CHAPTER 1- Letting Him Go

En başından başla
                                    

"Aray hahaha! bawal ba akong ngumiti babe??" natatawang sabi nya.



"Tch! Ang gwapo gwapo mo kasi pag ngumingiti ka! kaya wag kang gumiti dahil pangit ka sa paningin ko" biro ko sa kanya.



"Edi inamin mo rin na ang gwapo ko, babe naman, walong taon mo nang nakikita tong mukhang toh gwapong gwapo ka parin sakin e noh?" Nakangiti nyang sabi habang nagdadrive. "Wag kang mag alala makikita mo na ang mukhang toh araw araw pag ka gising mo sa umaga at bago ka matulog sa gabi" mahinang sabi nya. hindi ko gaanong narinig kaya inirapan ko nalang sya at hindi nako nagsalita pa.





Maya maya ay tumigil kami sa isang lugar na parang garden. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan habang naglalakad. Nakakita ako ng isang Gazebo at mayroon iyong mga disenyo na pang candlelight dinner. Agad akong napatingin kay Xeus.




"Did you like it?" He asked me. "Balak ko sanang dito ka na ideretso kanina pero nagulat ako sinama mo pala si Phoebe. Buti na nga lang at nagkaemergency at nasolo kita tonight" sobra ang ngiti nya ngayon. Napangiti narin ako. Lagi nya tong ginagawa sa loob ng walong taon. He always surprise me with this kind of date. Minsan bigla bigla nalang syang magbibigay ng kung ano ano sakin like human-sized teddy bear.




"This is for me?" Dimakapaniwalang tanong ko. Tinanguan nya naman ako kaya I gave him a warm hug. Humiwalay kami sa isat isa at saka ako binigyan ng halik sa noo.




"This is why I like surprising you, you know? I always get a warm tight hug from you" nakangiti nyang sabi tapos pinisil ang noo ko. "Let's go na" hinawakan nya ang kamay ko at pumunta kami dun sa table sa loob ng gazebo.




Inilibot ko ang paningin ko. This is not Xeus normally do when he surprises me. This is new. The place is so good for proposing and for celebrations.




The candles and flowers are everywhere. Roses petals are on the ground. Fairy lights giving light on to the gazebo. Sa tapat ng Gazebo ay may infinity pool kung saan may ilaw ito sa ilalim na kulay pula.



This place is so romantic.





"Nakakainis ka" napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo nya at naka facepalm. Napakunot naman ako ng noo.



"What? Why?" tanong ko.



"Kanina ka pa tingin ng tingin sa paligid! Gusto ko ako lang ang tignan mo! bakit tumitingin ka pa sa iba e nasa harap mo na ako hmm! nakakatampo" muntik ko nang mabatukan itong si Xeus dahil sa kaartehan nya. Gago pala sya eh malamang titignan at titignan ko talaga ang nasa paligid namin dahil mukhang pinag effortan talaga ang lugar.



"Gago ka ba? Ang ganda ganda ng lugar na'to panong hindi ko titignan! wag ka na ngang maarte dyan! ikaw naman ang may pakulo neto e" sumbat ko naman.




"Oo na sige na tch sana pala sinimplehan ko nalang yung pagpapaayos" napanamot sya sa ulo nya at ginulo ang buhok nya.




Tumayo ako at saka inabot ang ulo nya para ayusin ang buhok nya. Napakagwapo nya ngayon dahil naka cooperate attire sya dahil kakagaling nya lang sa trabaho.



Nang maayos ko na ang buhok nya ay bumalik na rin ako agad sa upuan ko sa harap nya. Pagkatapos naming kumain ay tumayo kami para pumunta sa railings para makita ang napakagandang view.





The Art of Letting Him Go |✔︎Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin