CHAPTER 4- Hivanna

307 9 2
                                    

"I, Xeusprim Angelo.... take you, Jennica, to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do as part."


Napaluha nako ng marinig ko ang wedding vow nya. This moment is breathtaking.


"I, Jennica.... take you, Xeusprim Angelo, to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do as—-" natigil ang pagsasalita ko ng biglang may sumigaw.


"Jennica! Xeus is already married!!!" I heard Phoebe's voice.


"Xeus...He's Married!!!"

















Napaupo ako sa kama ko. Ghad! what was that?!

A fvcking dream?!


Hanggang sa pagtulog ko ba naman ay binabagabag parin ako ng pagpapakasal ni Xeus?! I can't believe it!


Ininom ko ang isang baso ng tubig sa table sa tabi ng kama ko. Jennica! You already moved on, bakit mo pa iniisip yon?


Tumayo ako at kinuha ang towel ko. Ililigo ko nalang toh, I need wash up my thoughts.



Nang matapos ako maligo ay nagbihis narin ako. I was wearing over-sized black shirt and a dolphin shorts. Wala naman kasi akong balak puntahan ngayon.



Bukas na ang Debut party ni Selena kaya halos lahat ng tao rito ay busy. Si mom and dad ay wala pagkababa ko. Si Selena naman ay sinusukat daw yung gown nya sa boutique na pinagawan nila.


Maraming mga tauhan dito sabahay. Dito nalang kasi naisipan nila na ganapin ang party. Then after the party ay deretso na kami sa isang room namin dito sa bahay na tinatawag naming mini bar. Kompleto don lahat kaya hindi na kami nag aksaya pang mag arkila ng isang buong bar.



Pumunta agad ako sa kusina para kumain ng breakfast. Nag insist ako na  ako na magluluto ng breakfast ko pero sabi ni yaya Linda ay meron naraw na nakahanda kaya yun nalang rin ang kinain ko.



"Ya, where's mom and dad?"



"Ah kakaalis lang nila sinusundo nila yung cake na pinagawa nila para sa birthday ni Selena" sagot naman ni Yaya linda. Tumango nalang ako.




Wala naman akong lakad ngayon at saka wala rin akong gagawin. Lahat ng tao dito ay busy maliban sakin.




Nang matapos ako kumain ay bumalik ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa nightstand at saka tinignan kung may bago.



Ulap Alcantara (7)

Anais Scott (2)

The Art of Letting Him Go |✔︎Where stories live. Discover now