan mo lang akong pumuntang mall ngayon at magpapatulong sa mga bibilhin ko." sagot niya sa akin.

" As in ngayon? Pero... sige na nga. Ipagpaalam mo na lang ako kay Tatay." pagpayag ko agad.

"Magbihis ka na at iintayin kita sa sala." dagdag pa niya. I just shook my head and went to my room to take a bath and get dressed.

" I can't believe na sasamahan ko siya gayong kahapon lang ay hiyang-hiya ako sa kanya."

Nagsuot na lang ako ng black tshirt at leggins. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at hindi na ako naglagay ng kung ano sa aking mukha. Nagsandals na lang din ako at kinuha ang aking sling bag.

Naabutan ko siyang nasa sala at ipinagpapaalam ako kay Tatay. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo para maghanda na upang umalis. Naka-maong pants at plain white tshirt lang siya na pinarteran ng white shoes. Hindi ko na siya pinakatitigan pa at tumingin na lang ako kay Tatay na ngumiti sa akin sign ng kanyang pagpayag.

" Mag-iingat kayong dalawa." saad ni Tatay.

Lumabas na kami ng bahay. Habang naghihintay ng sasakyan, Patingin-tingin si Sael sa kanyang relo. I just want to ask him pero 'wag na lang. Habang nasa byahe, I was silent. I can't talk to him so close like this. Pinagtitinginan din siya ng mga babae sa jeep at may narinig din akong bulungan tungkol sa kanya.

"kyah anakan mo ko." rinig ko na bulong ng babae.

" Ano kayang name niya? Swerte ng katabi niya.Sanaol." wika pa ng isang babae.

" Alam mo Mahal, excited na ako sa date natin ngayon." sabi ko kay Sael na tama lang na marinig ng mga babae. Nagtatakang natapangin si Sael sa aking sinabi at sa magkahawak naming kamay.

"Sayang, taken na. Kala ko kapatid niya lang." I just rolled my eyes. Gusto ko sanang saguting pabalik ang nagsabi non but I'm not an attention seeker.

Nang makababa, naunang maglakad si Sael at tinawag ko siya. " Sael, ambilis mo maglakad." pagrereklamo ko.He look at me in annoyed face. Nang maabutan ko na siya, "Tara na". pagyaya ko sa kanya.

Pumasok na kami ng Mall at agad na pumunta si Sael sa isang Flower shop na sinamahan ko naman.
"Goodmorning Sir! Welcome to Je t'aime Flower Shop. What kind of flowers po ba? para po ba kay Misis, girlfriend or sa kapatid niyo?" sabay tingin sa akin ng babae. Nginitian ko na lang din ito ng paumanhin nang hindi man lang pinansin ang pagtatanong nito sa kanya.

Sinundan ko si Sael na tumitingin sa mga bulaklak. "Sunflower or Rose?" he asked. I just said " I prefer sunflower. A perfect gift to bring joy to someone's day and also unwavering faith and unconditional love."

"Sunflower Miss. And please arrange it." Sael said to the owner.

When we're done, we went to a Silverio's Shop to buy a necklace that I dont know to whom it for. While Sael is busy in choosing pendant of the necklace.
"restroom lang ako." sabi ko sa kanya na tinanguan niya lang .

Habang nakatingin ako sa salamin upang magayos, may dalawang babaeng tumabi sa akin na nagkekwentuhan.

" You know what Zesreel, you are so lucky to Ysmael. He's so nice and handsome."

"I am." The other girl said proudly in her an angelic face and she looked at my reflection in a mirror and then she smiled.

Nang matapos ay binalikan ko na lang si Sael na naghihintay sa akin.
" Buti naman at nandito ka na." he said in a bored face.

" Which one is better?." he showed me a two necklaces with a different pendant. The first one was butterfly and second was heart.

"Sino ba ang pagbibigyan mo? girlfriend?." pagtatanong ko.

" Yes". he answered without hesitant. I felt something different in my heart and I don't know what is it. I can't explain.

" Butterfly." sagot ko. Tumango lang siya at binayaran niya na ang kwintas. Hindi na rin ako nagtanong kung magkano ito at anong meron.

" Okay ka lang ba Leilanie?" pansin niya sa pananahimik ko. This is the first time he called me by my name.

"Oo naman." but deep in my heart, I'm not.

We went inside in an Art Shop. Tiningnan ko si Sael para tanungin sana kung bakit kami nandito pero nakita ko na ang sagot kung bakit. Nakatingin siya sa isang babae na nag-pe-paint na nakatalikod sa amin. Ang mga mata niya na nagpapakita ng saya at pagmamahal. Ang ngiti niya sa labi na ngayon ko lang nakita ng ganito. Dahan-dahan siyang lumapit sa babae at tinawag ito.

"Mahal." The girl was shocked when she saw Sael in front of her, holding a boquet of flowers and a gift-a necklace.

The girl with an angelic face who smiled at me and the reasons why I'm here with Sael. Sael kissed her on cheek and he greeted his girl.

"Happy 3rd Anniversary Zesreel."

"Happy 3rd Anniversarry too Ysmael." she hugged Sael so tight.

" Miss nila ang isa't isa." bulong ko habang ako ay nasa pintuan ng shop na nakatingin sa kanila, tumalikod na lang ako at napagpasyahan ko na umuwi na lang dahil wala na pala akong gagawin dito habang dala-dala ang kakaibang pakiramdam na nagdudulot ng sakit sa aking puso.

Sa aking pagsakay, patuloy na nagpapakita ang imahe nilang magkayakap sa isa't isa na may mga ngiti sa labi at...ang paghawak ko sa kanyang kamay maging ang pagtawag sa kanya kanina ng Mahal ay isang kapangahasan.

"Bagay sila. Bagay na bagay." pagbigkas ko na sinabayan ng paguunahan ng aking luha.

Amidst of Waves and SunsetWhere stories live. Discover now