"Namiss na kita eh, hindi ko na kaya"

Hinampas ko siya, napalakas ata kaya ininda niya ito.

"Ouch, it hurts"

"Hala, saan? Sorry" tinuro niya doon mismo sa braso niyang hinampas ko.

Hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko. "Dito rin" nilagay niya iyon sa bandang dibdib niya.

"Manahimik kana nga! Darating na sila maya-maya" inalis kona ang suot kong dress. Tinutukoy ko doon ay ang mga kaibigan namin.

Hindi niya na nakitang suot ko dahil inalis na zipper nang dumating siya.

"Nandito na pala ang mga susuotin ninyo"

Iniabot ko ang black suit. Kinuha naman niya iyon.

Nagulat ako nang may mga pumasok na mga tao sa bahay, hindi namin sila kilala pero may MGA dala silang pagkain.

"Happy 3rd Monthsary, honey" iniabot niya sa akin ang mga bulaklak. May dala pa itong cake.

"Akala ko ba naman nakalimutan mo!"

Akala ko kasi nung tumawag siya sasabihin na niya, pero iba ang pinagusapan namin eh.

Dumating na rin sina Iza para kunin ang mga damit nila. Sinabi ko nga na ako nalang ang maghahatid pero pinilit nila akong sila nalang raw ang pupunta dahil miss na nila ang bonding namin.

Umupo kami sa mahaba naming sofa para magkwentuhan saglit.

"Hay nako, anong ganap sa third monthsary ninyo?" tanong ni Alja kina Iza.

"Secret!"

"Buti pa si Vaughn, manlilibre" pagpaparinig ni Gab.

"Gago, nag-date kasi kami. Tanungin niyo man si Lori" turo sa akin ni Caleb.

Ako kasi ang nag-ayos ng supresa niya kay Iza sobrang effort nga niya eh.

"Kayo? Ano na ang balak ninyo? Ligawan mo na" pamimilit ni Iza kay Gab.

"Iza naman" suway ni Alja.

"Hindi naman namin kayo minamadali, ang samin lang naman ay baka kapag na-realize niyo na mahal niyo na pala ang isa't-isa, huli na" sayang naman kasi ang pagkakataon nila. Marami pa man ding lalaki itong si Alja.

Tumango si Vaughn. "May point ka dun" sagot niya, nasa harapan ko kasi siya.

"Kain na tayo?" inabutan kami ng pinggan ni Gab. Parang iniiwas niya ang usapan doon.

"Ah sige, gutom na rin ako" alam ko naman ang pakiramdam nang awkward moment.

Kakain na sana ako nang bigla akong tinawag ni Papa.

"Mauna na kayo"

Nagpatulong lang pala sa pagpili nang bulaklak dahil si Mama hindi makapagdesisyon.

Sandali lang naman iyon kaya nang makabalik ako kumakain na sila, katabi ko si Iza. Siya naghanda nang pagkain ko. Nasa harap ko si Vaughn dahil sa tuwing kumakain kami nang ganito, gusto nang mga kaibigan ko na magkakatabi kami.

Habang nagkukwentuhan sa harap nang hapag-kainan, napasulyap ako kay Vaughn..

Kinindatan ba naman ako ng loko. Kaya ako eto inirapan siya.

"May pumasok ba sa mata mo, bro?" tanong sa kanya ni Caleb kaya naman tinawanan ko siya.

"Meron akong eyedrops dito" tugon naman ni Alja. Malabo kasi ang mata nito.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now