Chapter 12

1.9K 53 0
                                    

Rome's P.O.V

'Pamamanhikan? Uso pa pala 'yun.'

Nandito ako ngayon sa Bernales Residence together with my parents. Nakaupo kami sa sala kaharap ang parents ni Jello. Wala kasi dito sa Maynila ang parents ni Gail paparating palang sila. Kaya iyong tito at tita niya ang humarap muna sa amin. Seryoso at walang imik lang akong nakatingin sa mga magulang ni Jello.

"Ehem."

Nabaling ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki. Kung hindi mo siya pakatititigan ay hindi mo mahahalata na may edad na ito. Matangkad at malaki ang katawan nito. Napalunok ako. Nakakatakot naman kasi ang awra ng lalaking kakarating lamang. Mukhang kakainin niya ako ng buhay.

Pinagpawisan ako ng malamig. Akala mo ay isa akong highschool student na nagpapaalam na manligaw sa anak na dalaga ng isang sundalo. Well, hindi  panliligaw ang ipinunta ko rito. Hihingin ko ang kamay ng babaeng nasa tabi ko.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Gail nang mapadako ang paningin ng nakakatakot na lalaki sa akin.

Sa tangkad kong six inches at well built body ko ay nagmumukha akong musmos na walang kalaban laban sa lalaking ito.

"Lolo." Tawag pansin ni Gail. Lolo? Lolo niya ito? Akala ko pa naman tatay niya. Hindi kasi halata ang edad nito.

"Lo, hiwag niyo naman pong takutin si Rome. Tignan niyo pinagpapawisan na oh." Biro ni Gail. Half truth. Natakot talaga ako.

Sumilay ang isang tipid na ngiti sa labi ng matandang lalaki.

"I'm Romeo Alegre, sir. This is my wife Louisa and my son Rome Louis. It's so nice meeting one of the most  powerful general noong kapanahunan ninyo."

"Well, it's nice meeting you too, Mr. and Mrs. Alegre."

"Nice to meet you, sir." Bati ko sa lolo ni Gail.

"Call me lolo Carding. Besides, you'll be part of this family soon." Ismid na sabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil tanggap niya ako bilang mapapangasawa ni Gail o matatakot dahil sa pananalita niya.

"Pa, stop it. Alam kong nagseselos ka dahil mag-aasawa na itong paborito mong anak na babae pero huwag mo namang takutin itong si Rome. Mamaya umatras yan bigla." Biro naman ng kakarating lang na sa palagay ko ay ama ni Gail. Kamukha kasi niya ito.

"Nagtatampo lang naman kasi ako dito sa apo kong ito. Akala ko ba apo, ako ang paborito mong lolo? Bakit nilihim mo sa akin na may kasintahan ka na pala?"

Bigla ay parang bata ito na inaagawan ng candy.

"Ahm.. Ano kasi.. Lo, biglaan kasi. Basta mahabang kwento."

"Hindi sa minamasama ko ang relasyon ni anak at Rome. Pero biglaan nga itong naging desisyon niyong dalawa. Ilan taon na ba kayong magkasintahan?"

Nagkatinginan kami ni Gail. Alam na namin na mangyayari ito kaya alam na namin ang mga dapat isagot sa ganitong sitwasyon.

"6 months." "3 months."

Sabay naming dalawa. Nagtaka ako. Diba sabi ko dapat 6 months na dapat ang relasyon namin. Bakit iba ang isinagot ni Gail.

"Teka, ano ba talaga?" Litong tanong ng tita ni Gail.

- - --

Short Update.

Busy lang po. :)

My Substitute BrideWhere stories live. Discover now