CHAPTER 5- The Special Guest

292 10 0
                                    

Napatingin ako sa orasan. Mag f-five pa lang ay sobrang dami na ng tao sa baba.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Kasalukuyan akong inaayusan ng mga hair&make up artist na naka toka sakin. Sabi ko kila Mom ay kaya ko na ayusan ang sarili ko pero mom insists.

"Ang ganda nyo po pala sa personal Ma'am Jennica"

Nginitian ko yung babaeng nag aayos ng buhok ko.

"Nako wag moko masyadong bolahin sis, hindi ako yung may birthday" pabiro kong sabi kaya nagtawanan naman sila.

Nagkwentuhan pa kami saglit tapos biglang pumasok si Mom sa room ko.



"Honey, The party will start at 7 o'clock. Bumaba k—OH God! You're so pretty my darling!" dali-daling lumapit saakin si mom.



Napatawa naman ako. Naglabas si mom ng phone nya then she take a lot of pictures of me. Feeling ko tuloy dalawa kaming may birthday ni Selena eh.


Six o'clock ay natapos na akong ayusan kaya sinuot ko na rin ang Night gown na binili ko. It really fits me perfectly! The slits are so damn daring and the top part shows my toned collarbone, Showing right amount of cleavage. I partnered it with a 6 inched red high heels. My hair are freely bouncing. Hanggang bewang ko iyon na kanina ay kinulot. Kinabitan rin nila ako ng set ng fakenails kanina and it was so gorgeous.


Bago ako bumaba at mag entertain ng bisita ay dinaanan ko muna si Selena sa kwarto nya. She's stunning tonight! I can't believe na dalaga na talaga si Selena. Dati ay binubuhat buhat ko lang sya eh.


Doon ko rin nalaman na si Daven pala ang kinuhang escort nya. Daven is our cousin na kasing tanda lang naman ni Selena. They've been so close since bata pa sila kaya sya nalang rin ang kinuhang escort ni Selena dahil wala pa naman daw syang boyfriend.



Bumaba ako sa isa pang hagdan dito sa bahay dahil ayoko dumaan sa grand staircase kung saan dadaan si Selena mamaya. Bawat dadaan kasi doon ay pinagtutuunan lahat ng pansin.


Malapit narin namang mag 7 o'clock kaya sobrang dami nang mga personalities ang nagsisidatingan. They all looks formal and elegant.


"Oh My Gosh! Guys it's Jennica! the Cum Laude in our batch!"


Kinikilala ko pa lamang ang boses na nagsalita ng lapitan na nila ako. It was my batch mates I remembered. It was Claire, Daniel, John and Axcel. Naging ka close ko sila non dahil naging magb-blockmates kami.


Pero why are they invited? inilibot ko ang buong paningin ko sa party. Karamihan ng mga kabatch ko ay nandito at lahat sila ay halos pamilyar.


"Oh Hii! Thanks for coming to my sister's debut" nakangiti kong sabi sa kanila after namin mag beso beso then mag bro hug.


Medyo maingay narin ang party dahil nagsimula nang magpatugtog ang nag ooperate ng systems at DJ sa party.


" Syempre! I heard all of our batch mates nga e invited! Oh you really looks stunning tonightt!! Andaming nagbago sayo ahh!!" sigaw ni Claire. Naka red matte dress naman sya at saka naka ponytail ang long and straight hair nya. Medyo hindi na kami magkaintindihan dahil medyo malakas ang background music kaya nginitian ko nalang sila at sinabihan ko na mag enjoy sila sa party. Nag paalam muna ako saglit ng mamataan ng mga mata ko si Phoebe. May naka akbay sa kanyang lalaki. Oh? It's her asshole husband?


Nang makalapit ako ay nakipag beso beso agad ako kay Phoebe.


"A-Ahm Jennica this is my h-husband, Aaron. Aaron this is my bestfriend since college, Jennica" pakilala ni Phoebe sa asawa nya.


The Art of Letting Him Go |✔︎Where stories live. Discover now