Chapter 20

157 8 2
                                    


Gabi ng Miyerkules, kalakasan pa rin ng ulan. Matapos ang pag-amin niya sa kaibigan sa tunay niyang nararamdaman. Naging mas klaro na sa kanya lahat. Hindi lang sa dahil namimiss niya si Charles, pero totoong pagmamahal na siguro -- para sa kaibigan niyang lalaki na may pusong babae -- ang nagdala sa mga ni Jarmcel sa harapan ni Gabriella, ang babaeng kasalukuyan niyang nililigawan.

"Gabriella, sorry."

"Hindi ko alam Jarmcel, pero kahit nasasaktan ako sa katotohanang pinili mo ako kaysa sa kanya. Masaya rin ako." Nahikbing pagsasalita ng babae sa harap ni Jarmcel. Para bang sinasabayan ng kalungkutan niya ang kanina pang pag-iyak ng langit. "Masaya rin ako kasi kahit mahirap, nagawa mong sabihin sakin kung anong totoong rason. Salamat at naging totoo ka sakin. Salamat rin sa lakas ng loob mo para maging totoo ka sa sarili mo."

Biglang niyakap ng mahigpit ni Gabriella ang basang-basang katawan ni Jarmcel. Halos mababad ang binata sa tubig ulan na sinipsip ng suot niyang mga damit.

"Salamat, Gab. Salamat talaga." Hindi na rin niya napigil ang kanina pang naiipon na luha na dulot sa lungkot sa loob niya.

Kahit narinig na ni Jarmcel ang pagsuko ni Charles, batid niya na hindi rin naman mapapagaan ng panliligaw ang sakit na nadarama niya. Matatag ang paninindigan niya na tama ang desisyon niya.

Matapos ng gabing naligo siya sa ulanan, dalawang araw siyang nilagnat. Para sa kanya, parusa yun ng katangahan niya. Katangahan na pinabayaan niya ang taong mahal pala niya.

"Oh! Iho, napalampas ka ba sa babaan mo?" Tanong ng drayber ng bus na sinakyan ni Charles mula sa Kapitolyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oh! Iho, napalampas ka ba sa babaan mo?" Tanong ng drayber ng bus na sinakyan ni Charles mula sa Kapitolyo. Hindi kasi bumaba sa bus stop niya ang lalaki.

"Ah, eh. Hindi ho. May pupuntahan lang po ako."

"Ahh. Ganun ba. Sige, mag-ingat ka ha." Nagpaalam na rin siya rito at humakbang sa bus stop ng kaibigan niya. Kina Jarmcel.

Tinahak niya ng mag-isa ang kahabaan ng kalye. Tanging mga ilaw sa poste ang nagpapaliwanag sa daan niya. Sa bawat hakbang niya, kasabay nito ang kaba sa puso ng binata sa nalalapit nilang pagkikita ulit magkaibigan.

"Hala. Ito na ba yun?" Tanging malabong memorya ng huling pagbisita niya sa bahay ni Jarmcel ang bitbit niya. Hindi siya sigurado kung tama ba talaga ang bahay na tinumbok ng paglalakad niya. "Bahala na!"

Pipindutin na ni Charles ang doorbell sa gate na sa kanyang palagay ay kina Jarmcel nga talaga, nang biglang ..

"Charles?"

Nagitla siya sa boses ng lalaki sa likod niya. Napalingon siya sa pinagmulan nito at nabigla dahil nakatayo pala rito ang lalaki rason ng pagsadya niya sa lugar na yun. "J-jarmcel? Nandyan ka pala."

Halatang nagulat din siya sa biglaang pagpunta ng kaibigan niya sa bahay nila. "B-bakit ka nandito?"

"Um. Bibisita sana ako, may sakit ka raw kasi. Kamusta ka na, kaibigan?" Nakangiting bati ni Charles, kahit hindi ito makatingin ng diretso sa mga mga ng binatang nasa harap niya.

Crush LifeWhere stories live. Discover now