CHAPTER 18- In Another Life, I Would Be Your Girl

355 9 2
                                    

To: Xeus

5:04 PM
Change of place. Villarde hotel. 7:00 pm
[Sent.]

Wala sa sariling napaiyak nanaman si Jennica. Nahihirapan na sya sa totoo lang. Hindi nya na alam kung ano ang tama sa mali.

Matapos nilang mag usap kahapon ni Hivanna ay nagpakalunod sya sa alak buong gabi pagkatapos ay umiyak sya magdamag. Namamaga pa rin ang mga mata ni Jennica pero heto sya at umiiyak nanaman.


Ibinuntog nya ang sarili sa bathtub. Ayaw tumigil ng pag tulo ng luha nya galing sa mga mata nya. Para na syang masisiraan ng bait.


'This is really the end right?'


"This is really the end." sabi nya at inilubog ang ulo sa bathtub.



Pagkatapos nyang maligo ay tumulo ulit ang luha nya habang nagbibihis sya.


Siguro ay inuubos nya na ang iiiyak nya kung sakaling dito na ang katapusan.

Bawat pag daan ng suklay sa umaalon nyang buhok ay ganon rin ang patak ng luha ni Jennica. Bilib sya sa mata nya dahil hindi nya alam kung saan pa ito kumukuha ng iluluha.


Pinadaan nya ang pulang lipstick sa magaganda nyang labi. She wants to make it perfect. Miski ang maglalagay ng make up nya ay sinigurado nyang maganda sya.


Habang tinitignan nya ang sarili nya sa salamin. Nakita nyang nagbabadya nanamang tumulo ang luha nya.

She smiled at her reflection while her tears are rushing down to her cheeks. Like a fvcking Crazy.

Pinunasan nya ang luha nya sa pisngi nya at saka inayos ang nasirang make up. Wishing na hindi na sya ulit umiyak para hindi na nya ulit ulitin pa ang paglalagay nito.



"After this...magiging masaya ka na" sabi ni Jennica habang isinasara ang zipper sa tagiliran ng black dress nya.

Then she suddenly remembered what happened in their first Anniversary ni Xeus.

"Happy first anniversary babe!! This is for you!"



Isinuot ni Jennica sa leeg nya ang regalo ni Xeus noong first anniversary nila nung highschool sila. It was a silver necklace with a little infinity sign-shaped pendant.

'Always and forever'

Hinawakan nya ang pendant at saka nya hinalikan iyon.

Noon pa man ay nakita nya na ang sarili nyang kinakasal sa isang Xeusprim Angelo Acosta. She dreamt to be the Mrs. Acosta, his wife.


Sobrang dami na nilang pangarap at plano. Kada taon na mag kasama sila ay libo-libong plano ang nabubuo sa isipan nila.


Grow old together.




Get married.




Magkaroon ng dalawang anak. Isang lalaki at isang babae.




Makapag pagawa ng sariling bahay.





The Art of Letting Him Go |✔︎Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz