"Hoy Caleb! Eh kung libutin kita" biro ni Alja, kaya naman nagpalit na sila ng upuan.

Nasa likuran namin ang mga lalaki, sila ang gumagabay. Dahil magaling ang nagtuturo sa akin, kami ang naunang nakarating sa dulo.

Sumunod si Alja, si Iza kasi natatakot siyang mahulog.

"Kami naman" ani ni Gab.

Nagpalit na kami nang pwesto. Nakakapit ako sa bandang likod nitong jet-ski boat.

Nang bilisan ni Vaughn, napakapit na talaga ako sakanya, shit! Ang tigas.

"Honey, you're teasing me" napagtanto kong hindi abs ang nahawakan ko, kundi...

Inalis ko ang kamay ko para hampasin siya. "Bakit mo naman kasi binilisan!"

"Damn, talo na tayo. Hinawakan mo kasi eh"

Ako pa sinisi! "Hindi ko naman sadya eh! Sorry" namumula kong sabi.

Sobrang nag-iinit ang pisngi ko, ramdam na ramdam ko.

"Look, you're blushing" I didn't know that he took a photo of me.

"YOU'RE SO ANNOYING!" inalalayan niya akong bumaba doon.

Nanalo sina Gab at Alja, nahulog kasi sina Iza sa sobrang bilis. Tawang-tawa ako nang makita iyon kaya akala nila namumula ako sa katatawa.

Lumipas ang ilang minuto, nag-isip kami nang gagawin. Naisip ko na wala na naman akong dalaw kaya maari na akong...

"Magbabad nalang tayo" pag-aya ko.

Pagkasabi ko nun ay tumayo na si Iza at Alja.

"Hindi kaya bumaba yang bra mo?" Caleb said, frustratedly. Tori Bandeau Bikini top ang suot ni Iza, a bandeau is a strapless top that goes straight across. This one has a circular insert that's super cute!

"Ikaw naman, baka maalis yan tali?"

"Ang sungit naman po" biro ko.

"Magpalit ka kaya? Baka maalis yan eh"

I'm wearing a simple Hot pink textured tie-front top. I realized that instead of tying your bikini behind your neck and at your back, these ones do it in the front for an easy on-and-off situation!

"AYOS lang kaya, diba Ma?" tinanong ko si Mama, kaso walang balak sumagot eh.

"Kayo nang bahala diyan. Kami ay hihiwalay muna sa inyo" Papa kissed my cheeks and forehead, so as Mama.

"Gab, baka gusto mong pagbawalan si Alja?" tila nang-aasar na tugon ni Iza nang makaalis na si Mama at Papa.

Wala si Kuya Herron, may ginagawa kasi siya sa loob ng room namin. May tinatapos siyang report.

"Nadamay nanaman ako!" pagdadabog niya.

She's wearing a knotted front swim crop top. It's not that revealing. Pero nakikita kong masama ang tingin ni Gab dito. Naaamoy ko talagang may tinatagong pagtingin si Gab eh.

Inirapan ko nalang si Vaughn saka umalis sa harapan niya. Narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ako humarap.

Wala naman kasing masama sa suot ko eh, puro nalang bawal sa kanya!

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now