Perfect

4.3K 395 44
                                    

Chapter Nineteen

SA sumunod na tatlumpung minuto ay itinuro ni Vengeance ang basic foot works na nabanggit nito kay Meredith. Her lower body felt sore. Ang muscle niya sa magkabilang binti at mga hita ay parang literal ng inaapuyan sa labis na exertion.  Ngunit ga-putok mang reklamo ay walang narinig si Vengeance mula sa kanya. She's determined to learn what she needed to learn so she could defend herself without depending on anyone. The best person that she could rely on is herself. Hindi ang proteksyon ninuman o ni Vengeance.

Naalala niya iyong gabi na muntikan na siyang mahalay ng tatlong lalaki. Walang nagawa ang pagtakbo niya para matakasan ang mga ito. Marahil kung noon pa man ay may kakayahan na siyang ipagtanggol ang sarili ay hindi siya takot na tatakbo at sa halip ay matapang niyang haharapin ang mga ito.

"Oops, I got you," maagap siyang hinawakan ni Vengeance sa balikat at bewang nang muntikan na siyang matumba. "Let's take a break. Masama namang biglain natin ang training mo."

Iginiya siya nitong paupo sa single seater. She was almost staggering. She's sweating bullets from her face, down to her neck, back, and chest. She could hear her blood pumping along with the rapid beating of her heart.

"Your shirt is soaked. I have a spare shirt that you can borrow. Wala naman akong body odor kaya sigurado akong hindi ka magkaka-BO."

"Okay," iyon na lang ang naisagot niya. Naniniwala naman siya na wala itong body odor. Ang fresh nga lagi ng amoy nito, parang laging bagong paligo kahit pawisan. 

Pero siyempre ay hindi niya iyon masasabi rito. Isipin pa nito ay crush niya ito. She took several deep breaths para manumbalik sa normal ang kanyang paghinga. Si Vengeance ay nagpaalam saglit sa kanya at pumasok sa isang silid doon. 

Nang ilahad niya ang magkabilang kamay sa kanyang harapan ay nangangatal ang mga iyon.

"Jeez." Nasa unang araw pa lamang siya. Paano pa kaya niya kakayanin ang mga susunod?

"Don't put much thought about the next training session, just take it one day at a time. Motivate yourself and focus," ani Vengeance.

Inabutan siya nito ng inumin at bimpo. Mabilis niyang ininom ang tubig. Talo pa niya ang maghapong naglakad sa disyerto.

"Drink slowly," paalala ni Vengeance.

Muntik na nga siyang masamid. Dinahan-dahan niya ang pag-inom hanggang sa pakiramdam niya ay unti-unting kumalat ang lamig sa buo niyang sistema. Nakaramdam siya nang bahagyang ginhawa. Pinunasan niya ang pawis sa mukha at leeg.

"Here," isang puting kamiseta ang ibinigay sa kanya ni Vengeance. "You can change in there."

He crooked his thumb behind him, pointing at the door where he came from earlier. Tumango lang naman siya.

"I want to teach you more of the basic fight moves, like blocking and striking. But I figured we need to work on your stamina and flexibility first. Dahil tulad n'yan, wala pa tayong kalahating araw sa training session ay hingal na hingal ka na."

"I'm not physically fit like you kasi," irap niya rito. 

Palibhasa ay suki ito ng pakikipagrambulan kaya batak ang pangangatawan sa anumang physical activity. Hindi nga lang ito bulky na tulad ni Rocky na literal yatang bato-bato ang pangangatawan. But then Vengeance has a nice physique na bumagay lang naman sa hitsura nito.

"That's why you're here. We'll do it every weekend. It would have been nice if you can join me every day for my morning jog so your body could easily adapt to more strenuous physical activity. Once you do it on regular basis hindi ka na maninibago. It will train your mind, too, to stay alert."

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon