"You."

Ramdam ni Meredith nang lumaktaw ang pintig ng kanyang puso. Maging ang sikmura niya ay tila biglang pinamugaran ng mga paruparo. Gusto niyang ipaulit ang sinabi nito. But knowing him, dapat pa ba niyang ipagtaka iyon.

"How many nights? One, two... or a week?"

"How about a lifetime?"

Napaawang ang mga labi niya at hindi kaagad nakasagot. Sa lahat ng lalaking nakilala ay ito lamang ang may kakayahang pablangkuhin ang utak niya at paghagilapin siya ng salita.

"Marry me."

"And if I refuse?"

He shrugged his shoulders in a very casual manner. At hayun na naman ang singkit nitong mga mata na kayhirap basahin.

"Then consider this conversation never happened," balewalang tugon nito.

Nag-isang linya ang mga labi niya sa sagot nito. Kunsabagay dapat pa ba niya iyong ikagulat? Once upon a time she called him a monster, a man without scruples. At sa halip na pasinungalingan ang sinabi niya ay lalo lamang nitong pinatunayang hindi siya nagkakamali. She got married at the age of eighteen. But on her wedding night, instead of her husband she spent it on his bed, in his arms for three fucking nights. Paano iyong nangyari? Ipinadukot lang naman siya ng walanghiya.

"Should I leave you to your musings?" tanong nito na tila handa ng umalis.

"Puwede bang bigyan mo muna ako ng panahong mag-isip?" tanong niya saka wala sa loob na nahipo ang suot na wedding ring. It was force of habit. Nakasanayan na niyang gawin iyon sa tuwing nag-iisip nang malalim.

Sa kanyang pagtataka naman ay tila namamagneto itong sumunod ang tingin sa kanyang ginagawa. At sa isang saglit ay parang may nasilip siyang emosyon sa mga mata nitong singkit. Was it annoyance?

"Fine. I'll give you twenty-four hours."

"Are you fucking kidding me?"

"My time is very precious, Attorney. So it's either yes... or no. Take it or leave it, my terms."

"Buwisit ka talagang hinayupak ka," hindi napigilang ratsada ng bibig ni Meredith. 

Kung puwede lang lamukusin ang mga labi nitong bahagyang nakatikwas ang isang sulok ay ginawa na niya. He has the upper hand, he always does. With an IQ level of 165 he's always one step ahead of her. Baka nga kung nagtuloy ito sa pag-a-abogasya wala man lang siyang binatbat dito. Mamaniin lang nito ang pagkakabisa ng mga legal terms. Mahusay rin ito sa analyzation at pagbasa sa karakter ng kausap kaya maging sa pakikipag-argumento ay tiyak na lagi itong panalo. Plus, he has that overwhelming charisma that when he talks people listen.

"Your twenty-four hours start now."

"You really are a monster."

"And monsters think alike, always remember that, Meredith. If you want to beat a colony of monster you should have one on your side."

Alam niyang tama ito. But she wouldn't admit it to his face. Madadagdagan lamang ang yabang nito. Or more like arrogance. Na kayang-kaya namang back-up-an ng utak na meron ito.

"I'm sure you still remember my personal number," wika nito na tumayo na.

"Limot ko na," pagsisinungaling niya.

Bahagyang kumiling ang ulo nito kasabay ang pagtaas ng isang sulok ng bibig. Umiwas siya ng tingin nang mag-somersault ang tinamaan ng magaling niyang puso. Peste. Kaya ayaw niyang nasa paligid lamang ito, eh. Namimiligro ang malusog niyang puso.

"If I don't hear anything from you after twenty-four hours I'll consider our deal off."

"Oh, fuck you."

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuWhere stories live. Discover now