Chapter 1

231 6 0
                                    


"Uy Jarmcel! Kumain ka na? Eto oh, Sinukmani." Hawak-hawak ng dalawang kamay ni Charles yung kakanin habang nakatingin sa isa pang estudyanteng lalaki na katabi niya sa bus. Pero hindi siya pinansin nito.

"Alam kong paborito mo yan .." Marahan na lang niyang ipinatong sa bag ng lalaki ang mainit-init pang kakanin.

".. SinukMANI. Hahahaha." Mahinang tumawa si Charles habang hinuhugot yung pink niyang jacket sa loob ng bag niya.

Kasabay naman nito, dinampot ng lalaki ang pagkain at inilagay sa upuan, sa espasyong pagitan nilang dalawa. Tapos sinipat nito ng maigi gamit ang matalim nitong tingin ang taong nagbigay sa kanya.

"Pare, sabi ko sayo tigilan mo na ako." Hindi pa rin inalis nito ang nanlilisik na mata kay Charles, seryoso siya. "Please lang. Hindi tayo talo."

"HAHAHAHAHAHAHA!" Humagalpak sa pagtawa si Charles. Yung pagiging seryoso at matalim na tingin nung lalaking kausap niya, parang hindi man lang niya binigyan ng pansin.

Nabalot ng pagtataka ang mukha ni Jarmcel kasi alam naman niyang walang nakakatawa sa sinabi niya.

"Seryoso ako." Dagdag niya pero parang hindi naman siya narinig nito.

Halos mangiyak-ngiyak naman si Charles hanggang sa humupa na rin tuluyan sa pagtawa. Habang si Jarmcel naman ay nakatitig sa kanya na mababakas pa rin ang pagkairita.

"Jarmcel Marcelo, pasensya na pero gusto talaga kita." Pinahid ng binata ang mamasa-masa niyang mata habang nakangiti at nakatingin sa crush niya.

"Tss. Badtrip sa'yo eh." Binaling na lamang niya ang mukha sa kaliwa, sa bintana. Mas pinili nalang niyang manahimik kaysa makipagtalo sa lalaki sa kanan niya.

Ganito halos palagi ang sitwasyon ng dalawang lalaking ito papasok at at pauwi ng unibersidad, sa loob ng tatlong magkakasunod araw sa loob ng isang linggo.

Tuwing Miyerkules nagsisimula ang pinakaaayaw na pasok ni Jarmcel. At Biyernes naman nagtatapos ang masasayang araw ni Charles. Pareho sila ng kurso, magkaklase, iisang section kaso magkaibang grupo. Katulad niyang barako ang mga Tropa ni Jarmcel, puro babae naman ang barkadang kinabibilangan ni Charles.

Tumatagal ng 30 minutes ang byahe papunta sa Kapitolyo, yun ang destinasyon ng dalawang estudyanteng ito. Yun kasi ang lokasyon ng pinakamalapit na kolehiyo sa bayan nila.

Malakas pa rin ang ulan sa umagang yun ng Hulyo. May bagyo raw na inaasahang maglalandfall mamayang gabi, at maaaring magdulot ng matinding pag-ulan sa magdamag hanggang sa kinabukasan.

"Jarmcel, may payong ka?" Tanong ni Charles, nakaready na yung kanya para pagbaba ng bus bubuksan nalang niya.

Hindi pa rin siya kinibo ng binata.

Oras na ng pagbaba, kaya tumayo na agad si Charles sa upuan at sinakbit na sa harap ang bag niya. Tumayo na rin naman yung isa.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Crush LifeWhere stories live. Discover now