01

107 16 2
                                    

HANNAH'S POV:

Malamig na gabi, August 2, 1903

Halos mabitawan ko ang suklay na hawak ko sa gulat ng may kumatok sa mula pinto.

bandang 7 na ng gabi habang nakaupo't nakaharap ako sa salamin at sinusuklay ang dulo ng buhok.

Pumasok agad sa isip ko na si Mama yung kumakataok kaya't agad na Inilapag ko muna yung suklay sa mesa saka tumayo para pag buksan.

Pag bukas ko ng pinto, isang bagong muka ang bumungad sakin,

Sino ito? maputi ang balat nya, kulot ang itim nyang buhok, matangos ang ilong at may pekas sa pisngi.

Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, saka napansin na hawak nya ang isang puting sobre sa kanan nitong kamay, sabay abot sakin

"Wait? Sino ka? Bago kalang ba dito sa bahay? Hindi ka kase familiar sakin"

"Bagong kasambahay lang po ako dito miss Hannah, Mula pa ho ako sa Norway, mabuti nga po at nakahanap agad ako ng trabaho dito sa bansa niyo" nakangiti nyang kuwento sakin

Medyo madaldal din pala sya ahh mabuti na din siguro yon kahit papaano ay hindi ako maiilang kausapin sya kesa naman sa mga matatanda naming kasama dito sa bahay.

Masyado kase silang pormal sa akin, alam kong utos yon ni mama sa kanila at siguro dahil nga sa ako ang tagapagmana ng pamilya namin.

"Norway? Paano ka nakapunta dito saka muka ka pang bata para mag trabaho" tanong ko sa kanya.

Napangiti lang sya sakin at umiling

"Miss Hannah normal na po kase saming nasa laylayan na mag trabaho sa batang edad, ang iba pa nga po ay mas bata pa sa akin kaya siguro normal na po sa akin ang gawaing ito" kwento nya habang nakangiti.

Hindi ko alam bakit nya nakukuhang ngumiti sa ganung sitwasyon, ang bata nya pa sa ganitong trabaho wala ba syang magulang?

"Maaga po kasing pumanaw ang tatay ko samantalang ang nanay ko naman po ay iniwan kami at sumama sa ibang lalaki, kaya napilitan po akong huminto na sa pag aaral at mag hanap ng trabaho, para may maipakain sa tatlo ko pang mga kapatid"

Nagulat ako sa sinabi nyang iyon, hindi kase bakas sa muka nya na may binubuhay na syang kapatid.

"Ah sige na po, baka hinahanap na po ako sa kusina, mag babalat pa po kase ako ng Patatas"

Gusto ko pa sana makipag usap sa kanya pero mukang kailangan nya ng bumaba.

Nginitian ko na lang sya at kinawayan bago umalis.

"Bye!" Sabay sara ng pinto.

Agad ko namang binuksan yung sobreng dumating pagkatapos, wala naman kase akong inaasahan na susulat sakin liban kay carl.

binubuksan ko ang sobre habang mabagal na lumalakad papunta sa mesa saka umupo dito.

Nakauwi na ako galing France
Sayang at hindi mo ako
Sinalubong, Masaya akong
Magkikita tayo bukas Hannah.
-Carl Romillson

Si Carl ay anak ng isang mayamang heneral, ipinanganak siya sa france para itago sa mga masasamang loob na nag babanta sa pamilya nila.

Ng ipanganak kami ay ipinag kasundo na agad kami ng mga magulang namin, kadalasang ginagawa ito para maging iisa ang kayamanan ng isang angkan.

Ako lang kasi ang nag iisang anak ni Gabby Miller na hinahanda para sa susunod na tagapag mana ng ari-arian ni Holson Maluel Miller.

siya ang lolo ko kay papa, meron syang dalawang anak, na sina Gabby Hewitt Miller at Jackson Hewitt Miller.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Royal SinWhere stories live. Discover now