Never Enough

5.8K 382 57
                                    

Chapter Thirty-Three

"UGH," natutop ni Vengeance ang ulo nang gumuhit ang sakit. Sumalubong pa sa kanya ang liwanag mula sa bukas na bintana kaya mabilis siyang dumapa at halos ibaon ang ulo sa unan. Parang may nagaganap na rally sa loob ng kanyang bungo. "Damn it."

"Bumangon ka na. Take a cold shower, and eat this simple breakfast I prepared for you bago ka uminom ng gamot."

Natigilan si Vengeance. Boses iyon ni Meredith. Pero bakit parang hindi?

Am I hallucinating? he asked himself.

"Vengeance, it's almost lunch. Brunch na itong inihanda ko."

She cooked? hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa sarili. I'm really having a bad hangover. I'm hallucinating. Damn, hindi na ako iinom ng alak.

"Vengeance, baka malipasan ka na ng gutom."

She even sound worried, he thought. Looks like this isn't a bad hangover, after all.

He wouldn't mind having a bad hangover kung magiging ganoon ito ka-caring. She's not the sweet type of a woman. Considering all the bad things he did to her in the past, he can't blame her. At ang marinig itong banayad at tila masuyo ang pagsasalita ay isa talagang malaking surpresa. He remained in his position to savor that moment. Bihira lang mangyari ang sandaling iyon na sweet at maalaga ito sa kanya. At least maramdaman niya naman na may asawa na talaga siya.

Pak!

"Aw!" napaigtad siya nang lumagapak ang kanyang puwetan. "What the...?"

Pag-angat niya ng ulo ay ang mukha ng galit na si Meredith ang nakita niya. Now, that's what he called reality. Tapos na ang ilusyon niya.

"Get up and take a shower. Malilipasan ka na ng gutom. Ano'ng oras na?"

He stared at his annoyed wife stupidly.

"V!"

"Uh, okay. Babangon na," he sighed in disappointment pagkaupo sa gilid ng kama.

Tutop ng isang kamay ang ulo ay naglakad siya patungo sa banyo. Nakakailang hakbang na siya nang mapansing wala siya ni isang pirasong saplot sa katawan. Niyuko niya ang sarili. Tulog pa rin ang kanyang magiting na sundalo. Mukha itong pagod. Mag-iisip pa sana siya kung kanino at saan ito napagod nang ilang malalabong eksena ang biglang nagsalimbayan sa kanyang alaala. Bits and pieces of what transpired the  previous night came flashing back like a scene from a porn flick.

Awang ang bibig na nilingon niya si Meredith. He caught her staring at his butt. What's on his butt?

When she looked up and found him staring at her quizzically she schooled her features.

"Move it. The food is getting cold," she said in a very strict voice.

He was dumbfounded. He looked at his sleeping member then back to his wife who's carrying a breakfast tray. He doesn't know what to make of that morning. Weird, unexpected, or simply wonderful. He decided to settle on the latter. With a smug smile on his lips, he went inside the bathroom and took a long, cold bath. It's been a while since he felt that good. Medyo parang gumaan na rin ang pakiramdam niya. He felt refresh when he came out from the bathroom wearing a robe. Kinukuskos niya ng tuwalya ang basang buhok nang lumapit kay Meredith na nagsasalin ng kape sa dalawang tasa.

"Tama ba 'yong narinig kong sinabi mo kanina?" tanong niya nang maupo sa upuang katapat nito.

Tumaas ang dalawang kilay nito.

"You cooked?"

"Pagpiprito lang naman 'yan, very basic."

"And the chao fan rice?"

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon