"Key po yan sa basement nong house na tinirhan natin dada. Doon namin nilipat ni kuya iyong mga vase at jars. Yong mga gold bars po, nilagay nmin sa suitcase na nilagyan ni dada ng toys po. Tapos iyong mga jewelry nilagay namin sa toolbox ni daddy."

"You what?!"

Ngumise lang sa amin ang dalawa.

"Don't worry, dada. Na-read namin sa diary niya na atin daw po yong treasure. Dapat hindi po yon gamitin sa bad. Kaya, dada, let's donate, okay? Tapos magpakain ulit tayo sa street children. Saka kilala mo yong mga friends ko malapit sa school po? Gamitin natin yong mga treasure po para makapag-school sila. Daddy, may nabasa rin ako yong may sakit po sila yong cancer po. I want to help them rin po. Mas marami na tayong money, daddy, dada. Mas marami na tayong mahe-help."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jonas sa sinabi ng anak namin. Ma-luho ang batang 'to but more than his wants and likes nangunguna pa rin sa puso niya ang kagustuhang makatulong sa kapwa.

Proud akong napalaki ko silang ganito. Proud akong magulang ng dalawang batang 'to.

"UWAAAHHH!!!"

At ng tatlo pa palang mga bulinggit...

---

"Ano ba naman 'yan, Jonas! Wag mo kong minamadali ha. Kung umuwi ka sana dito at tinulungan ako edi sana nandiyan na kami ng mga anak mo. Huwag mo kong matawag-tawagan at naiinis ako sayo." Ang sermon ko dito sa kabilang linya bago ko pinatay ang cellphone ko.

Nahihiya na ako dito sa mama niya at kay tito Christian na kanina pa ako tinutulungang palitan ang damit ng lima. Hindi ko alam kung anong magiging ganap ko kung hindi pa nila ako ni-rescue dito.

Ngayong araw daw kasi kami lilipat sa bahay na ipinatayo ni Jonas malapit sa mansion nila. Ipinagawa niya daw 'yon n'ong nawala kami. Wala akong alam sa bahay na 'yon. Kahapon niya lang din 'yon sinabi sa akin.

Five months ago binisita kami ng buong pamilya ni Jonas. Na-meet ko na rin ang mga asawa ng mga kapatid niya. Nagulat nga ako ng makitang carrier rin ang asawa ni Axel. Kay Nathaniel lang kasi ang alam ko.

"Oh my god! Bakit?!" Napatingin kaming lahat sa pintuan.

Nakita ko doon ang bihis na bihis na Austine. Hapit na hapit sa kanyang katawan ang suot na suit. Kasama niya si Roan at si Kirby na may bitbit na box. Katulad niya ay bihis na bihis rin ang dalawa.

Anong klaseng housewarming ba ang tradisyon ng mga Juariz at ganito sila kabihis?

"Bakit? May problema ba?" Ang nag-aalala kong tanong. Napatingin ako kay mama at tito Christian pero nagkibit balikat lang silang dalawa.

"Bakit ang haggard mo, te?" Ang tanong niya nang makalapit sa amin.

Isang pagod na ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya bago ko ipinagpatuloy ang paglilinis sa anak kong hindi mapirmi sa kanyang kinahihigaan.

Nagmano muna si Kirby kina mama at tito bago ito lumapit sa akin at nagmano.

"Tito, ako na po dito." Aniya bago inagaw sa akin ang diaper ni Devan.

"Ay naku, wag na. Baka madumihan iyang suit mo." Ang nag-aalala kong sabu dito. Ang gwapo pa naman nito sa suot na itim na suit.

Umiling ito, "Okay lang po ako. Sige na po."

Hindi na ako nakapalag dahil sinimulan na niyang linisan si Devan na agad pumirmi. Tuwing bumibisita itong si Kirby sa amin, hindi talaga ako nahihirapan sa tatlo. Sumusunod kasi sa kanya.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon