Chapter 16

4.5K 131 50
                                    


ROME'S P.O.V

"You may now kiss the bride." Sabi ng pari. Napalunok ako ng tumingin ako kay Gael.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang belo niya nang may sumigaw.

"LET ME GO! STOP THIS WEDDING"

Nagtinginan ang mga tao sa babaeng pikit na pinipigilan ng organizers at ng mga security.

Halos mamutla ang buo kong pagkatao ng makilala kung sino ang babaeng yun. Ganun din ang naging reaction ni Jello.

Si Kendra.

"What the hell are you doing, Miss?!"

Rhian hissed at Kendra.

"Sino ka para pigilan ang kasal ng anak ko."

"Oh, you must be Rome's mom. By the way, I'm Kendra. The real girlfriend and fianceè ni Rome."

Hindi ko na napigilang hindi magsalita.

"Kendra! What the hell are you doing?"

"What I am doing? Pinaglalaban kita sa mang-aagaw na yan! You just propose to me tapos malalaman ko nalang na kinasal ka na sa babaeng God knows where the hell you get her." Sabay turo niya kay Gael.

"Ano? Gael? What is this mess?" Tanong ng mama ni Jello.

Nakita kong pinapauna na ng mga organizers ang mga bisita sa reception. Ang iba sa kanila parang naiiling na ewan. Yung iba naman gusto pang makiusyoso. Mabuti nalang at kakaunti lang ang bisita na inimbitahan namin.

"Miss Kendra, nagkakamali ka ata ng bintang mo sa apo ko. Hindi namin siya pinalaki bilang mang-aagaw." Tiim bagang sabi ni Lolo Carding.

Sila mom at dad tahimik na nakikinig lang.

"Totoo naman eh. Niyaya na akong pakasalan ni Rome. And this girl ruined it. Bakit hindi niyo tanungin si Rome kung ano ang totoo?"

Nabaling ang atensyon ng lahat sa akin. Hindi ako makapagsalita.

"She's right. She's Rome's girlfriend before me." Sagot ni Gael na siyang ikinabigla ng lahat. I looked at her in disbelief. Walang emosyon man lang ang nakikita sa mukhan niya.

PAK!

Malakas na pagsampal ng mama niya sa kaniya.

"Wala akong anak na mang-aagaw! Hindi kita pinalaki ng ganyan! Marami namang lalaki dyan. Bakit kailangan mo pang mang-agaw?!" Sabi ng mama niya habang inaawat naman ito ng kanyang papa.

Yumuko lang si Gael.

"I'm sorry." Yun lang ang lumabas sa bibig ni Gael.

"Hindi ako inagaw ni Gael kahit kanino man."

"Rome, what the hell are you. Ako ang girlfriend mo at hanggang ngayon ako pa rin."

"Talaga? Bigla kang nawala, Ken. Tapos sinira mo pa ang kasal ko!" Galit kong sambit.

"It's just that natakot ako. Nawala ako dahil pumunta ako sa kaibigan ko para hingin ang advice niya." Paliwanag ni Ken sa akin.

Sumulyap ako kay Gael na umiiyak na sa ngayon habang inaalo ni Jello.

"It's not a big deal kung inagaw man ni Gael ang anak ko o hindi dahil kasal na sila, miss. Besides, I like Gael for my son and not you." sabi ni mom.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Substitute BrideWhere stories live. Discover now