Chapter 3

85 8 1
                                    

"Guys, listen!" The 2nd year representative had something to discuss sa room. Pumasok yung mga tambay sa may corridor at lahat ay all ears na sa kanya.

"We really need volunteers para sa pagse-setup ng booth natin for tomorrow's event." She said na 'volunteer' pero isa-isa na siyang nagturo.

Isa sa mga natamaan ng hintuturo si Charles. Tinuro niya rin ang sarili niya na parang nagtatanong ng, 'Pati ako?'

"Oo, ikaw Charles. Magvolunteer ka rin." Ganun nga natapos patas na pagpili sa limang 'boluntaryong' mga estudyante na mag-stay ng hapon para sa pagsesetup ng booth ng section nila. Makakasama rin nila ang ibang officers ng kanilang Department.

"Crush, bakit ka nandito?" Usyoso ni Charles sa dalawang lalaking nakaupo sa mahabang table, sa harap ng room na gagamitan nila for the booth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Crush, bakit ka nandito?" Usyoso ni Charles sa dalawang lalaking nakaupo sa mahabang table, sa harap ng room na gagamitan nila for the booth.

Tumingin at tumaas ng sabay ang dalawang kilay ni Jarmcel. Binigyan lang siya nito ng simpleng ngiti, habang may nginunguyang bubble gum at lumingon na ulit sa hallway.

Ang mismong sumagot sa tanong ni Charles ay yung isang lalaki, si Michael. "May hinihintay kasi kaming dalawa."

"Sino naman Crush?" Narinig niya ng maayos ang sagot ni Michael pero bumaling pa rin ang sunod na tanong kay Jarmcel.

"Ano ba naman Charles." Sumingit ulit sa usapan ang lalaki sa pagitan ng dalawa. "Just this afternoon. Wag mo siyang tawaging 'Crush'. Ha. Ha!"

"Bakit naman?"

"Basta, wag muna." Pamimilit ni Michael kay Charles.

"Bakit nga kasi?"

Sa pagkakataong 'to, si Jarmcel na ang sumagot. "Basta, wag muna Brad." Nakangiting sambit niya.

Lubos pa rin na nagtataka si Charles sa mismong rason kung bakit, pero hindi naman sinabi ng dalawang lalaki sa harapan niya.

Nang biglang ..

"Ayan na! Ayan na siya!" Tapik-tapik ni Michael sa braso si Jarmcel habang mula sa malayo, papalapit ang dalawang babae.

Si Eunice, yung 2nd Yr Representative na nagtataglay ng ibang kapangyarihan sa kanyang hintuturo na kayang magpasunod sa lahat. At si Gabriella, 1st year Representative -- matangkad, balingkinitan, at may korte talaga ang dibdib-baywang-at-balakang.

"Pare, sabi ko sayo. Mas maganda pag malapitan eh." Hindi naubos ang magagandang salita ni Michael sa likod ng tenga ni Jarmcel. Ang binata naman ay halos matulala nang naglalakad papalapit sa pinto ng room ang dalawang dilag.

Kahit si Charles ay napatigil hanggang narating na nila ang tapat ng room.

"Okay na ba?" Inayos ni Eunice ang kanyang malapad at makapal na salamin at inisa-isa niyang daanan ng kanyang titig ang tatlong lalaki.

"Naglilinis nalang kami." Sumagot si Michael habang may pag-akbay pa kay Jarmcel.

"Eunice, pakilala mo naman tropa ko sa kasama mo." Tinulak bahagya ni Michael palabas sa edge ng table ang binatang kanina pang di maalis ang kakaibang ngiti.

Crush LifeWhere stories live. Discover now