CHAPTER 13- Happy Birthday

Start from the beginning
                                    

"What gift?" parang bata na tanong ni Cloud. Kuminang ang mata nito at saka inilahad ang dalawang kamay.






Tinuro ni Jennica ang black LV handbag nya na nasa kama. Agad naman itong pinuntahan ni Cloud at saka binuksan.





Kumunot ang noo ni Cloud ng makita ang photo album na blue at may ribbon na white.





"Jennicloud Memorylane..." basa ni Cloud saka hinila ang ribbon para mabuksan ang album.





Nakakadalawa pa lang na pahina ang nabubuklat ni Cloud at agad nya na itong sinara at tumingin sa direksyon ni Jennica.






"You didn't like it?" kinakabahang tanong ni Jennica.




Nagulat si Jennica ng tumakbo papalapit sa kanya si Cloud at hinila sya para sa isang mahigpit na yakap.




"Thank you Jennica....I love it" bulong ni Cloud kay Jennica habang nakayakap.




"Bakit di mo tinignan lahat?" tanong naman ni Jennica.







"Eh mamaya nalang pag ako nalang mag isa..." sabi ni Cloud then humiwalay sya ng yakap.








Mas nanlaki ang mata ni Jennica ng mabilis na lumapat ang labi ni Cloud sa labi nya. It was a quick real kiss!





Pagkatapos non ay mabilis na lumabas si Cloud sa kwarto nya yakap yakap ang Photo album.





Hindi naman agad na process ni Jennica ang nangyari.





They kissed!!! Sya! at si Cloud!





Ewan nya pero biglang may naramdaman syang kumikiliti sa puso nya. it was so unfamiliar feeling!

Huminga sya ng malalim saka malakas na ibinuga ang hangin galing sa bibig. Nararamdaman nyang nag iinit ang pisngi at tenga nga.

"Arggg!!! Kasalanan mo toh Ulappp!!!" inis nyang sabi.

Padabog nyang kinuha ang bag nya sa kama at saka mabilis na nilisan ang kwarto ni Cloud.






Kakadating pa lang ni Xeus at Hivanna sa bahay nila Cloud ay napansin nilang madami na agad na bisitang dumating.

Nakasuot lang ng simpleng white strapless dress si Hivanna at may suot suot syang black na coat. Nakalugay ang hanggang balikat at brown nyang buhok. Naka white heels rin sya. She's wearing a light make up. Sabi naman ni Cloud ay anything will do daw.

Tumatakbong lumapit si Cloud sa mag asawa. Hingal na hingal ito at naghahabol ng hininga.

"Buti nakarating kayo...salamat sa pag punta" nakangiting sabi ni Cloud.

"Thank you rin sa pag invite!! Happy birthday nga pala!" sabi naman ni Hivanna. Siniko nya ang kalapit nya na hindi nagsasalita

"Hubby batiin mo naman si Cloud" bulong ni Hivanna.

"Happy birthday" simpleng sabi ni Xeus.

The Art of Letting Him Go |✔︎Where stories live. Discover now