Chapter 11

1.9K 51 2
                                    

Jello's P.O.V.

'Shit! Nandito pala si Rhian. Umuwi din pala sya. Ang ganda pa din niya pero alam ko namang hanggang little bro lang ang tingin niya sa akin. ANG UNFAIR! Kung ipinanganak lang sana ko ng mas maaga ng tatlong taon edi sana kami ang kasal ngayon.'

"Oh? Hi, Jello! How are you? Tagal natin na hindi nagkita ah."

"I'm fine, Rhian." I said in my coldest tone. Nagmomove on na nga ako sa kanya eh.

"Nah uh! How many times do I have to tell you that you should call me Ate Rhian."

"3 years lang naman eh." I reason out.

"But still I'm older than you.. bleh." She said habang dumidila dila pa. Tsk. Ayan ba ang dapat tawagin kong ate? Ang cute lang. Shit! Kabadingan ko na naman.

Binaling ko ang tingin ko sa pinsan kong si Gail.

"Tara na, Gail. Baka kung ano-ano na ang isipin ng mga tao sa bahay."

"Saglit lang, little bro. Matagal tayong di nagkita tapos aalis ka na agad? Hindi mo man lang pag-almusalin itong future sister-in-law ko."

"Next time nalang, Rhian. I mean Ate Rhian." Makakapagmove on din ako sa iyo. Sana...

"Hatid ko na kayo, pre." Offer samin ni Rome while tapping my shoulder. Alam kong nakaramdam na si Rome. Bwiset na lalaki to. Di man lang ako ininform. Badtrip!

Nasa elevator kami pababa ng condo ni Rome at ni Bi. Nagulat ako nung nagtanong sya bigla.

"Basag pa rin ba, pre?" Napangiti nalang ako ng mapait. Alam nyang matagal ko nang mahal ang ate nya.

"Hindi ko na alam, pre. Masakit pa din eh kahit matagal na."

Matagal na rin nya kong sinabihan na walang mararating tong nararamdaman ko. Dahil may mahal ng iba yung ate nya which is yung napangasawa rin nya.

"Wow ah! OP ako. Ano yang pinagsasasabi nyong basag na? Anong meron? Bakit anong masakit sayo, Kuya Jello?" Napatingin kami kay Bi.

Umiling nalang ako sa tanong nya while Rome tap her head.

"Pre, kelan kayo mamamanhikan?"

"Mamamanhikan?" Takang tanong ni Bi. Kahit alam kong matalino tong pinsan ko pero ewan ko ba dito. Hahaha mukhang hindi pa din nakakaramdam.

"Mamaya, pre."

"Sige, sasabihan ko nalang sila Lola."

Ikakasal na ang pinsan ko at mukhang magiging masaya na sya. Ako kaya kelan dadating yung para sakin?

Ang bading ko na naman shet!

_ _ _ _ _
Jello on the side.

My Substitute BrideWhere stories live. Discover now