Chapter 10

1.9K 60 0
                                    

A/N: Dahil wala kaming pasok here's an update for you.

- - -

Rome's P.O.V

"Baka hindi ko mapigilan sarili ko." I murmured before leaving the room.

Shit. Maliit pa naman yung sofa. Paano ko pagkakasyahin ang sarili ko nito.

Humiga na ko at hindi talaga ako kasya pero kaialangan dahil kung kasama ko sa iisang kwarto si Gael.. Argghhh.. Kailangan ko nang itulog to.

- - - -

Maaga akong gumising dahil siguradong magtataka sila mama kapag nalaman nilang dito ako natulog sa sala.

*Ding Dong*

Huh? Wala naman akong inaasahang bisita. Kahit tinatamad pa kong bumangon ay nilabanan ko na dahil baka importante ang pakay ng kung sino man ang nasa labas.

Pagbukas ko.

'Shit!

si Jello'

Kunot ang noo nya at mukhang galit?

"Oh, pre ang aga mo ah." Bati ko sa kanya.

"Nasaan si Bi?" Tanung nya pagpasok nya sa unit ko.

"Ah, nasa --" Bago ko pa man masagot ang tanung nya. Lumabas na si Gael sa kwarto ko. Bakit ang ganda nya kahit bagong gising?

Te..teka, mukhang hindi din sya nakatulog ng maayos.

"Kuya Jello?" Nagtatakang tanong nya. Lahit sino naman magtataka eh. Alas sais ng umaga may bibisita sayo more like susundo siguro kay Gael

"Tsk. Kung hindi ka makakauwi ng gabi dapat nagpasundo ka nalang sakin." Naiinis nyang pagalit kay Gael

"S..sorry, Kuya."

"Sya sige. Mag-ayos ka na at nag-aalala sayo sila Mama. Kahit nagsabi ka pa kagabi na hindi ka makakauwi, hindi pa din sila mapalagay dahil wala naman silang kakilalang kaibigan mo dito." Mahabang lintaya nya.

"At ikaw, Rome." Baling nya sakin.

"Bakit?" Talang tanong ko. Bigla syang ngumisi sakin sabay sabing...

"Good luck sa pamamanhikan mamaya."

"Teka, Kuya. Don't tell me na.."

"Eh sa nadulas ako kaya nasabi ko na sa boyfriend mo ikaw makikitulog dahil dumating yung family nya which is totoo naman diba?" So, nasabi na pala nya. Pero okay lang at least hindi sila magugulat kung bigla nalang kaming ikasal.

"Bakit mo sinabi?!"

"Eh.. Ikaw ba naman gisingin ng madaling araw para lang hanapin ka kaya ayun. Sa bwisit ko nasabi ko sa kanila."

"Nakakainis ka, Kuya!"

"Oh, Anong nangyayari dito?"

"Good Morning po." Bati ni Gael kay mama. Nginitian naman sya ni mama sabay baling kay Jello.

"Nandito ka pala hijo. Kamusta ka na. Nako mas lalo kang gumwapo ah. Kamusta ka na? Atsaka ang aga mo. namang bwisitahin itong si Rome. Hahaha" Jello is my bestfriend kaya kilala sya nila mama.

"Okay lang naman po ako, Tita. Hindi ko po binibwisita itong anak nyo na mas gwapo pa ko. Sinusundo ko lang itong pinsan ko dahil nag-aalala na sila mama sa kanya." sagot nya kay mama.

"Sus. Mas gwapo ka? San mo naman napulot yan? Mas gwapo ako sayo kahit ilang paligo pa gawin mo." Ganting asar ko sa kanya. Mas gwapo tss in his dream.

"Pinsan mo pala itong si Gael? Kaya pala ang gandang dalaga eh." Biglang singit ni papa sa usapan. Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Gael sa pagpuri sa kanya. Ang cute lang eh.

Pagbaling ko ng tingin kay Jello ay tila naestatwa ito sa isang tabi. Napadako ang tingin ko sa titnignan nya. Now I know. Si Rhian ang kapatid kong mahal pa din nitong mokong na to.

My Substitute BrideWhere stories live. Discover now