54

2.7K 81 72
                                    

Jema

"Je. Je. Wakey wakey" nararamdaman ko ang pag-uyog ni Deanna. Biglang sakit ng leeg ko.

"Je. Gising na. Kakain na." mahinang sabi ni Deanna. Minulat ko ang mata ko, madilim pa.

"Deanns. Madilim pa. Mamaya na lang tayo kumain." pagmamaktol ko pa.

"Je. Di pa tayo nagdidinner"

Ano raw? Dinner?

Bigla kong minulat ang mata ko at nakitang nasa asoteya pa ako. Tinitigan ko si Deanna. Naka-apron pa siya. Tinitignan niya ako ng may pagtataka.

"Okay ka lang ba Je?" mahinang tanong niya. Luminga-linga pa ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang alas nuebe pa lang ng gabi.

Tinignan ko rin ang bowl na ginamit ko sa pagkain ng kokokrunch pero wala na sa lamesa.

"Yung pinagkainan ko?" yun agad ang tanong ko.

"Niligpit ko na. Kanina ka pa kaya natutulog. Pagod ka sa game e. I'm sorry kung natagalan din ako magluto." bakas sa boses niya ang pag-aalala. Pinipitik ko ang sarili ko. Nasasaktan naman ako.

Shocks. Lahat 'yon panaginip?!

"Huy Je. Okay ka lang? May lagnat ka ba?" hinawakan din niya ang leeg at noo ko.

"Hindi ka naman mainit" napahawak ako sa leeg ko sa sakit.

Shocks. Panaginip nga.

Napailing na lang ako na mapagtanto kong panaginip lahat ng 'yon.

Grabe. Sobrang pag-iisip ko ba 'to kay Deanna na ganito kaklaro panaginip ko. Nakakabaliw. Nakakapraning.

Ginulo-gulo ko ang ulo ko. Nakakainis!!!

"Uy sorry. Naabala ko ata pagtulog mo." pag-aalala ni Deanna. Tinignan ko lang siya.

"Hindi. Okay lang. Nanaginip lang ako" pag-aayos ko rin ng buhok. Nakakainis talaga.

"Masaya ba panaginip?" natatawang tanong niya.

"Oo. Sobrang saya pero grabe panaginip pala. Ayoko na sana magising." mahinang sabi ko. Tinap naman niya ako sa ulo at ngumiti.

"Hahaha. Okay lang 'yan. Baka gutom lang. Lika na kakain na tayo." saka naman siya umalis. Tinitignan ko lang siya habang palayo.

"Ahhhhhhhhh!!! Nakakainis!!!!!" pagmamaktol ko pa. Sino ba hindi magmamaktol?!

"Badtrip talaga. Ganito na ba ako kadesperado na kahit panaginip ko?!

"Je. Halika na dito. Lalamig ang pagkain." napabuntong hininga na lang ako.

Malakas pa rin ang ulan. Kumukulog. Gusto kong maglumpasay sa labas sa sobrang inis ko pero wala naman 'yon magagawa.

Tumayo ako at inayos ang pinaghigaan ko.

Badtrip talaga. Sa lahat ng mapapaniginipan yung masaya pa. Pwede bang maging realidad yon?

Nanghihina ako hindi dahil sa bagong gising ako kundi lahat ng 'yon nasa panaginip ko lang.

Which means?????

Wala si Liya dito sa Pilipinas?!

"Hoy Je. Lutang ka ba?" pagtatanong ni Deanna habang ako naman ay paupo.

"Medyo? Di lang maganda gising."

"I'm sorry."

"No okay lang. Di mo kasalanan." kasalanan ko mag-isip ng sobra. Posible pala yun na managinip ka sa sarili mong panaginip. That LANY concert and apartment.

The Unexpected YouWhere stories live. Discover now