Drunk

4.6K 344 42
                                    

Chapter Thirty-One

PRESENT day.

Naalimpungatan si Meredith nang marinig ang pagdating ng isang sasakyan. Dali-dali siyang bumangon mula sa sofa. Doon na siya nakatulog habang hinihintay ang asawang basta na lamang nag-walk out. Pero bago pa man siya nakarating sa pinto para tingnan kung sino ang dumating ay pumasok doon ang susuray-suray na si Vengeance habang alalay ng dalawang lalaki. At pareho niyang kilala ang mga ito. Sina Torment and Ominous.

"Good evening," magalang na bungad ni Torment.

"Good evening din sa inyo."

"He's drunk," ani Ominous. "We decided to bring him home at baka kung mapaano pa sa daan. Ang lakas pa naman ng ulan kanina."

"Thank you. I was actually beginning to worry, hindi niya sinasagot ang mga messages ko. This way," itinuro niya ang hagdan paakyat sa second floor kung nasaan ang kanilang silid.

Kaagad na sumunod ang dalawa habang nakasuporta kay Vengeance. Tig-isang braso ang mga ito. Mabuti na lamang at higit na mas matangkad at malaki ang pangangatawan ng dalawang lalaki. Kahit halos buhatin na ng mga ito ang asawa niya ay walang problema. Mabilis na inayos ni Meredith ang kama kung saan niya ipinalapag ang tila nakatulog na sa kalasingan na si Vengeance. He grunted when his back hit the bed. 

Awtomatikong lumapit si Meredith para hubaran ito ng sapatos. Bahagya namang dumistansya sina Ominous at Torment para mabigyan siya ng espasyo.

"Kumain na ba kayo? Magpapahanda ako ng pagkain," bahagya niyang nilingon ang dalawa sa pagitan ng pagtatanggal ng sapatos ng asawa.

"It's okay, Attorney," sagot ni Ominous. "We just ate. Isinabay na namin sa pulutan ang kanin."

"By the way, congratulations," sabi ni Torment.

Natigilan siya. Saka lamang niya naisip na wala ni isa man sa mga kaibigan ni Vengeance ang present sa araw ng kanilang kasal.

Tipid siyang ngumiti at tumango. "Salamat."

"Please, take good care of our brother," saad ni Ominous. "We may not be connected by blood but we treat each other like family."

"We're going now," tinapik ni Torment sa balikat ang kasama.

Sasamahan pa sana ni Meredith ang mga ito hanggang sa pinto nang biglang hawakan ni Vengeance ang kamay niya.

"Don't go."

She heard the two men tsked. They were both wearing an amused expression on their faces.

"He's so whipped," komento ni Ominous.

"Don't mind us. We'll see ourselves out," wika ni Torment.

"Okay. Mag-iingat kayo, mukhang pumapatak na naman ang ulan."

Iyon lang at lumabas na ng silid ang dalawa.

Binalingan ni Meredith ang nakapikit na asawa. Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Inabot niya iyon para sana tanggalin dahil ikukuha niya ito ng pamunas. Ngunit humigpit lang lalo ang pagkakahawak nito. Napilitan siyang maupo sa tabi nito.

"Ikukuha kita ng pamunas at bihisan," masuyong wika niya rito.

She had never seen him this drunk.

"Am I dreaming?" tanong nito kasabay ang marahang pagmumulat ng mga mata. Malamlam ang mga iyon na tumutok sa kanya.

Hinila siya nitong palapit. Kamuntikan na siyang mapasubsob sa dibdib nito kung hindi niya naitukod ang isang kamay sa kama.

"V."

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon