Chapter 46: Best advisers

Start from the beginning
                                    

I really can't live without them. Kung kailangan ko ng advice, sa kanila ako hihingi pagkatapos nina Mama at Papa.

"Well, well, well. Mukhang nagkakasayahan ata kayo ha. Penny for your toughts?" Yumi.

Umupo sila sa tabi namin na dala-dala yung tray niya kasama yung dalawang alipores niya na si Janice at Annika.

"Why do you care?" Mataray na sabi ni Ivy. Uh oh. I smell trouble.

"Because I don't want to see you happy." Tumingin siya sa akin at nag-smile. A creepy smile. Parang kay chuckie.

"Come on mga jums. My eyes are burning when I see a two-faced bitch with her alipores." Ako. Ng dahil sa babaeng 'to nawalan ako ng ganang kumain. Naiinis na ako.

"What did you say?!" Napatayo si Yumi at sumigaw.

"Alin? Yung two-faced bitch na may kasamang mga timang? Ano'ng meron?" I said innocently. Tumayo din ako para magkalevel kami. Nakakaagaw nanaman kami ng attention ng mga estudyante. Sana walang teacher or faculty staff na makakita sa amin.

"You son of a--" Pinigilan ko yung braso niya at inikot papunta sa likod. Now, she's crying in pain.

"Yumi!"  Nagulat sina Janice at Annika sa sitwasyon ni Yumi.

"I can break this arm if you'll keep on pestering us." Bulong ko sa kanya.

Binitawan ko na yung braso niya kasi parang maiiyak na siya. Walang makakapigil sakin hanggang sa mawalan siya ng kamay. Buti, nakapagtimpi ako. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa akin kapag nabali ko yung kamay niya.

Nakatingin lang sa kanya yung dalawang alipores niya. Ni hindi mahawakan si Yumi. Baka natakot sa nangyari sa kanya.

"See you in class!" Sabi ni Fen sa tatlong higad.

Lumabas kami ng cafereria ng tumatawa. Talagang malapit na siyang umiyak! Hahaha!

Pabalik na kami ng room. Binabagalan lang namin yung lakad kasi nakakabored sa room.

"Yung mukha nila parang nakakita ng multo eh!" Fen.

"Because I don't want to see you happy." Ivy mimiced Yumi. "Pwe! Inggitera siya! Palibhasa napahiya siya last time! Hahaha!" Ivy.

"Parang napasobra ata ako." Sabi ko sa kanila. Tumingin sila sa akin ng seryoso.

"Jums. Wala kang dapat ikakonsensya. Sila yung nauna, hindi tayo." Fen.

"Tsaka, tama lang yung ginawa mo para mapatahimik siya. Para naman magtanda 'yung malandi na 'yun." Ivy.

"Mabuti nga't hindi ko natuloy. Kung hindi, may mangyayaring final destination dito. Kapag hindi ako nakapagtimpi malamang dinala na siya sa hospital." Ako.

"Hey! What happened?"

Lumapit sa amin sina JJ at Chris. Tumabi si Chris kay Ivy. O-kay. Sila na ang sweet.

"Si Yumi. Nang-aasar kasi kanina. Ayun, pinilipit ni Rian yung kamay niya kaya muntik na siyang maiyak kanina." Ivy.

"Ahh. Kaya pala habang dumadaan kami sa hallway puro ikaw noona ang topic." JJ.

 

"Ako?" Puro negative comments na kaya 'yun?

"That you are awesome, cool and a chic!" JJ.

Ilang minuto na lang mag-iistart na yung Home Economics namin. Ilang beses ko nang tinatawagan si Lance pero hindi siya sumasagot!

Sabi niya hahabol siya eh! Kaian? Kapag tapos na?

Nandito kami sa isang facility na kung saan parang nasa MasterChef ka. Nakahanda na sa table namin yung ingredients para sa Apple Pie. Yung partner ko na lang yung wala.

Hindi na pumasok si Yumi malandi tsaka yung mga alipores niya. Kawawa naman.

Si Ivy ka-partner si Nico. Gusto nga ni Chris na kapartner si Ivy pero hindi pwedeng makipagpalit. Tsaka ayaw din ni Ivy. Mangungulit lang daw si Chris.

Si Fen ka-partner si George. Nagbibigay ng instructions si George kay Fen. Tagahalo nga lang siguro siya.

Ako, heto hinihintay yung kapartner ko. Lahat nakaprepare na. Siya na lang yung kulang.

Tulad ng nasa puso ko, siya na lang yung kulang. Chos! Wahaha!

Ano na ba'ng nangyayari sakin? Pumipick-up ako ng wala sa oras! Dala siguro 'to ng walang magawa.

Hayy naku Rian! Alam mo namang bawal eh tapos pinapairal mo puso mo? Priorities muna!

Bumalik ako sa pag-oobserve. Si JJ naglilibot. Iniwan ba naman yung partner niya! Tinatanong kung ano yung mga lulutuin ng mga kaklase namin. Excited na excited -___-

Tiningnan ko si Chris. Nagsasalita yung ka-partner niya na si Rishel pero hindi siya nakikinig. Nakatingin lang siya kay Ivy. Poor Rishel.

Ano ba 'yan! Inobserve ko na lahat ng mga kaklase ko wala pa.din siya! Ano'ng gusto niya? Pati yung butiki sa kisame bibilangin ko?

Lumabas ako ng classroom at tinawagan si Lance.

Arggh hindi niya sinasagot!!!

Sighs. Well, ano pa nga ba ang magagawa ko. Lagi namang delay ang flights. Pero, anong oras kaya yun nag-arrive? Hindi sinabi sa akin. Matanong nga kay JJ--

Pumasok na yung H.E teacher namin na si Ms. Trinidad. Mag-iistart na yung cook-off!

Itinago ko na yung phone ko at pumasok sa loob. I can do this. I. Can. Do. This!

"Guys, are you ready to cook?" Ms. Trinidad.

"Yes Ma'am!" We said in chorus.

"Bakit maraming kulang? Nasaan sina Yumi tsaka Janice and Annika? Are they trying to cut my class again? Humahabol pa naman ng valedictorian si Yumi!" Ms. Trinidad.

Well, yes. She's running for the valedictorian. Same as me. Pang-third ako sa ranking last year due to training sa agency. Mas binigyan ko ng pansin yun kesa sa pag-aaral ko. Rank 2 siya last year while the rank 1 left this school. Nagmigrate sila sa Italy. Kaya nadethrone siya. Si Yumi yung rank 1 while I'm rank 2.

"Oh well. How about Lance?" Ms. Trinidad. Lahat sila nakatingin sa akin. Hayy. Ako ang partner eh. Kung makatingin naman yung mga classmates ko parang nagkasala ako ._.

"Ms., hahabol daw po siya." Sabi ko.

"Okay. What about Micko?"

"Sumama daw po yung pakiramdam niya. Paki-excuse na lang po siya Ms." Sabi nung kapartner niya.

"Okay, then. Let's start the cook-off!"

One and a half hour. Yun ang time limit namin.

Sinuot ko na yung apron at naghugas ng kamay.

I started to peel the apples fast! Pinagpapawisan na ako sa paggawa pero tuloy pa din yung paggawa para sa filling ng apple pie.

Naku baka kulangin ako ng oras sa baking time! I really need some help TT.TT

Hindi na bale, gagamitin ko yung powers ko na multi-tasking. Aja!

Habang hinahalo ko yung filling, may biglang pumasok. Parang nag-grand entrance dahil masyadong nakakabigla ang nagbukas.

"Sorry, Ms. Trinidad. I'm late."

Tumingin ako sa nagsalita. Oh. my.


Two Different Worlds (2DW)Where stories live. Discover now